Prologue

162 9 7
                                    

"Bitiwan mo ako. Nasasaktan na ako."

Isang babaeng takot na takot. Maaaring takot na masaktan? Takot na hindi na muling makita ang minamahal? O takot na may magawa siya na sobrang ikakatakot niya.

Takot ang laging nangingibabaw sa atin kapag nagiging matapang tayo, kapag may naiisip tayong isang bagay na mabuti ngunit alam mong makasasama sa taong nasa paligid mo.

Lagi naman tayong may takot. Hindi na mawala-wala iyon.

Pero paano kung ang takot na iyon ay mapalitan ng isang pagkabaliw?

Pagkabalisa.

Pagkabingi sa katotohanan...

Sumigaw ang babae sa sakit.

Hating gabi na at lahat ng mga tao ay tahimik na natutulog. Tanging mga poste na lang ang nagbibigay liwanag sa madilim na kalsada. Hindi na kayang matahimik ng babae.

"Tumigil ka. Kanina ka pa, ha. Hindi ka man lang madaan sa tingin. Pinapahiya mo pa ako!" singhal ng lalaki.

"Dapat lang sa 'yo 'yon! Asshole!"

Dumapo ang bigat na kamay ng lalaki sa pisngi ng babae.

"Tigilan mo na ako! Huwag mo akong hahawakan!"

Ginawa niya ang lahat para lang makatakas mula sa mga kamay ng dati niyang kasintahan na lagi na lang siya pinagbubuhatan ng kamay.

Bakit kaya may mga ganitong relasyon?

Iyan ang bumabagabag sa isipan niya. Bakit kailangan pang humantong sa ganito. Gusto niya lang naman ang maging masaya.

Kaya mahirap sa kaniya na magtiwala muli sa pag-ibig. Bakit pa siya namulat sa mga prinsesa na may magliligtas sa kanila. Bakit kailangan pa niyang malaman ang mundong fantasy. Na sa una pa lang, alam na niyang hindi totoo iyon.

Kaya naman, gusto niyang makawala sa reyalidad. Na hindi na niya kayang makatayo o makalakad. Ibang-iba na ang binibigay ng reyalidad sa kaniya.

Nagsimula ang lahat sa isang pangyayari, naging simula ng perpektong kwento ng isang babaeng inihahayag ang perpektong kwento ng kaniyang kasintahan.

Now, our story begins. I love how I tell them our me and you. Wala raw perpekto, pero nasalungatan natin ang salitang iyon. And they called us... The Perfect Pair.

**
word count: less than or more than 3k and which will not exceed 4k.

your votes and comments are highly appreciated <3

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon