"Bakit hindi na nagpaparamdam ang triplets sa akin?"
Baka naman wala talaga silang pake sa akin? Paano kung katulad lang sila nang iba na pinagti-trip-an lang ako?
"Hindi naman sila gano'n. Baka busy lang."
Napabuntong-hininga ako at binuksan ang bintana ng classroom. Napaaga ako ng pasok sa sobrang excite. Sa akin din binigay nung babaeng nag-iikot ang susi at ako na raw parati ang magbubukas ng room namin. Parang wala namang nagbago sa gawain ko sa school.
Tumambay muna ako sa bintana dahil mahangin. Hindi ko pa binubuksan ang aircon dahil hindi ko rin alam kung nasaan ang remote.
I take a glance on my phone. Wala pa ring reply ang triplets sa akin.
To: Clawd
Hello, sorry sa abala hehe. Busy kayo?Medyo nahihiya pa ako kay Clawd. Sa tuwing kasama ko siya nakaka-intimidate ang presence niya. Parang dapat lahat ng sasabihin mo may sense kapag kausap siya. Gano'n ang pakiramdam ko kay Clawd. Sorry agad.
To: Kapayapaan
Kaps! Ano ginagawa ng triplets? Labas tayo :)Kay Peace, okay pa. Madali namang kasama ang isang ito. Sinasakyan lahat ng trip mo kahit korni. Pero hindi ako korni, ah!
To: Acush
Helloo, sobra ba kayong busy? Maraming need na gawin? Ilang weeks na rin kasi. Paramdam naman tayo d'yan. Ehem!🥹🫶🏻I pouted. It's been a week! Nagsimula na ang pasukan at wala pa rin sa paligid ko ang tatlo. It's also my first day in med school. Gusto ko sana silang ilibre.
"Uy, may tao na pala."
Napalingon ako sa may pintuan. Napatingin ako sa lalaki. May bag sa kaniyang balikat na binaba niya sa first row; fourth chair, katabi ng upuan ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Tipid akong ngumiti. Ngumiti rin siya pabalik at walang sinabi.
Lumapit siya doon sa kabinet at nag-squat pa para lang mabuksan ang pinakababang drawer. May kinuha siya doon bago tumayo. Doon ko napansin na remote iyon ng aircon saka niya binuksan.
"You are assigned at room's key, 'no?"
Medyo nagulat pa ako dahil nagsalita siya. I also looked around.
"Ah, oo. Unexpected."
"Gano'n talaga dito." Umupo siya sa lamesa na nasa harapan. He looked at me. "Ako nga ang naka-assign sa pagbubukas ng ac." Mahina siyang tumawa.
Ngumiti ako. Grabe naman dito. First to go, you automatically assigned.
"Ano pala name mo?"
"I'm Fille Salvante. You?"
"Clark Genesis Hilanco. You can call whatever you want."
Clark.
Umiling ako sa naisip. "Gene na lang itatawag ko sa 'yo." I smiled.
Nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin. Naupo na kami ni Gene sa harapan kung saan magkatabi kami.
Simula pa lang ng pasukan, may kaniya-kaniya na agad na grupo. Iyong iba naman ay magkakaibigan na talaga.
Si Gene, paminsan-minsan akong kinakausap kapag may pinapakita siya sa akin sa kaniyang phone at minsan naman ay nagtatanong-tanong siya.
"Gaano ka ba katalino? They say intelligence is your life here. Patalinuhan talaga kailangan. I don't want you to be my rival."
I made a face. "Grabe naman. I'm not that smart as Einstein. Siguro chamba lang." Tumawa ako.
May biglang sumingit sa amin.
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
Ficção GeralNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...