Chapter Twelve

16 2 0
                                    

FiHaZeNaReWen SUPERMARKET
active now

stadi pers
voice message; "Hello, guys! Pakigalaw ang baso! Baka naman! Gusto ko nang gumala!"

miss u balik kana is typing...

bby ni ano
uy namiss ko kayo guys. kailan us?

miss u balik kana
Do'n tayo sa samgyupsal! Gusto ko do'n. Pleaaaase?

maharlika pretty
Hello? Who set my nickname ha?! Hdy!!

maharlika pretty cleared her nickname.

Natalie
'Yan! Perfect! About sa gala? P'wede ako anytime.

pogi sa kanto
epal nagchange ng nickname ko😾

bby ni ano
baket? hindi ka ba taga-kanto lang?

pogi sa kanto
ganito ka katangkad hannah oh🤏

bby ni ano
pakyu🤌

stadi pers
voice message; "Ang seener ni Fille."

pogi sa kanto
hi panget @seeneristfillest

miss u balik kana
gala @everyone


Ah. Ingay nila.

Nag-do not disturb ako at pinagsisihan na nag-open pa ng account ko. Ang weird ko rin minsan dahil tingin ko, ang kalat kapag maraming notifications. Kaya kaka-DND ko, may nami-missed akong texts o calls.

Bago ko pa tuluyang patayin, may pahabol na nag-message sa akin.

Hex pogi:
Hoy panget na ayaw magchat sa gc, ano na ganap kay Kd?

Napairap ako.

Ako:
Tao pa rin.

Hex pogi:
Alam ko. Humihinga pa ba yan?

Ako:
Malay ko.

Hex pogi:
Ano ba! Ayusin mo nga! Malalagot ako sa prof namin e!

Ako:
Ayusin mo rin kasi! Parang tanga.

Hex pogi:
Mas tanga ka 'wag ka papatalo mi🤩

I sighed. Mahirap talaga na may baliw kang kaibigan.

Nagsimula akong magbasa ng book. May isa kasing topic na nahihirapan ako. Kailangan ko talagang maglaan ng mahabang oras para rito. Lalo na at nagkakaroon ng kakumpitensiya sa loob ng room. Hindi ko naman dapat isipin iyon pero nacha-challenge ako.

No'ng dumaan ng hapon, nagpahinga na ako. Binuksan ko ang phone ko at tinanggal sa pagkaka-DND. Sunod-sunod na nagpop out ang mga notifications.

Hex pogi:
Eto pikon agad. Tulungan mo na ako kay Kd.

Ako:
Na?

Hex pogi:
Dispatsahin.

Ni-blocked ko ang numero niya.

Iyong iba naman na karamihan na notifications ay galing na sa iba kong accounts. Katulad ng group chat namin na naka-silent sa akin.

Lumabas ako ng kwarto dahil sa gutom. Hindi ko alam kung kumain na ba si Kd ng matinong pagkain dahil puro snacks ang nakikita kong kinakain niya. Bahala na siya.

Mukhang kanina pa siya tulog. Naabutan ko siyang nakahiga sa couch. Ang isang braso ay nakatakip sa kaniyang mata habang ang isa ay nakalaylay na sa sahig.

Natitigan ko si Kd. Maputi siya at may hitsura. Napatingin ako sa mapula-pula niyang manipis na labi.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Baka mamaya ay dumilat siya at makita niya akong nakatitig sa kaniya, nakaharap pa naman siya sa akin.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon