Prologue

50 3 0
                                    

Have you ever been in a situation like breathing and eating to survive, practice to become strong, and at the end of the day, you wouldn't know where to start?

Ako 'to!

It's just a basic life cycle for me, and I didn't know how to re-start my life after of what have happened to me.  One week staying here, I almost go crazy. Buti na lamang ay may karagatan akong napaglilibangan.

Practice makes perfect- ika nga nila. Pero, kahit nag-eensayo ka pa kung hindi mo naman alam kung saan at kailan ka mag-uumpisa, wala ring saysay.


I contemplated everything, from that organization to their allies. Hindi ako magtatagumpay kung hindi ako magpa-plano. I hadn't have enough sleep because of them. I am worried on what they are going through after I pulled that stunt. It's for their safety. Iyon lagi ang itinatatak ko sa aking isipan.

Ang kaligtasan nila'ng lahat.


Kung bibigyan ako ng pagkakataon ULIT, gagawin ko sa abot ng makakaya ko ang lahat para mawakasan na ang organisasyong iyon. Naging kampante ako sa aking sarili, sa kadahilanang nasa tabi ko ang mga taong poprotekta sa akin. Ni hindi ko na inisip na dapat tumayo ako sa aking mga paa.

"Kumusta pakiramdam mo, Jane?"

Napalingon ako sa nagsalita, an old lady walking towards on me. She's holding a cup of coffee and having a wide smile plastered on her face. For me, she's still pretty at her age now. By the looks of her, way back of her teen age life, she had many suitors and that's not questionable.

"Medyo okay na po ako, Aling Selya." ngiti kong turan sa kanya.

"Hindi pa rin ako sanay na tawagin kang Jane, samantalang maganda naman ang pangalan mo.  Bakit nga pala gusto mong pumunta sa kabilang nayon?" nang-uusisa nitong tanong sa akin.

"Narinig ko lamang po kay Mang Berting na mga rebelde po ang naroon."

Nagulat ito sa sinabi ko,"Are you trying to kill yourself again, Jemina Claire?"

Umalingawngaw ang galit na galit nitong boses,"Hindi naman po. May gusto lang ho talaga akong malaman."

Hindi pa rin ito kumbinsido sa sagot ko sa kanya," Nagbabaka-sakali akong baka may alam sila sa organisasyong sinabi ko sa inyo. Dinig na dinig ko kay Mang Berting lahat, Aling Selya. Gusto kong magkaroon ng katuturan ang pangalawang buhay ko. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kapwa kong sundalo." mahina at determinado kong saad sa kanya.

"Sa tono mo, mukhang sigurado ka na. Parang hindi ko na mababago pa ang iyong pasya." tugon niya.

Tumango ako,"I will trade everything to end their existence."

"Isang buwan kang namalagi rito sa amin, Jem. At itinuring na kitang anak. Ayokong mapahamak ka, kaya mag-iingat ka palagi. Alam kong may responsibilidad ka bilang sundalo, pero sana, huwag mong kakalimutang mahalin ang sarili mo at magpatawad muli." malamyos nitong pahayag sa akin.

Nagtataka akong napabaling ng tingin sa kanya,"Ano hong ibig niyong sabihin?"

Bumuntong-hininga ito,"Jem, I know what you're thinking. You're planning to kill all of them. Revenge is for the evil, and your not one of them."

"Sa lagay kong ito, Aling Selya. Hindi ko alam kung makakapag patawad pa ba ako o hindi." matigas at mababa kong tugon sa kanya.

"But at least don't kill them with your bare hands. You're a beautiful lady, softhearted and kind. Nalaman ko ang mga ito no'ng lagi kitang sinusubaybayan at inaalagaan. Let the law avenge for you."

Agad akong umiling,"Kapag wala kang pera at kapangyarihan sa lipunan, aapak-apakan ka lang ng mga mayayaman. Ilalagay nila iyong mga batas sa kanilang palad at paiikutin ka lang nila. Wala kang laban," mariin ko siyang pinakatitigan," kahit nasa tama ka, kahit mali sila, dehado ka pa rin. They are so full for theirselves. They always think that they are higher and powerful, that's why do their bids and keep your mouth shut. Bulok ang sistema natin, Aling Selya. Lahat natatapalan ng pera, minsan sinasampal pa sayo na wala kang magagawa." paliwanag ko sa kanya.

Bumuntong-hininga ulit ito at hinawakan ang kamay ko."Nag-aalala ako sayo, Jem. Kahit hindi mo ipaliwanag lahat. Alam kong malaking organisasyon ang babanggain mo."

"Huwag ho kayong mag-alala sa akin, Alin Selya. Kaya ko po ang sarili ko. Maraming salamat po sa pag-aalaga at pagkupkop sa akin. Kung hindi dahil sa inyo, baka nga palutang-lutang na ako sa ilog."

She chuckled,"I admire you, Jem. At a young age, you already knew what's your responsibilities. Samantalang ako-"

Mahigpit ko itong niyakap," Don't ever questioned yourself, Aling Selya. Mabait kang tao, maalaga, kung hindi man iyon nakita ng ama ni Santos, bulag siya kung ganoon. Love yourself even more."

Tumango ito at pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi niya.

"Mag-iingat ka roon, Jem. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sayo."

Pagkatapos namin mag-usap, agad kong inasikaso ang mga gamit na dadalhin ko. At pagsapit ng umaga ay agad akong naglakbay patungo sa paruroonan ko.

Balang-araw makukuha ko rin ang hustisya. Mapapakulong ko rin ang dapat managot sa nangyari sa akin at sa lahat nang nadamay. Makakamit ko rin ang lahat ng plano ko.



'Sergeant Jemina Claire Faustino, ready to aim my gun and put them behind bars.'

                              <♡>

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now