Guns+Plans
Wesley Mondrino
Nagulat kami ng sumama sa amin si Bossing patungo sa kuta ng mga rebelde. At napapansin kong panay sulyap niya sa direksiyon nila Jem na kasama nito ang sinasabi niyang kaibigan.
Napangisi ako ng may nabuong kalokohan sa utak ko. Hindi naman siguro, pero talaga atang may konti pa'ng pagmamahal si Bossing kay Jem. At ramdam ko talagang hindi pa nawawala.
"Why are you smirking, Mondrino?"
Nabalik ako sa huwisyo ng madinig ang tigas at maawtorida nitong boses. Napakamot ako sa batok at umiling sa kaniya. Nakakatakot talaga siya.
"Bossing." dinig kong tawag ni Rashid sa kaniya.
"What?!" pabulyaw na sagot nito.
I chuckled, trying to contain my laughs. Baka paglamayan pa ako ng di oras.
"Eto naman, g na g ah." dagdag na biro ni Rashid.
Matalim niya itong tinignan,"Do you wanna die, Venturino? I can fvcking arrange that!" matigas na turan nito.
Gusto ko ng pumalahaw ng tawa ngunit hindi ko magawa. Nakakatakot talaga iyong awra niya. Parang nangangain ng tao.
Isang malamig na tingin ang pinakawalan ni Bossing, "Why? Am i not allowed, Venturino? As far as I know, I am still your Commander! Shut the fvck up!" bulyaw na naman niya.
Napangisi lamang si Rashid, kaming lahat pala. Hindi ko alam kung bakit galit siya, pero talagang nahuhulaan ko na. Lumingon ako sa gawi nila Jem at Canna, kasama iyong kaibigan ni Jem. They all look happy. Jem is happily talking with that guy, and I smell fishy.
Hindi kaya. . . .
"All of you! Focus and pay attention!" Malakas niyang sigaw.
Hindi namin siya maseryoso ng maayos dahil sa reaksiyon niya na lubos kong naiintindihan, lalo ng iba pang mga ulupong.
Nang makarating sa pinaka unahang sapa. Ay agad kaming bumaba sa sasakyan, sinusubaybayan ko ang bawat kilos ni Bossing. Hindi pa rin nawawala ang inis sa mukha niya.
"Nico, bakit huminto tayo dito?" dinig kong tanong ni Jem.
Ngumiti ito sa kaniya, " Masiyadong delikado kapag ipinasok natin itong sasakyan. Makakatunog agad sila. Atsaka, ayokong masaktan ka."
Naks! Dumadamoves din.
Ngumiti si Jem sa kaniya,"Ano ka ba! Kaya ko ang sarili ko. Para saan pa't naging sundalo kung hindi ko kaya ang sarili ko."
Ngumiti ito pabalik at kinurot ng bahagya ang pisngi ni Jem, "Alam ko. Pero hindi pa rin natin masasabi ang mangyayari mamaya. Mabuti na iyong nag-iingat tayo."
Sasagot pa sana si Jem ng magsalita si Bossing na ikinangisi naming apat.
"Stop with the chit-chat. Makakapag-antay naman siguro iyan. Focus!"
"And you," turo nito kay Nico, " Make sure you are not lying, cause if you are, I will definitely kill you." turan niya.
Ngumisi lang ang lalaki na ikinangisi ko rin. Sabi na nga ba, nagseselos pa rin.
Umirap lamang si Jem at hindi niya pinansin ang mga sinabi ni Bossing.
Naglalakad at seryosong nakikiramdam sa buong paligid. Nang lumingon ako, nakita ko ang walang pakialam na Kapitan. Chill lang kung tignan, na para bang wala sa gyera. Tinapik ko ang balikat nito, nang lumingon ay ngumisi ng malawak.
"Bakit pre? Miss mo agad ako?"
"Tanga! Gusto mo na ata mamatay ng maaga." kapagkuwan ay inginuso ko ang gawi ni Bossing na ngayon ay matalim ng nakatingin sa amin.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
AçãoShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...