Chapter Eleven

18 2 0
                                    

Pilit kong iniisip kung saan nanggaling ang mga pasa. Kung diriinan sa pagkakahawak ay hindi naman masakit. Hindi naman ako nabunggo o ano, wala talaga akong maalala na magiging dahilan ng pagkapasa ko.

"Hindi ka pa rin papasok?" tanong ko kay Kd na nahuli ko na namang nanonood.

"Mukha ba akong pumasok?"

Nagsalubong ang kilay ko. Ang sungit talaga nito. Gusto ko lang naman siya makausap tutal magkasama naman na kami ngayon sa iisang bubong.

"Dapat pumasok ka. Ang daming gustong mag-aral tapos ikaw gagan'yan ka lang?"

Hindi siya sumagot.

Naupo ako sa kaniyang tabi. Maaga naman akong natapos sa pag-aayos at mapapaaga lang ako sa school.

"You should leave." Umusog siya.

"Ayaw mo maging doctor? Uupo ka na lang dito magdamag while others seeking for doctors help?"

Napatulala siya roon sa TV. Maya-maya ay lumingon siya sa akin.

"Wala ka na ro'n."

"Bakit ba ayaw mo pumasok?"

"Stop being so isang taong kunwaring nagmamagandang loob. You want something from me, huh?"

Napatayo ako at pinagtaasan siya ng kilay.

"Kapal mo. Wala akong kailangan sa 'yo." Tinalikuran ko siya. "Nagtatanong lang tapos gan'yan na siya mag-isip? Assuming din pala itong si Kd," bulong-bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala! Aalis na ako!"

Bago ko isara ang pintuan, muli kong sinulyapan si Kd.

Him.

There's something I can tell about him.

As usual, dapat talaga na maaga pa akong pumasok para buksan ang pintuan ng room. No'ng pumasok na tuloy ako, nakatambay na ang iilang kaklase ko sa gilid o harap ng room.

"Hay... Buti naman," sambit nila nang mabuksan ko ang pinto.

Huling pumasok si Gene na natatawa pa.

"Bakit ba kasi ngayon ka lang?" tanong niya at pumasok kami.

"Wala. Akala ko sakto lang dating ko," sabi ko.

"Ang init sa umaga! Open mo na ac, Gene!" ani ng isa.

Binuksan ni Gene ang aircon at nilakasan. Heto naman kami at nagsara ng mga bintana. 10 minutes pa bago magsimula kaya may kaniya-kaniya silang mundo. 'Yung iba nagtatanong sa mga lectures, iba nagyaya pang maglaro at ang iba ay iidlip pa.

Naupo ako sa pwesto ko at nag-open ng social medias. Wala naman masyadong ganap maliban na lang sa puros si Peace ang nakikita ko sa newsfeeds ko. Puros shared posts siya at tina-tag ang mga kaibigan.

Tiningnan ko ang isang shared post niya tungkol sa rating sa naging dating kaklase.

Peace Fuentes
12h • 👥

College🤗

Biboboboka • Follow
rate your classmates.

😮😆 10

Peace Fuentes
Gerico-8/10 hindi ko kilala pero oks na.

12h  Like  Reply

Peace Fuentes
Alyssa-7/10 mag-aabogado tayo lods kahit naka-mic ang lakas pa rin ng bulong mo juk✌️#spreadthekapayapaan

12h  Like  Reply

Peace Fuentes
Dei-69/10 lakas neto jelly ace 'yung katawan malambot tas kapamilya ni spongebob.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon