Chapter Fifteen

14 2 0
                                    

Napatingin ako ngayon sa gwapong si Kd. Sa kaniyang kaliwang kamay ay may hawak siyang bukilya ng bulaklak. He was wearing a white polo, beige pants, black shoes and a Rayban on his head.

"Hey... Are you done?" Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Wait!"

Bumalik ako sa loob at kinuha sa paperbag ang sandals na binigay na rin sa akin ni Hannah. Color black ito at hindi mataas ang takong.

Kinuha ko ang shoulder bag ko at ang phone. Sumilip ako kay Peace na nagpapalit na ngayon ng punda ng unan.

"Peace," tawag ko.

"Hmm?" Hindi siya tumingin sa akin.

"Aalis na ako. Thank you."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Si Acush? Nagpaalam ka na sa kaniya?"

"Hindi pa nga, eh."

Lumabas si Peace ng kwarto. Napatingin siya kay Kd na nasa labas pa rin. Dumiretso siya sa kwarto ni Acush na nakasarado ang pinto. Kumatok siya ro'n.

"Buksan ko na, Cush, ah?"

Nilingon ako ni Peace.

"Ikaw na bahala magpaalam." He grinned and left me.

Napabusangot ako. Nag-wait sign ako kay Kd na tumango.

"Take your time."

Ngumiti ako sa kaniya bago lumapit sa pintuan. Humawak ako sa doorknob at sinilip si Acush na nakaupo sa headboard ng kama at nagbabasa ng libro.

Bakit hindi pa siya mag-ayos?

"Ah... Aalis na ako," mababang boses kong sinabi.

Pinasok ko ang kalahati ng katawan at tumingin kay Acush.

"Okay. Ingat." Nasa libro pa rin ang kaniyang tingin.

"Uh, sige..."

Isasara ko na sana ang pinto nang magsalita pa siya.

"Huwag kang magpapagabi. Kung hindi ka niya maihahatid, tawagan mo ako," he said softly.

"Okay." Tumango ako at tuluyan ng sinara ang pinto.

Humugot ako ng hininga bago hinanda ang sarili. Pinuntahan ko na si Kd at umalis na kami. Nagulat ako nang lumapit siya ro'n sa nakaparadang sasakyan na itim.

"S-Sa 'yo ito?" gulat kong tanong at lumingon sa kaniya.

"Uh, yeah." Pinaglaruan niya ang susi sa kaniyang daliri.

"Weh?"

Mahina siyang tumawa. "What do you think of me?"

Hindi na ako nakapagsalita.

Pinagbuksan ako ni Kd ng pinto at pumasok ako. Pakiramdam ko ay sobrang pula ng mukha ko.

Bago niya buksan ang makina ay inayos niya ang kaniyang seatbelt. Bumaling siya sa akin. "Yours, please."

Tumango ako at kinabit ang seatbelt sa akin. Hindi naman ako nahirapan sa pagkakabit. Iniiwasan ko rin mangyari ang eksena na napapanood ko sa mga drama.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi na ako nagtanong at nanatili na lang sa kinauupuan. Tumingin ako sa side mirror ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang sarili ro'n.

Inalala ko ang huling date ko pero hindi ko na ginawa nang maalalang kahit kailan ay hindi ako nakipag-date. Ngayon lang nangyari, kay Kd pa.

Inayos ko ang buhok ko habang nakatingin pa rin sa side mirror.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon