Canna Rae Castro
Dumagundong ng kaba ang puso ko ng makitang nagwawala si Jem sa loob ng interrogation room. Para siyang nababaliw na hindi ko maintindihan, nanlaki ang mga mata ko. Hindi pwede! Walang sere-seremonyas na tinakbo ko ang pagitan namin ng pintuan. At sa pagkabukas ko, nakakaawang Sarhento ang nakasiksik sa gilid. Nakatingin lang sa kaniya si Zandro. Tang ina! Anong akala niya, nag-iinarte lang si Jem? Agad kong dinaluhan ang kaibigan at niyakap ito.
Sumunod rin pala si Rashid, nag-aalala. Agad akong nagpatawag ng medic. Nang mailipat namin ng silid si Jem ay agad akong pumasok sa loob. Mahimbing itong natutulog. Bakit ganito na lang siya sayo, Jem? Hindi ka niya deserve. Selfish siya!
Naramdaman ko ang pagpasok nilang lahat. Hindi ako kumibo.
"Ano bang nangyayari? Bakit siya nagkaganun?" Dinig ko mula kay Conrad.
Umismid ako,"Akala ko ba mga kaibigan kayo. Akala ko ba nandon kayo nong mga panahong gusto niya ng wakasan ang buhay niya. Mukhang nakalimutan niyo!"
Lumingon ako sa kanila, nakita ko rin si Zandro sa tabi ni Wesley. Walang emosyong nakatingin kay Jem.
"Jem suffered from PTSD. . .alam niyo iyon kasi andoon kayo. O baka naman si Saldua lang ang may alam. Tama ba ako?"
Walang may nagsalita, tumikhim si Rashid.
"Alam ko. Pero hindi ko naman alam na hindi pa siya okay. Akala ko hindi na babalik."
"Iyon din ang alam ko. Maybe because something triggers her." Brennan added.
Lahat kami napatingin kay Zandro,"Ano bang nangyari Bossing?" Conrad asked
"Don't look at me like that. Wala akong ginawa." malamig nitong turan.
Suminghap ako,"Kahit opisyal kita, hindi ako nagto-tolerate ng mga taong walang puso. You see, as we all know here. Jem was triggered because of you, because of your anger. Matalim mo siyang tinititigan na parang kriminal. Nakikita niya ang ginawa ng Mama niya sayo, Sir. " naiinis kong saad sa kaniya.
"Paano mo nalaman iyon?" Wesley asked.
"Sinabi sa akin lahat ni Jem. At para sa kaalaman niyo, at usigin ka ng konsensiya mo,"tingin ko kay Zandro," Ilang araw nangyayari ito kay Jem pagkatapos ng pagkawala niya na inakala nating patay na."
"Ano'ng. . .pakipaliwanag nga Canna." Wesley added.
"Araw-araw nanaginip si Jem sa mga tao'ng nanakit sa kaniya, ayon sa nag-alaga rito. Jem was alone, fighting her demons out. But here you are, Sir, instead you listen to her. You judged her so easily." galit kong turan kag Zandro.
Wala na akong pakialam, sumusobra na siya.
"PTSD is a serious mental illness. Kaya bakit kung maka-judged kayo sa isang tao, basta basta na lang. Akala ko ba feelings are valid? We supposed to asked and cared for them if they needed us. Hindi iyong ganito." dagdag kong saad.
Lahat sila natahimik,"Jem has a fvcking reasons why she did it. Why she left and hide from us. Hindi niya iyon ginusto. Mga sarado ba iyang mga tenga niyo? You only see her failures not her sacrifices. Kaya siguro ayaw nang magpaliwanag sayo ni Jem, Kuya Zandro, kasi nagbibingi-bingihan ka at sarado pa iyang mga mata mo. Nakuha mo pang maghanap at maging masaya sa iba. For what? To get even. Kasi nasaktan ka, kaya dapat masaktan rin siya. Try to open your eyes and see what is the truth, Kuya. Diyan ka na lang kasi maghahanap kapag binibigyan ka na ng clue." mahaba kong saad at nagdabog na umalis.
Brennan Legaspi
Walang may kumibo sa amin pagkaalis ni Canna. She is right. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi naniniwala si Bossing. Red flag na nga siya no'ng mga nakaraang taon, pati ba naman ngayon. Napailing na lamang ako sa sitwasyon nila.
Indeed, Jem is a strong woman. But even how strong you are, weakness will come and may trigger your emotions. And that's how she is right now. Maybe for him this is just a petty things, just a show, and I pity Jem for loving and sacrificing everything for him.
Hindi ko na rin makilala pa si Bossing. Malaki ang pinagbago niya. Kahit sa amin ay ilag siya, ewan ko na lang kay Rashid na lagi silang magkasama. He just only need and call us if its something really important.
"Bossing, ano na'ng mangyayari kay Jem?" Dinig kong tanong ni Rashid.
"I don't know. And don't asked me about that 'coz I don't fvcking know." He snorted.
Biglang umasim ang pagmumukha ko sa sagot niya. Hindi man lang siya nakonsensiya sa ginawa niya.
"Makukulong pa rin ba siya?" Conrad added.
Napalingon ako kay Bossing, hinihilot na nito ang sentido niya. Siguro ay nakukulitan na sa amin.
"I said, I don't know. Will you please shut up?!" He retorted.
Natahimik ang mga ito, bumuntong-hininga ako at kapagkuwan ay tumayo at naglakad palabas. Hindi ko kinakaya ang ugali ni Bossing ngayon. Ganiyan siya dati kay Jem, pero mas lumala lang ngayon.
If only he knows, baka hindi pa niya padapuan ng langaw at lamok si Jem. Hindi ko pwedeng sabihin kasi ayokong pangunahan ang tao. Bilib nga ako kay Canna nagawa niyang sagot-sagutin si Bossing ng ganoon.
Natanaw ko sa malayo si Canna, malayo ang tingin. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Naramdaman niya sigurong palapit ako sa kaniya kaya lumingon ito, tumaas pa ang kilay niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
I chuckled,"Nagpapahangin sana, kaso nakita rito kaya lumapit na ako sayo."
Umismid ito,"Sa'n Bossing niyo?"
Ngumisi ako,"Hindi ko alam na galit ka do'n."
She rolled her eyes,"Nakakagalit lang na ganun siya umakto. Napakadali sa kaniya ang manghusga bago makinig muna. Kung alam ko lang na ganiyan, hindi ko na sana sinuportahan ang plano ni Jem."
Napalingon agad ako sa kanya,"Ano'ng plano?"
Ngumisi ito,"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Alagad ka ni Zandro, kaya hindi pwede."
"That's okay. Huwag mo ng sabihin, baka kapag alam ko, pigilan ko lang si Jem." ngiti ko sa kanya.
She nodded,"I just only hope that she will be okay. After she recovers, I will support and be on her side until her enemies will end up in jail. I want her to be happy, Brennan. She experienced cruelty a lot. Hindi ko na nga alam kung paano niya nakaya iyon." malungkot na saad ni Canna.
I nodded. I felt the same way, how could she managed to survived? I admire her bravery.
Inangat ko ang mga tingin sa kulay asul na kalangitan,"If the things go south, Canna. I'm just here, ready to support and protect her. My life will be always indebted to her. She saved me."
Nakatingin na rin sa kalangitan si Canna,"Their love story begins in a wrong way and ended in misery. I just hope I wouldn't experience how cruel love is. I cannot manage to remain strong. I'm not like Jem." buntong-hininga nito.
"Rashid. . .may he rest in peace for having like you." I said jokingly.
Hinampas ako nito sa balikat,"Walang kami, at saka imposible iyon. Laki ng galit no'n sa akin. Dami kong sana, pero huli na naman pala."
Tumawa ako,"Hindi naman galit iyon. Nagpapabebe lang iyon sayo. Suyuin mo kasi."
Matalim ako nitong sinulyapan,"Ulol! Marami akong problema, dagdag pa iyan. Tse!"
Tumahimik ako at kapagkuwan ay humugot ng malalim na hininga," Sana dumating ang araw na okay na ang lahat. Wala ng masasaktan at maiiwan. I am always rooting for our success and happiness."
She smiled,"I am too."
<♡>
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...