Lumabas ako ng aking kwarto nang nakapang-alis. Maong pants, black and white shirt, at ang aking brown shoulder bag. Plano kong bisitahin si mama.
Napatingin ako kay ate na humihigop ng kape at nakatutok sa kaniyang laptop. Base sa mukha niya ay badtrip siya, nakaangat ang isang kilay at mabibigat ang bawat pagbagsak ng mga daliri sa keyboard.
Hindi ko man lang narinig o nakitang umalis si kuya Kaver, ang pamangkin ko ay wala rin.
"Bisitahin ko lang si mama," malamig kong sinabi.
"Okay," tipid niyang sagot at napalingon sa kasintahan na kalalabas lang ng kanilang kwarto. Napairap siya at binaling ang tingin sa harap.
"Shutangina, Ralf, baon tayo sa utang, ha? Ano? Wala ka na namang trabaho?"
"Kaya nga naghahanap ako!" Nagsalubong ang kilay ni Ralf.
"Tapos ilang araw at matatanggal ka na naman?" Kinalampag ni ate ang lamesa at tinanggal ang kaniyang salamin sa mata, nilingon niya si Ralf. "Ayoko ng makaistorbo ng ibang tao, Ralf, sigurado akong walang-wala rin ang mga taong inutangan natin."
Napatingin ang dalawa sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at lumabas na ng bahay. As usual, summer ngayon, mainit na naman, halos pumikit na ako sa sobrang sikat ng araw.
At sobrang swerte ko sa araw na ito. Umaga pa lang at alive na alive ang mga chismokers sa street namin. Nakatambay sila sa harap ng isang tindahan at nakahilera sa kanilang harapan ang sari-sariling bingo cards.
"Sa letrang O! Edad mo, Elena!" sambit nung may hawak ng parang bote at sa loob no'n ay ang mga numero.
Nagtawanan sila. "57!"
"Grabe kayo sa edad ko!" Humagikgik ang matandang naka-daster. Nagpaypay siya ng abaniko habang naglalagay ng centavos sa kaniyang bingo card.
Kukunin ko na sana ang pagkakataon na 'yon na abala sila ngunit nang dumaan ako sa harapan nila ay gano'n na lang ang bilis ng paglingon ng kanilang mga ulo para tumingin sa akin.
"Heto na pala ang anak ni Melian," ani ng matandang naka-boy cut at nakasuot ng daster. Inalog niyo ulit ang bote habang hindi pinuputol ang tingin sa akin. "Kumusta ang nanay mo? Mabubulok ba 'yon do'n?"
"Hindi ho. Hindi ho siya ang mabubulok kun''di ay kayo," walang gana kong sinabi.
Awtomatiko namang umangat ang kilay nila at tumigil sa paglalaro.
"Bastos kang bata ka, ah!" sambit nung isa.
"Mabubulok ho ang mga buhay niyo kung umaga at gabi ay nakatutok kayo sa pagbi-bingo niyo. Bingo-ng- bingo na ho kayo sa itaas, ugali't pananalita niyo ay nangangamoy na."
Napanganga silang lahat.
"Bastos kang bata ka! Wala kang galang! Walang respeto! Dapat lang sa inyo ang nangyayari sa inyo ngayon! Mga walang modo!"
Napairap na ako sa kawalan at lumayo agad sa kanila, sa takot na baka lumaki ang gulo at sa akin pa masisi.
Mabuti na lang ay wala masyadong naghihintay sa waiting shed. Naupo ako at nag-abang ng bus.
Ang aga masyado para uminit ang ulo, mainit na nga ang panahon. Kalmahan lang muna tayo.
Tungkol sa nangyari kagabi, akala ko talaga totoo, nananaginip lang pala ako. Hindi tuloy iyon mawala sa isipan ko at nag-iisip kung konektado ba ang mga taong iyon sa akin.
Salfvian at Clark. Magkasintahan ang dalawa.
Oh, sumasakit lang ang ulo ko. Siguro wala lang iyon. Ang dami-dami kong napapanaginipan na gano'n ngunit iibang tao.
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
قصص عامةNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...