Chapter Sixteen

12 2 0
                                    

"Acush, tama na..."

Hindi ako makagalaw habang pinapanood ang dalawang magkaibigan na ilabas si Acush sa kwarto.

Pangalawang beses kong tinanong kay Acush ang tungkol sa bagay na ito. No'ng una ay sinabi niyang dahil sa kaibigan niya ako at ngayon ay magkaibang-magkaiba sa sinagot niya sa akin.

"Kaya ko ang sarili ko." Tinabig niya ang kamay ng kaibigan at lumabas. Tumingin ang sina Peace at Clawd sa akin.

"I'm sorry, Fille. Gano'n lang talaga si Acush. He drinks when he is frustrated. He's into it again."

Tumango lang ako.

"Matulog ka na. Saka na kayo mag-usap kapag malamig na ang ulo ng isa. Good night."

"Good night din," sabi ko at napahawak sa braso.

"Sleep well, Fille," saad ni Peace bago isara ang pintuan.

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nakatulala lang ako sa kawalan habang binabalikan ang mga sinabi ni Acush. Hanggang sa mapaupo na lang ako at sapuhin ang mukha.

     Napamulat ako. Umunat ako at tumingin sa oras ng phone. Ala-siete pa lang ng umaga. Bumangon ako at tiningnan ang sarili. Muli na namang bumalik sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si Acush.

Suot-suot ko ngayon ang kaniyang white t-shirt at stripe pajama. Kahit dinadalaw pa ako ng antok, lumabas ako.

Walang tao sa sala pero may naririnig akong ingay sa kitchen. Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang sinara ang pintuan.

Tumikhim ako bago magsimula maglakad papunta sa kitchen. Parang gusto kong bumalik nang makita ko si Acush pero hindi ko na nagawa dahil nakita na niya ako.

"Morning," bati niya at tumalikod sa akin para ilagay ang mga ginamit sa pagluluto sa lababo.

Hindi ako nakapagsalita. Masyado na sigurong matagal ang isang minutong hindi ko pagsasalita pabalik kaya hindi ko na tinuloy ang binabalak.

"Aalis ka na ba?" tanong niya, nakatalikod pa rin sa akin.

"O-Oo..." Kinagat ko ang labi.

"Kumain ka muna."

Tumango ako kahit hindi niya kita.

Naupo ako sa upuan at inabala ang sarili. Kung saan-saan ako tumitingin. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan ko.

"S-Sila Peace?" tanong ko.

Hindi ako nakatingin sa kaniya nang maramdaman kong nilingon niya ako.

"Nasa gym," tipid niyang sagot.

Tumango ako.

Binalot na naman kami ng katahimikan. Nakakailang! Tanging ang ginagawa niya lang ang nakagagawa ng ingay. Parang gusto kong dalhin ang gym dito para lang makabalik sina Peace!

Naghain siya ng pagkain. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang maglagay siya ng plato sa harapan ko at inasikaso ako.

"A-Ako na..." sabi ko at kinuha ang plato ng kanin.

Naupo siya sa harapan ko at hinayaan ako. Nagsimula kaming kumain nang walang kibuan. Hanggang sa matapos kami. Tumayo ako at nilagay ang pinagkainan sa lababo.

"Leave it there. Turn ni Peace ngayon na maghugas ng pinagkainan," sabi niya kaya natigilan ako.

"Okay."

Tahimik kami hanggang sa makasakay ng elevator. Hawak-hawak ko ang paperbag na naglalaman ng mga damit ko at hindi ko na nagawa pang makapagpalit kaya ang damit pa rin ni Acush ang suot ko.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon