Chapter Four

74 5 10
                                    

Ganoon lang.

Ilang linggo rin naging maayos na ulit ang bawat araw ko. Finals na at sa susunod ay exam na namin. Hindi na rin ako magkandaugaga sa pagpapasa ng mga requirements at sa paghabol sa deadline kaya ang ending, naggo-group study kami ni Hex kasama si JP na INC pareho.

"Merry christmas!" sigaw ni Alie sa dalawa at ngumiti nang pagkalawak-lawak.

"Happy birthday," tamad na tugon ni Hex.

Tinawanan ko sila. May sapak din talaga sa ulo minsan si Alie at inaasar ang dalawang kaibigang INC. As a good influencer friend, sinasaway ko siya.

"Alie, ginagawa mo dito?" tanong ko at niligpit ang ibang gamit na tapos ko ng gawin.

Humikab ako at tumingin sa orasan. Napag-usapan namin na dito sa roofdeck ng isang coffee shop kami maggroup study. Dito namin tinapos lahat ng mga pinapagawa at nagtutulungan.

"Kita ko post ni JP," aniya at naupo sa tabi ko.

Kita ko agad ang makukulay at mahahaba niyang kuko. Maraming gintong bracelets at singsing na kinasanayan niya. Alie's things.

Pumalakpak at nagtaas ng kamay si Hex at agad siyang nilapitan ng waiter. Binalingan niya ako ng tingin at nagtanong.

"Ano gusto mo?" tanong niya sa akin.

Umangat ang isang kilay ni Alie.

"Uh... Espresso..."

Libre niya ba?

"Okay. Bread?"

Tumango ako.

Sinabi niya ang order ko sa waiter at sunod niyang binalingan si JP na nagsusulat.

"Hoy, order mo?" Niyugyog nito si JP na muntik ng masapak si Hex dahil nagulo nito ang pagsusulat. "Ayaw mo?"

"Chocolate chip cookies tapos sandwich! Ikaw na bahala, wala akong dalang pera, wala ng bawian." Hindi na niya hinayaang magsalita ang kaibigan sa takot na hindi ito ilibre.

"Geh. Kuya..." Sinabi muli nito ang order at ang order niya, marami siyang sinabi at hindi na binalingan si Alie para tanungin kung ano bang order nito.

"Kaninong name po?" tanong ng waiter.

Tumawa si Hex. "Alie Demardo," tarantado niyang sagot.

"Hoy, baliw, Hex!" Tumili si Alie. "Ang lakas ng tama mo! Bakit ako magbabayad?! Sampal gusto mo?" Tumayo siya at handa ng bawian si Hex ngunit tumayo din ang lalaki at handa pa yatang makipaghabol.

Makulit si Hex. Madalas, si Alie at siya ang nagrarambulan. Kapag may ginagawa tuloy ako at malapit sila sa akin ay nabubunggo ako, wala akong ginawa kung hindi samaan lang sila ng tingin na walang epekto sa kanila.

"Hex! Mahiya nga kayo!" suway ko.

"Taena nitong lalaki na 'to!" singhal ni Alie at naupo sa tabi ko. "Kapag kayo tinakbuhan ko!" Umiling siya, salubong ang kilay.

Tumatawa, naupo si Hexzel sa harapan ko. Nakatingin siya kay Alie at pinipigilan pa rin ang matawa.

"Manlilibre ka rin naman!" palusot pa ni Hex.

"Budol, ulol!" inis na sambit ni Alie na ikinatawa namin.

Naging tahimik na rin kami. Malapit na akong matapos at maya't maya ang pagsubo ko ng tinapay. Gumagawa pa ako para sa attendance at sa gaganaping event, graduating na rin kasi.

"Round two pa tayo!" Hex grinned.

Inirapan siya ni Alie na naglalabas ng pera para magbayad.

"Wala na akong pera!"

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon