A/N: Acush loves old songs. And hey! I'm old songs.
(chereng. i love old songs too. hindi ko siya tinitingnan as sobrang luma na in this generation na 'yong iba, ginagawang katatawanan 'yong mga old songs. for me, there's still an unique meaning in each songs. especially love songs. so the songs i mention in this story, some of them, pinapakinggan ko, 'yong iba, i do research and somehow i know them.)
Through The Years by Kenny Rogers
***
Nasabunutan ko ang sariling buhok at sumubsob sa lamesa. Kanina pa ako nag-iisip. Ang daming mga senaryo na tumatakbo sa isip ko. Na ganito mangyayari, na gan'yan ang mangyayari, sa sobrang dami, hindi ko matapos-tapos ang possible outcomes ng gagawin ko.
"Tang ina," I murmured.
Kanina pa tunog nang tunog ang cellphone ko. Si Acush ang laman ng notification ko. Missed calls at messages na ilang oras na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay mayroon pa rin.
"Fille, is everything okay?" Nilingon ko si Kd na nakasilip sa pintuan. Umayos ako ng upo at tumango sa kaniya.
"Pasok ako, ah?"
Hindi na ako sumagot.
Hinagis ko ang cellphone sa kama at niligpit ang iilang gamit sa study table. Hindi na ako nakapag-review, hindi ko alam kung papayagan pa rin ako na pumasok.
Binuksan ni Kd ang ilaw sa buong kwarto. Tanging ang lamp lang na nasa table ang ginamit ko kanina.
"You looked problematic. Ano meron? You can tell it to me. Promise, I have nothing to do but to listen. To be fair, I'll tell you mine."
Hinarap ko ang upua sa kaniya at ipinatong ang dalawang paa sa upuan saka niyakap ang mga tuhod. Umupo siya sa kama at dinampot ang cellphone ko. Naabutan niyang tumatawag si Acush sa akin. "My Madriaga" pa ang name ni Acush sa akin.
"Bakit hindi mo sinasagot tawag ng boyfriend mo?" tanong niya. Nang mawala ang tawag ay tumambad sa kaniya ang notification ko na puro si Acush ang laman. "You shouldn't be like this if you're darling calling you so many damn times."
"Mamaya na lang..." I looked away.
"Bakit ba? Ano meron?"
Binitawan niya ang cellphone ko at itinuon ang buong atensyon sa akin. Itinukod niya ang dalawang kamay sa kaniyang likuran bilang suporta.
"Napagkamalan ako na ako ang kumuha ng answer key sa isa sa mga exam namin," panimula ko.
"And? Who did that?"
"Si Clarity. Siya talaga ang kumuha ng answer key, nagkasabay kami sa CR kaya binaliktad niya ang totoo. Ako ang pinalabas niya na kumuha ng answer key."
"And you think na matatanggal ka?"
Napatango ako sa kaniyang sinabi.
Bumuntong-hininga siya. "Sino ba nagpasok sa 'yo sa school na 'yon? 'Di ba si Marcus?"
Muli akong tumango.
"Sigurado akong nakarating na iyon kay Acush. Alam ko rin na sobra siyang dismayado sa akin," sabi ko.
"Bakit naman? If you're darling really loves you, why won't he believe you? Bakit siya magiging dismayado sa 'yo?"
Hindi ako nakapagsalita.
Si Acush ang nagpapasok sa akin sa unibersidad na iyon. Nakakadismaya lang na nagkaroon ako ng isyu na gano'n.
"Fille, if you love someone, you will accept even their mistakes... So answer his calls. Nag-aalala na 'yon."
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
Fiksi UmumNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...