Chapter Nineteen

11 2 0
                                    

"Suspended!" saad ni Peace habang malawak ang ngiti. "Akala mo 'yon, pinayagan tayong huwag pumasok. Ang bait ng government!"

Sumilip ako sa nakasarang malaking bintana. Kanina pa hindi tumitigil ang ulan at ang lakas pa ng hangin. Umaabot na rin ng hanggang tuhod ang baha.

Ayon sa balita ay may pumasok na isang bagyo sa PAR o Philippine Area of Responsibility. Maaring magdulot ito ng matinding pag-ulan. Sa weekend naman ay inaasahan na lalabas ito ng PAR.

Kahit inaasahan ng tatlo na hindi magsu-suspend ang pinapasukan nilang school ay plano talaga nilang huwag pumasok, kaya nga ang laking tuwa ni Peace nang malaman na suspended.

Gano'n din naman ang gagawin ko kung nagkaton. Nag-suspend na rin sila.

"Grabe, sa buong buhay ko, suspended palagi ang hinihintay kong dumating," ani Peace. "Naalala niyo 'yon, Cush? No'ng high school tayo, ang daming suspension kaya sa inyo tayo tumatambay," pagkukwento ni Peace.

Ako naman, bilang estudyante ay naranasan na magkaroon ng suspension. Kaya kapag ramdam naming uulan ay nagkakagulo kami sa group chat at kung anu-ano na ang ginagawa para lang matupad ang gusto naming suspension.

"Oo, ang saya pa nga no'ng lumusong tayo ng baha," sabi ni Clawd.

Hindi ako lumilingon sa kanila at nanatiling nakatitig sa labas.

"Napagalitan kaya tayo no'n. Nakailang oras tayo sa pagliligo para lang masigurado na malinis tayo," sabi ni Acush.

Hindi na ako nakauwi kagabi, paalis na sana kami ni Peace na siyang maghahatid sa akin na iniutos daw ni Acush sa kaniya. Hindi talaga ako natiis ni Acush at gusto niyang ligtas akong makakauwi.

Pinahiram ako ni Acush ng damit para makaligo ako. Sa lamig ng panahon ay hindi na nila binuksan ang aircon at halos lahat kami ay naka-pajamas.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa kamay ko.

Kd:
D'yan ka muna. Malakas ang ulan. Baha na rin sa labas ng residence hall.

Ako:
Hindi talaga ako makakauwi. Si Atelodia, ha! Ipasok mo, baka lamigin sa labas.

Kd:
I know.

Hindi ko na ni-reply-an si Kd. Kaya naman niya ang sarili niya ro'n. Kay Atelodia lang ako nag-aalala.

Tanghali na at wala kaming magawa. Kaya nandito na lang ako sa bintana at pinapanood ang pag-ulan.

Buti ay bago pa tuluyang lumakas ang ulan ay nakauwi si Clawd dito. Ang sabi pa niya kanina ay ayaw siyang papuntahin dito dahil malakas ang ulan at baka ma-aksidente pa si Clawd.

"Ang boring. Laro tayo."

Napalingon ako sa tatlo. Ngayon ko lang namalayan na nakatingin sa akin si Acush na sigurado akong kanina pa. Nakaupo siya at titig na titig sa akin. Nang mahuli ko siya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

Pansin ko naman ang pagpapanood sa amin ni Clawd na nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.

"Anong laro?" tanong ni Acush.

Binubuksan ni Peace ang TV at may inaayos. "Must dance."

"Game ako!" Ngumiti si Clawd at kinuha ang joysticks. Binigyan niya kami.

Tumayo kaming apat. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa bang sumali sa kanila o makikinood na lang.

Natatawa na lang ako at si Acush ay hindi makapaniwala habang pinapanood namin ang dalawa na sumasayaw sa harap. Hanggang sa turn namin ni Acush, wala kaming nagawa kung hindi ang sumabay na lang sa sayaw.

The Perfect Pair | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon