Chapter Twenty Four

14 2 0
                                    

Nang makarating kami sa bahay nila Hannah ay bumaba na kami nila Hex. Binuhat niya si Hannah sa isang magandang paraan. Nagpaalam kami sa kanila bago ko isara ang pinto ng van.

Binuksan ko ang gate ng bahay nila Hannah. Bukas pa ang ilaw sa sala. Tumahol agad ang aso nang makita kami.

"Hex, may aso," natatakot kong sinabi.

"Nakatali naman." Tumingin siya sa akin. "Kapit ka lang sa gilid ko para hindi ka lapitan ng aso," aniya.

Kumapit ako sa braso niya gamit ang dalawang kamay habang hindi pinuputol ang tingin sa aso na nakatingin din sa amin at patuloy na tumatahol. Baka mamaya, makatakas ito sa pagkakatali at kagatin kami.

"Lagot ka, Fille, kapag kinagat ka n'yan. Hindi pa naman tumatalab ang anti-rabbies sa 'yo." Humalakhak siya.

Pinalo ko ang kaniyang braso at umirap.

Kumatok kami sa pintuan. Bumukas din agad iyon at bumungad sa amin ang isang magandang babae. Ang Ate ni Hannah.

"Good evening po," bati namin ni Hex at ngumiti.

Bumaling siya saglit sa aso na tahol nang tahol at gustong lumapit sa amin. Sinuway niya ito. Natahimik naman ang aso.

"Pasok kayo..."

Pinauna ko na si Hex na pumasok para ilapag niya si Hannah. Mabigat din naman ang babae kaya baka nangangalay na ang braso niya.

"Ano'ng nangyari kay Hannah?" tanong ni Ate Anne at nilapitan si Hannah na nakahiga sa couch.

"Kumain po kami sa labas, pauwi na po kami nang bigla na lang po nawalan ng malay si Hannah," sabi ko. Bumaling ako kay Hex na nag-uunat, tumingin siya sa akin. "Dahil lang naman po sa pagod kaya po siya nawalan ng malay. Kailangan niya lang po ng pahinga at pag-aalaga sa sarili."

Tumingin siya sa akin at nawala ang pangamba.

"Thank you, Fille, Hex..."

Ngumiti ako kay Ate Anne at tumango.

"No problem po," sabi ni Hex. "Pabaya talaga 'yang babae na 'yan. Naghihintay kasi na may mag-aalaga sa kaniya." Tumawa siya.

Pinandilatan ko ng mata si Hex ngunit hindi niya ako pinansin.

Napangiti si Ate Anne.

"Favor ulit, Hex?"

"Sure. Ano po?" Umayos ng tayo si Hex.

"P'wede bang dalhin mo si Hannah sa kwarto niya? May online meeting pa ako. Okay lang?"

Tumango si Hex. "Okay lang po."

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Hannah. Gumilid ako para makaraan si Hex. Dahan-dahan niyang nilapag si Hannah sa kama at kinumutan.

"Matutulog na 'to. Gising nito bukas na." Mahina siyang tumawa.

"Baliw. Hindi 'yan matutunawan," sabi ko at naupo sa gilid ng kama.

"Labas lang ako. Iinom ako ng tubig. Ang bigat ni Hannah," aniya.

Tumango ako at hinayaan siyang lumabas. Reklamador talaga ang isang 'yon. Ang daming sinasabi sa buhay. Baka nga habang nag-oopera siya, imbes na tulog ang pasyente, dinadaldal pa niya.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon