A/N: this will be the last chapter of TPP and next is the EPILOGUE. kahit walang nag-aantay sa ud ko, who cares? hindi ko alam magpromote lol.
so yeah. i have nothing to say. i'm so speechless rn. i luv u.
I Love You So by The Walters
***
TRIGGER WARNING
This chapter contains violence/abusive relationships. It is needed for the story to fully develop. This author does not glorify them by any means. Please if you had been in a toxic and abusive relationship that makes you trigger, you may skip the scenes in italicized words.1 AM in the middle of the street. I felt disgusted. I felt pain. I forget everything.
"Bitiwan mo ako. Nasasaktan na ako," mariin kong sinabi at pilit nagpupumiglas sa kaniyang hawak. "Huwag mo akong hinahawakan," nagbabanta kong sinabi.
"Clark!" sigaw ko sa sakit.
Hating gabi na at lahat ng mga tao ay tahimik na natutulog. Tanging mga poste na lang ang nagbibigay liwanag sa madilim na kalsada. At hindi ko na magawang maging tahimik.
"Tumigil ka, Salfvian. Kanina ka pa, ha. Hindi ka man lang madaan sa tingin. Pinapahiya mo pa ako!" singhal niya.
Nahuli ko siyang kasama ang mga tropa niya. May ibang lalaki pa silang kasama na hindi ko na kilala. Nagtatawanan sila sa labas ng isang kainan at sumipol sila nang dumaan ako. Ni hindi man lang niya pinagsabihan ang mga kasama niya.
Lagi naman siyang gano'n. Nakakatakot siya kasama.
"Dapat lang sa 'yo 'yon! Asshole!"
Naramdaman ko ang bigat at init ng kaniyang palad na dumapo sa pisngi ko.
Nang napaluhod ako ay naramdaman ko ang pagbaon ng mga maliliit na bato sa tuhod ko. Agad na dumaan ang sakit sa tuhod ko.
"Tigilan mo na ako! Huwag mo akong hahawakan!" Ginawa ko ang lahat para makaiwas sa pagkakahawak niya sa akin ngunit sa huli ay nahuli niya ang mga kamay ko. Itinayo niya ako at kinaladkad.
"Clark!" sigaw ko. "Nasasaktan na ako!"
Binalot na ako ng takot at kaba. Nanunubig na ang mga mata ko. Gusto ko nang makauwi.
Malakas ko siyang tinulak dahil sa sakit. "Lumayo ka sa akin."
"Isusumbong kita kay Mama. Bastos ka, ah."
Gusto ko siyang tawanan. Lagi naman siyang nagsusumbong!
Malakas kong hinampas ang pulsuhan niya na nakahawak sa akin. Agad akong tumakbo palayo sa kaniya ngunit agad niya rin akong nahuli.
"Clark! Wala na tayo! Ano bang gusto mo?!" Tumulo na ang luha sa isang mata ko. Kinaladkad niya ako.
"Sino nagsabing wala na tayo? Kailangan ko pa bang ipamukha sa lalaking 'yon na pagmamay-ari kita?" Mayabang siyang tumawa. "Huwag mong hintayin na may gawin ako sa kaniya, Salfvian."
"Huwag na huwag mong hahawakan si Cramus! Wala siya dito!" sabi ko. Inilapit ko ang mukha sa kaniya. I greeted my teeth. "He is better than you, Clark." Ngumisi ako.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang sikmuraan niya ako. Hinawakan niya ang buhok ko at ibinaba. I looked at him.
May bahid ng pagkairita at galit si Clark sa sinabi ko. Totoo naman. Wala siyang kayang patunayan hindi tulad ni Cramus. Mas ramdam ko na ligtas at mahalaga akong tao.
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
Fiction généraleNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...