I smirk of the thoughts playing in my mind. Right now, I look like an evil woman.
Alam kong mali, pero kung paiiralin ko ang mga batas- talo na naman ako. . .kami. Lalo na't makapangyarihan si Santos, maraming galamay, at malakas ang koneksiyon. Siguro nga, kailangang isa sa amin ang magsakripisyo ng propesyon. . .at kaya kong gawin iyon. . .para sa kanya, para sa kanila, at sa lahat ng tao'ng naniniwala sa akin.
I need to stand straight and prove my conviction!
Nagitla ako ng marinig ang malakas na ungol, nilingon ko ang lalaki sa upuan- nakataling mga paa at kamay. Kung naging tapat ka lang, wala ka sana sa lagay na ito, Kernel.
I walk towards his direction and smile. He, then, look at me sharply. Those glaring eyes made me laughs. I shook my head many times and mocked him all the time. This looks fun! I admit, he looks hopeless.
"Pakawalan mo ako, Faustino!" sigaw nito sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay,"And why would I do that?"
"Makukulong ka sa ginagawa mong ito!" dagdag niya.
Ngumisi ako sa kanya," Makukulong ako. . .kasabay ka. And that'll be great."
"Kapag nalaman 'to ni Santos, hindi ka niya patatahimikin. You'll die on their hands." He bluntly said.
"Well, that's okay with me. As long as all of you will end up in jail or will die. The second option is much better, I guess." ngisi ko ulit sa kanya.
"Kapag nalaman ito ni Zandro, kamumuhian ka niya. Isa ka ng kriminal ngayon para sa kanya." singhal niya sa akin.
Natahimik ako sa sinabi niya. Dumaan ang sakit sa puso ko ng mapagtantong baka nga tama siya, tama silang dalawa ni Chelsea. Isa na akong kriminal sa paningin nilang lahat.
Tumalikod ako sa kanya, naglakad patungong lamesa at kinuha ang baril. Nilagyan ng bala ang magazin tsaka ipinasok sa baril. Dahan-dahang naglakad palapit sa kanya, suminghap ito at bumalatay ang takot sa mukha ng matanda.
"Ano'ng gagawin mo? Kapag. . .kapag pinatay mo ako, mas lalong madadagdagan iyang sentensiya mo!" natataranta niyang saad sa akin.
"At sinong may sabi sa'yo na malalaman nilang ako ang papatay sa'yo? Hindi ka naman siguro tumatanda ng paurong, Kernel." saad at ngisi ko sa kanya.
"Hayop ka! Wala kang puso-"
"Ikaw ang hayop sa ating dalawa, Kernel!" pagpuputol ko sa litanya niya.
"Binenta mo kami sa organisasyong iyon! Para saan? Sa pera? Kung nalaman ko no'ng una palang, ako na sana ang kumitil sa walang kwenta mong buhay. Wala kang kwentang opisyal! Hindi nababagay sa'yo iyang medalya o posisyon mo! Para sa akin, isa ka lamang kriminal. Dudurugin kita hangga't wala ng matira sa'yo. Mga hayop kayong lahat!" nangagalaiti kong saad sa kanya.
"Uubusin ko kayong lahat! At wala akong pakialam sa batas niyo. Ako. ang. magbibigay. ng . hatol . sa . inyo!" malamig at matigas kong turan sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at agad na tinagawan ang numero ng headquarters nila. Sinigurado kong iba ang boses ko, at tiyak kong kukunin nila ang lokasyon kung nasa'n kami ngayon.
"Who the fvck are you? Tell me!"
Napangisi ako sa sigaw ni Zandro sa kabilang linya. Alam kong galit na galit na siya ngayon. Sa boses niya pa lang, he really wanted to know me- and I will bet my life for that.
"I won't. Your boss is with me, want to know why?" I replied boredly.
Alam kong gigil na gigil na siyang malaman kung sino ako. At hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon. Masisira lahat ng plano ko, kapag naunahan niya ako.
"What do you want? Kailangan ko munang makausap si Kernel kung totoo ngang nasa sayo siya." matigas na naman nitong pahayag sa akin.
"Huwag kang mag-alala, kung magiging mabait itong boss mo sa akin, may pagkakataon pa siyang mabuhay, at kung hindi naman, alam mo na." ngumisi ako.
"Stay still, you'll know later."
Hindi ko na ito pinagsalita pa at ibinaba ko na ang telepono. Who would have thought that I can make Lieutenant Colonel very mad? The fact that he didn't know me and treats me like a criminal. Well, papunta pa lang.
Lumingon ako sa gawi ni Kernel at mariing pinakatitigan,"Let's negotiate, Kernel!" I uttered dangerously.
Nakita ko itong napalunok at umiwas ng tingin sa akin.
"Lahat ng plano ni Santos ay sasabihin mo sa akin, kapalit no'n ang mabuhay ka at buo mong pamilya. You will shut your mouth. Every transaction, Colonel. Kapag nagsinungaling ka sa akin, uunahin ko iyang asawa mo. At alam mong hindi ako nagbibiro. Karagdagan pang, kasabwat ka sa ambushed na nangyari sa akin at sa buong hukbo ni Tenyente Saragosa." mariin kong pahayag.
"Paano kung hindi ko gawin iyang sinasabi mo?"
Ngumisi ako sa kanya,"Bakit naman hindi, Kernel? Ipapaalala ko lang sa'yo, nandon ka mismo ng mga oras na iyon na pinaglalaruan ako ng grupo nila Santos. Nando'n ka, pero wala kang ginawa. Sa tingin mo ba, maaatim ng buong pamilya mo na may tatay silang kriminal? Hindi! Isusumpa ka nila! Pandidirihan ka nila! Itatakwil ka at higit sa lahat hindi ka na ituturing na ama ng mga anak mo at asawa ng may bahay mo!" singhal ko sa kanya.
Galit itong tumingin sa akin, at pagkatapos ay,"Kailangan ko ng pera at malakas na pwersa. Sino bang makakatanggi sa laki ng alok ni Balthazar?"
Ngumisi ako,"Oo nga naman pala. Magkano ba ang halaga namin sayo, Kernel. Napalitan mo ng pera iyang uniporme mo. Magkano ba? Bilyones? Dolyar? Nasisiguro kong higit pa ron. Sa dami naming ibenenta mo, sigurado akong tambak na ng pera iyang bulsa mo." patutyada kong sambit sa kanya.
"Oo tama ka! Higit pa ro'n ang nakuha ko. Oo, tama ka rin, kakampi nga ako ni Santos at nando'n ako ng plina-plano nilang patayin kayo. Anong magagawa ko? Tao lang ako, nangangailangan ng kapangyarihan at pera. At kailanman hindi ito naibigay agad ng gobyerno sa akin!" tugon niya.
Nagtagis ang bagang kong tinitigan siya,"At dahil lang sa inaasam mo pang posisyon kaya mo kami trinaydor? Wala kang puso, Kernel! Ang dapat sayo binabaon sa hukay!"
"Malakas ang organisasyon namin. Walang makakatibag at makakasira sa anumang meron kami ngayon. Kaya kung ako sa'yo, ibalik mo na ako sa headquarters. Pinapangako ko sayong kakalimutan ko ang pangyayaring ito. Hahayaan kitang makalaya at mabuhay." ngisi niya sa akin.
Humalakhak ako sa mga sinabi niya," Hindi pa ako nababaliw para palayain ka na lang ng basta-basta," agad kong pinakita sa kanya ang cellphone at ngumisi,"By the way, I recorded everything. So, what are we going to do now, Kernel? I'm so darn tired hearing your voice. It irritates the hell out of me."
Nakita ko itong namutla,"Oh, scared now? Kanina lang ay ang tapang-tapang mo. Daig mo pa iyong mga super heroes sa pelikula. Ano kayang magandang gawin rito? Ah, alam ko na, should I send it to the headquarters. General Castro perhaps? On second thought, mas maganda siguro kong sa mga anak mo muna. At least titignan natin kung sino pa ang lalapit sayo at tatawagin kang ama. Wanna bet, Kernel?" pang-uuyam ko sa kanya.
Agad na umiling ito ng ilang beses,"Wag. . .wag sa mga anak ko. Parang awa mo na."
"Scared kitten. That's nice. But, I am not Saint nor fairy god mother to do your wish. Kailangan mong pagbayaran lahat ng kasalanan mo sa akin at sa lahat." maanghang kong saad sa kanya.
Namalisbis ang mga luha nito sa pisngi niya, nakakaawang tignan, ang kaso, siya mismo ay walang awa sa nasasakupan niya.
Mas lalo akong lumapit sa kanya, ngumisi, pagkatapos ay, sinapak ko ito magkabilaan. Sinikmuraan at sinuntok ulit dahilan ng pagkakawalan nito ng malay.
Huminga ako ng malalim, nagpadala ng mensahe sa headquarters. Agad ko ring tinanggal ang sim card at itinapon ito maging ang cellphone na bigay ni Canna. Alam kong maya-maya rin ay nandito na sila.
Bago ako umalis ng tuluyan, sinulyapan ko pa ng isang beses si Kernel. Nang makuntento, ay agad kong nilisan ng tuluyan ang buong lugar.
<♡>
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...