Chapter 27:

17 1 1
                                    

Kahit humihikbi ay nagawa ko pa ring mag-kwento sa kanila. Namumula ang mga mata ni Rashid, Brennan, Wesley, Conrad, at Canna. Umiiyak naman si Calem, at hindi ko mabasa ang ekspresiyon ni Zandro.

"Dala-. . . Dalawang buwan, dalawang buwan akong . . ." nahihirapan kong kwento sa kanila.

Umiiling si Calem, he understand my pain. And I am very thankful to him, na para na siyang kuya sa akin.

"Please, Jem. Huwag mo ng ituloy. Naiintindihan ka namin, naiintindihan kita." Calem added again.

Umiling ako, ilang beses sa kaniya. Humahagulgol ako na parang nababaliw. "W-walang araw. . .walang a-araw na. . ." nanginginig kong saad.

Agad na dumalo si Canna sa akin, umiiyak, "Stop! Hindi makabubuti sa'yo, Jem. Huwag mo nang ikwento, okay?" pangungumbinsi sa akin ni Canna.

Agad akong umiling na naman, "A-ayoko Canna. . .b-baka makulong ka dahil sa a-akin." humihikbi ko pa ring tugon.

"Stop this nonsense, kuya! Tama na! Hindi ka ba naaawa? Wala ka na bang puso, ha!?" sigaw ni Canna at alam kong si Zandro ang sinisigawan niya.

Wala akong narinig na salita o reaksiyon man lang kay Zandro. Mas lalo akong napahagulgol. Magsasalita pa sana ako ng marinig ang boses ng isang taong matagal ko ng hindi nakikita.

"Oh my God! What happened here?"

Aling Selya. Aling Selya is here, pero bago ko pa siya matignan nang mabuti ay biglang nanlabo ang paningin ko at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.












Aling Selya

Hindi maipinta sa mukha ko ang nakitang pangyayari kanina. Kumuyom ang mga kamay ko, labis na nasasaktan sa kalagayan ni Jem. Nangangayat din ito, malaki ang nabawas sa timbang niya at nangingitim din na eyebags. Hinahaplos ko ang mukha nito, at itinatabing ang mga buhok na napunta sa kaniyang noo at mata.

Napag-desisyunan kong lumabas, pagkalabas ko pa lamang ay nakita ko na ang mga sundalong naka-abang. At alam kong sa akin sila may pakay. Lumapit ako nang tuluyan sa mga ito.

"You must be, Lieutenant Colonel Saragosa?" Nakatingin ako sa kaniya at inaabangan ang tugon nito sa tanong ko.

"Yes." He instantly said.

"Can we talk?." I added again.










"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Tenyente Coronel, nandito ako para kausapin ang isa sa mga sundalo under your command."

Tinitigan ako nito, mariin, at para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Ngumiti ako, "I knew you know who I am talking about, Sir."

"What do you want from her? You already saw what happened to her today, so , I suggest you come back tomorrow."

I grinned, "You are hurting her, Zandro. Alam mong may nangyaring hindi maganda sa kaniya, yet , you're still cold to her."

"It's none of your business! Umuwi na lang muna kayo ngayon, bumalik na lang kayo bukas."

Tumayo ito at naglakad palabas, bago pa niya mapihit amg seradura ng pintuan ay nagsalita na ako.

"I am Aling Selya, the one you've been looking for." I smirked.


Nahinto ito saglit, kapagkuwan ay hinarap ako. Matalim ang mga titig nito, napangisi lang ako sa kaniya. Umupo ako at nakade-kwatrong tumingin rito. Hindi pa siguro nasasabi ni Jem ang buong katotohanan.

"Sigurado akong hindi mo ako papaalisin ngayong alam mo na kung sino ako. Well, what do you want know?"

Hindi ito nagsalita, pagkatapos ay umupo sa gilid. Katabi ang iba pang mga sundalo na kanina pa tahimik. Might as well tell him the truth.

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now