"Jem. . ." saad ulit ni Brennan.
Bumuntong-hininga ako at umupo,"I'm sorry kung hindi agad ako nagpakita sa inyo. It was my plan. Hinayaan ko kayong pagluksaan ang pekeng ako, kapag buhay pa ako walang mangyayari sa labanang ito. Maraming galamay si Santos, kaya minabuti kong magtago at magplano mag-isa."
"Ngayong alam ko na, ikaw ang bumugbog kay Kapitan Altarejos. Ikaw rin ba ang pumatay kay Domingo at Chelsea?"
Natahimik ako sa mga tanong niya.
"Shit! So, ikaw nga! Alam mo bang mababaliw na si Bossing kakahanap kung sino gumawa no'n. At no'ng nawala ka halos hindi na namin siya makausap ng maayos. Jem, magpakita ka na kay Bossing." saad niya sa akin.
Umiling ako,"Hindi pwede! Kailangan ko pang bumalik do'n. Marami pa akong gustong malaman sa kanila."
"Pero. . .hindi ka ba naaawa kay Bossing? Halos ikamatay niya ang pagkawala mo." saad na naman niya.
I heave a sigh,"Kapag nagpakita ako, mapupunta lang sa wala ang lahat ng plano ko, Brennan. Kaya mabuti ng ganito. Huwag mo munang ipagsabi sa kahit na kanino ang nalaman mo ngayon. Makakaasa ba ako?"
"Pero, Jem. . .paano ko ipapaliwanag sa kanila kung paano ako nakatakas?" nangangamba nitong tanong sa akin.
I chuckled,"You're a soldier. . .you knew what you will do."
Bumuntong-hininga ito, kapagkuwan ay nilipat ang paningin sa katabi ko.
"Alam mo ba ang lahat ng 'to?"
"Wag mo nga akong tignan ng ganyan, Brennan. I just know recently." she said abruptly.
"Hindi ako naniniwala!" maagap na tugon ni Brennan.
Umirap ang katabi ko,"Edi don't! Hindi ka naman pinipilit kung maniniwala ka o hindi."
Tumalim ang tingin ng lalaki,"I am still higher than you, Canna. So fvcking answer my damn question!" singhal niya sa babae.
Tama kayo ng nababasa, si Canna ang katulong ko sa lahat.
Ngumisi ang babae sa kanya,"Fine. Nagkataon lang na nagkita kami isang buwan na ang nakalilipas. Sa bayan ko siya nakita. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako kaya sinundan ko siya. Doon ka nalaman na siya nga ang totoo'ng Jem."
Kumunot ang noo ni Brennan,"Why you didn't tell us?"
Suminghap si Canna sa tanong ni Brennan,"Sinunod ko lang ang pabor na hiningi ni Jem. Teka nga, bakit parang kasalanan ko pa, uh- Brennan?"
Umirap lang ang lalaki,"E, ano'ng ginagawa mo do'n sa bayan?"
Pumikit ng mariin si Canna,"Wala ka na do'n. At bakit ko pa sasabihin sa'yo?"
"Tama na 'yan! Umalis na kayo, baka maabutan pa kayo rito."sambit ko sa kanila.
"Pero, paano ka Jem?" agad na tanong ni Brennan.
Ngumiti ako sa kanya,"Kaya ko ang sarili ko. Kayo ang mapapahamak kapag naabutan nila kayo. Bilisan niyo na!" komando ko sa kanila.
"Tama nga ako ng hinala!"
Nanlaki ang mga mata ko sa nagsalita sa likuran namin. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Nanlamig ang mga kamay at nanginginig pa ito.
Dahan-dahan ko itong nilingon, sa reaksiyon palang nito, natakot na ako para sa mga kasama ko.
"Nico. . ." banggit ko sa pangalan niya.
Umiling ito ng ilang beses, hindi makapaniwala sa mga nasaksihan niya.
"Paano mo nagawa sa amin ito, Jane?"
Humakbang ako palapit sa kanya, sa paghakbang ko ng ilang beses, ay agad niya akong tinutukan ng baril.
"Bakit trinaydor mo kami, Jane? Naging mabait kami sa'yo? Paano mo nakuhang ganituhin kami?" saad na naman niya.
"Nico. . .magpapaliwanag ako. Ibaba mo muna iyang baril mo." pangungumbinsi ko sa kanya.
Umiling ito, kita kong namumuo na ang mga luha sa mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Tinuring kitang kapatid, Jane. Wala akong gustong hilingin kung hindi ang maging maayos ka. . .bakit Jane?" nanghihina nito'ng pahayag sa akin.
"Patawarin mo ako, Nico. . .alam kong kulang ang salitang patawad. Saktan mo lang ako, h'wag lang sila. . .nagmamaka-awa ako sa'yo." nadudurog ang puso kong saad sa kanya.
Napaluhod ito at umiling-iling, mahigpit na hawak ang baril. Kapagkuwan ay nagsalita na ikinadurog ko ng lubusan.
"Hindi kita kayang saktan. . .alam mo iyan. . .umalis ka na. . .umalis na kayo. . .huwag ka ng magpapakita sa akin. . .kapag nagtagpo pa ang landas natin uli. . .sinisigurado ko sayo'ng wala ng awa sa puso ko para sayo at ituturing na kitang kalaban! Umalis ka na." sigaw nito sa akin.
Nanginig ang labi ko sa mga binitawan niyang salita,"Kuya. . .Nico. . ."
Lalapit sana ako sa kanya ng tumayo ito at tinutukan na ako ng baril,"Umalis ka na. . .alis!" Sigaw niya.
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa aking pisngi. Hinatak naman ako ng dalawa papaalis sa silid na ito. Nang tuluyang makaalis, durog na durog akong lulan sa sasakyang dala ni Canna. Malayo ang iniisip. Pabalik kami ng Cauayan ngayon. Hindi ako sasama sa kanila sa headquarters, tuloy pa rin ang mga plano ko.
"Jem. . .sumama ka na sa amin."pagpupumilit sa akin ni Brennan.
Nakahinto ang sasakyan sa labas ng headquarters nila. Agad akong umiling, hindi maisasakatuparan ang mga plano kong magpapakita agad ako sa kanilang lahat.
"Ang usapan ay usapan, Brennan. Kapag handa na ako, ako na mismo ang lalapit sa kanila- lalo na kay Zandro." banayad kong sambit.
Bumuntong-hininga lamang si Brennan,"Kung ganoon, mag-iingat ka. Kapag kailangan mo ng tulong, tumawag ka lamang sa akin."
Tumango ako sa kanya,"Jem, bilisan mo na. Papunta na sa direksiyon natin ang mga siraulo."
Napangisi ako sa sinabi ni Canna, tumango ako sa kanilang dalawa at bumaba na. Nagtago sa likuran ng malaking truck at aantaying magsi-pasukan ang mga ito.
"Aba nga naman, tol! Buhay ka pa pala?"dinig kong tukso ni Rashid.
"Gago! E, kung ikaw kaya ang patayin ko." tugon ng lalaki.
Agad namang nagtawanan ang lahat. Pansin kong hindi nagpapansinang si Rashid at Canna. Hindi na ako nangialam pa at iwingalit ko iyon sa aking isipan.
"Are you alright, Legazpi?"
Iyong boses na iyon ang matagal ko ng gustong pakinggan. Pumikit ako at sinariwa ang alaala naming dalawa. Para sayo ang ginagawa kong ito, Zandro. Ako naman ang babawi para sayo.
"Let's go inside!"
Narinig ko pa ang mga tuksuhan nila, nakatakas na naman ang luha sa aking mga mata. Balang-araw, mayayakap rin kita, Zandro.
<♡>
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...