Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinikilig sa aming dalawa. Hindi ko alam kung nababaliw na ako pero nando'n 'yong spark. Parang may kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko. Hindi nagiging normal ang pakiramdam ko kapag nand'yan siya.
Noong una pa lang, alam kong may nangyayari na. Una pa lang, naging kumportable na ako sa kaniya. Pakiramdam ko, naging tao na ulit ako. Pakiramdam ko, buhay na buhay ako.
"Kayo, ha! Ang lakas niyong iwanan ako!" bungad ko sa kanila pagkapasok ng unit ni Natalie.
Kumunot ang noo ni Alie sa akin habang inaayos ang magulo niyang buhok. Sinarado ko ang pintuan at naglakad palapit sa kanila. Bagong gising lang si Natalie at mukhang sumama pa yata ang araw niya nang makita ako.
"Hello? Ikaw kaya itong nang-iwan," aniya.
Nakita ko si Hex na tulog pa sa couch. Nakalaylay pa ang isang braso sa sahig. Inusog ko ang kaniyang mga binti at saka naupo.
"Nang-iwan? Nagising na nga lang ako, nasa ibang kwarto na," sabi ko at pinagmasdan ang paligid.
"Oh my gosh... Sumuko ka?!" gulat niyang tanong.
Kumunot ang noo ko at hinagis ang pillow na nadampot ko. "Gaga!"
"Weh? Baka mamaya, you are running to me and needs my help tapos may tinatago kang pregnancy test."
Hindi talaga siya tumigil.
"Alie, parang ewan!" sabi ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.
"Si Acush naman naghatid sa 'yo kaya may tiwala kami na ligtas at malinis kang makakauwi. Kung kay Peace pa kita pinahatid? Baka hindi ka na no'n natiis at pabayaan ka." Dumiretso siya sa kaniyang kusina.
Dinampot ko ang mga nalaglag na gamit ng mga kaibigan ko.
"Nandito kayong lahat?" tanong ko nang madampot ang purse ni Hannah.
"Oo, sabay-sabay na kaming umuwi. Naghintayan pa nga na nauwi sa pag-inom ulit. Nasa kwarto ko 'yong mga babaita," tugon niya.
"Kita mo na! Sabay-sabay na umuwi!"
"Lasing ka na kaya!"
Napailing na lang ako at saglit na nagligpit na mga nagkalat na gamit. Pagkatapos no'n ay dumiretso ako sa kwarto at nakita roon ang mga nakahilatang sina Hannah, Rem at Wendy.
Nasa sahig si Hannah, natutulog. Habang 'yong dalawa ay halos daganan ni Wendy si Rem.
Lumapit ako kay Hannah at ginising. "Uy, Hannah. Ang lamig-lamig ng sahig. Baka magkasakit ka," sabi ko at tinapik ang kaniyang pisngi.
"Ano ba... Dam, tumigil ka."
"Ako 'to si Fille."
Napamulat siya at tumingin sa akin.
"Sis!" nakangiti niyang sambit at hinila ang leeg ko para makayakap. Nagulat ako kaya hindi ko agad nai-balanse ang katawan.
"Hannah! Nahihirapan ako!" sabi ko.
"Sorry!" Ngumiti siya sa akin at pinakawalan ako. Pagkaupo niya ay bigla siyang napahawak sa kaniyang ulo.
Tumayo ako.
"Gusto ko nang mamatay... Ang sakit ng ulo ko," reklamo niya at naglakad palabas.
Hinayaan ko muna ang dalawa na matulog doon. Kinumutan ko muna sila bago iwanan. Dumiretso si Hannah sa kusina para uminom ng tubig.
"Wala man lang malasakit... Hinayaan akong matulog sa malamig na sahig. Hindi man lang ako inunanan..." naririnig kong bulong ni Hannah na parang masama ang loob.
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
Ficción GeneralNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...