Chapter Six

41 4 8
                                    

"Acush..."

Kumaway siya sa akin at ngumiti.

Unti-unti akong naglakad palapit sa kaniya habang gulat pa rin na nandito siya sa tapat ng presinto, nakaupo, at mukhang kanina pa naghihintay sa akin.

Tumayo siya at napahawak sa kaniyang batok.

"Pauwi ka na ba o may pupuntahan ka pa?" tanong niya sa akin at lumapit.

Umiling ako.

"Tatawagan na sana kita pero mukhang hindi na kailangan. Kanina ka pa nandito?"

"Uh, oo. Gusto ko na sanang pumasok para tingnan kung nasa loob ka pa ba..."

"Katatapos ko lang kausapin si Mama."

Sabay kaming naglakad palayo sa presinto. Hindi ko alam kung bakit siya naghihintay sa labas kung pwede naman siyang pumasok. At ang sabi ko, hindi na ako papasundo, kanina ko pa nga hinihintay ang message niya sa akin.

"Ano nangyari?"

"The case will be re-opened," sabi ko na ikinakunot ng kaniyang noo.

No'ng nag-uusap kami ni Mama, ayaw niya talaga. Halos lumuhod siya sa harapan ko para lang itigil itong ginagawa ko. Tinanong ko kung bakit niya ayaw ngunit sinabi niya lamang na nag-aaksaya lamang ako ng pera at oras.

Sa tingin ko ay may tinatago sa akin si Mama. Kilala ko si Mama, ayaw niyang namumuhay nang habang buhay sa iisang lugar at hindi nakalalabas. Hindi lang 'yon basta-basta tungkol sa oras at pera na inaaksaya ko. May iba pang dahilan.

Nilingon niya ako. "Paano?"

"Through a petition."

"A-Anong petition? Seryoso ka ba d'yan?"

"Yah. Petition for re-opening the case. Ba't ka ba tanong nang tanong? Ikaw yata ang mag-aabogado dito? Bakit petition man lang hindi mo maintindihan?" Binalingan ko siya ng tingin.

Natawa siya. "Sorry. Sadya ko 'yon. I can really see in your eyes that you are determined to get your mom out in jail."

I raised an eyebrow at him. "And what kind of child would want his mother in jail?"

Humalakhak siya pagkatapos. "Ano na mangyayari? May bagong evidence ba kayong nakuha na hindi na-present ng former defense niyo?"

"Meron... But I don't think it'll help to win the case..." nanlulumo kong sinabi.

"Ano ba 'yon?"

"'Yung phone nung lalaki. Phone ni Clark."

Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Ano? Saan mo nakuha ang phone ni Clark?" gulat siya. Pinamutlaan siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Umawang naman ang labi ko sa reaksyon niya. "B-Bakit? Naghanap ako mag-isa doon sa lugar na pinangyarihan. Lumayo-layo ako at nakarating ako roon sa malapit na ilog sa amin, nakita ko 'yung kasama sa mga basurang nakaimbak."

Kumunot ang kaniyang noo at kumalma.

"Paano mo nasabi na phone niya 'yon?"

"Nakita ko sa phone case niya."

"And? Gumagana pa?"

"Hindi ko alam. Pina-check ko pa lang sa phone shop. Baka next week ko balikan."

Hindi na siya nagsalita no'n. Huminto kami sa isang bike na nasa gilid lang. Tinanggal ni Acush ang kadena no'n at nilagay sa basket.

Pinapanood ko ang kilos niya. Kinuha niya ang kaniyang sumbrero na nasa basket at siya mismo nagsuot sa akin. Kumurap ako nang ilang beses at tumingin pa lalo sa kaniya.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon