If Ever You're in My Arms Again by Peabo Bryson
***
WARNING: MEDYO SPG!
"Sabi mo isang bote lang..."
"Ikaw din naman, ah?" sabi ko.
Hindi naman ako masyadong tinamaan ng alak. Parehas kami ni Acush, pero medyo nahihilo ako, isama pa na naduduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin.
Hindi niya suot ang kaniyang salamin ngayon kaya naninibago ako. Kahit wala siyang salamin, ang gwapo niya pa rin.
"Ayokong nalalasing ka... Tumatapang ka bigla. Baka hindi kayanin ng buong sistema ko ang sasabihin mo." Mahina siyang tumawa.
"Hindi naman... At least genuine," sabi ko.
Tumango-tango siya habang may multo ng ngiti sa labi. "Okay. Hindi ako lasing pero buong tapang kong sasabihin na... Mahal kita." Ngumisi siya.
Kumabog ang dibdib ko. Nakatitig lang ako sa mga mata ni Acush. Nakikita ko ang sinseridad sa kaniyang sinabi. He's happy.
I caressed his cheeks. "I'll say this once..."
Kumunot ang kaniyang noo. "Ang alin?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tumitig sa kaniya. Unti-unti kong nilapit ang bibig sa kaniyang tainga at pumikit.
"Acush... Mahal kita."
Sunod na binalot kami ng katahimikan. Ramdam ko ang marahan niyang pagpisil sa aking baywang. Napahigpit ako ng kapit sa kaniyang braso.
Mabagal kong inilayo ang sarili sa kaniya at tiningnan siya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Kumislap ang kaniyang mga mata.
"I-I thought you wouldn't say that..."
Tipid akong ngumiti sa kaniya.
Nagsasaya ang puso ko ngayon. Sa wakas ay nasabi ko na. Hindi ko alam kung saan at kailan ko sasabihin ang mga katagang iyon.
Umalis ako sa kaniyang harapan at dumiretso sa kama. Dalawa ang kama. Dito sana ang iba pa naming kaibigan kaso ayaw ni Acush. Ang kalahati ko naman ay ayaw din. S'yempre gusto ko ring ma-solo si Acush!
"Hanggang bukas ba tayo?" tanong ko.
Pinagpagan ko ang unan at inayos ang kumot.
"Depende."
Biglang sumulpot sa harapan ko si Acush. Napatitig ako sa kaniyang mga mata at bahagyang natawa.
"Hanggang ano'ng oras ang kaya mong tagalin bago matulog?"
Nagtaka ako pero sumagot pa rin ako. "Hanggang 2 AM lang kaya ko." Iyon lang ang kinakaya ko sa pagpupuyat. Ayoko nang lumagpas pa.
Tumingin siya sa wall clock na nasa itaas ng pintuan. Lumingon siya sa akin.
"P'wede na 'yan." Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kumot. Bigla niya akong tinulak pahiga.
BINABASA MO ANG
The Perfect Pair | ✔️
General FictionNothing makes a relationship perfect. Not all couples are perfect. There is no perfect match in this world. It's not like the romance story you read when you were a kid or today. After you read, all the thrill and fun is over. But when she met a guy...