Chapter Fourteen

15 2 0
                                    

Hindi ko pinapansin 'yong maliliit na gestures sa akin ni Acush noon pero ngayon...bumabalik sa isipan ko lahat.

Hindi matanggal sa isipan ko kung sino ang makaka-date niya. Masyado siyang anghel para sa akin para magkaroon ng ka-date.

Napabuntong-hininga ako.

Kinabukasan, weekend na. Mabuti na lang ay wala masyadong pinagawa ang mga profs namin.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa CR para makaligo. Bago ako tuluyang makapasok ay napatingin ako kay Kd na nagluluto. Halata rin sa mukha niya ang bagong gising. Nakasimangot ang mukha niya habang nagluluto. Nakasuot siya ng white shirt na sakto lang sa payat niyang katawan na tinernuhan ng kaniyang black pants.

"Morning." Nagpunas siya ng kaniyang muta pero hindi ko magawang mandiri dahil sa masyado siyang malinis tingnan kahit hindi na niya gawin 'yon.

"M-Morning..." Nag-iwas ako ng tingin at pumasok na ako ng CR.

Hinubad ko ang saplot sa katawan at pinaragasa ang tubig sa katawan ko.

Pagkatapos no'n ay nagbihis na ako sa loob ng CR at pinulupot ang tuwalya sa aking ulo. Lumabas na ako.

Naabutan kong kumakain na si Kd.

"Kain na," namamaos niyang sinabi.

Tumango ako at bumalik sa kwarto. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang electric fan at tuwalya. Lumabas na ako ng kwarto at sinaluhan si Kd.

Sangag at itlog.

"Sorry. I'm not yet buying our foods. Maybe later. I forgot yesterday..."

"H-Ha? Hindi! Okay lang!" sabi ko. "Mag-aambag ako sa pagkain natin."

Tumingin siya sa akin at walang sinabi.

Wala namang gagawin kaya nagpasya akong mag-general cleaning. Wala ring ganap ang mga kaibigan ko. Iyong usapan nilang gagala, hindi natuloy.

"What are you doing?" Napalingon ako kay Kd na nakakunot ang noo sa akin. Pansin kong basa ang buhok niya dala ng paghihilamos. Hindi na siya nagpalit ng kaniyang damit. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang wallet.

"Ah, maalikabok na rin kasi tapos makalat. Mas maganda na malinis ang bahay. Nakakasipag mag-aral kapag gano'n," ngiti ko at bumalik sa pagpupunas ng bintana.

Nakahawak na siya sa doorknob nang bumaba ako.

"Saglit!" pigil ko at tumakbo papunta sa kwarto.

Tumakbo ako palapit sa kaniya at inabot ang share ko sa pagkain at sa pangangailangan namin.

"Share ko," sabi ko at bumalik sa ginagawa.

"No, it's fine," aniya.

"Kd, nooo!" Binalingan ko siya. "Kunin mo na."

Tumingin siya sa akin. "Ah. Whatever. Do you have a request? The brand of your shampoo? Conditioner? Lotion? For your mens?"

Umiling ako. "Kahit ano. Saka huwag mo na ako ibili. Baka maguluhan ka lang." Nginitian ko siya.

Tumango siya at umalis na.

Sa sala ako nagsimulang maglinis. Nagwalis muna ako saka ko pinunasan ng basang basahan. Hindi ko alam kung naglilinis ba si Kd no'ng dumating siya rito. Parang ilang dekada na ang nagdaan sa sobrang alikabok. May maliliit pa na chips na nahuhulog sa ilalim ng couch.

Tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Iyong GC naming magkakaibigan. Sinagot ko iyon.

Nakita kong nakisali si Wendy, Rem at Hex. Wala si Hannah at si Nathalie.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon