Naramdaman ko ang presensiya ni Canna sa likod ko. Hinarap ko naman siya at pagkatapos ay bumuntong-hininga. Inaya ako nito'ng lumabas sa chapel, mukang may sasabihin.
"May problema ba?" agad kong tanong sa kaniya pagkalabas namin.
"Nakatakas sila Apo Lakay at ang anak nito. Delikado ang lagay mo, Jem. Ikaw at ikaw ang una'ng hahanapin nila at papatayin." nag-alala niyang tugon sa akin.
Tumango ako, "Alam kong mangyayari 'yon, Canna. Ang iniisip ko lang ngayon, si Nico." saad ko habang nakatingin sa loob ng chapel.
"Nakaraang araw pa siyang walang imik sa akin o kahit na sino man. Nag-aalala na ako para sa kaniya." nahahabag kong turan.
"Jem, nawalan siya ng ina, at mismong sa gyera pa nangyari iyon." paliwanag niya.
"Kasalanan ko 'to, eh. Kung inuna ko muna si Nanay Rosa bago ang sarili ko, buhay pa sana siya ngayon."
Agad na umiling si Canna at tinapik ang balikat ko, "Don't blame yourself, Jem. Ginawa mo ang lahat para mailigtas siya. Hindi lang talaga natin hawak ang mangyayari sa araw na iyon. At isa pa, may pinagdadaanan ka din. Brace yourself, Sarhento. Marami pang darating na problema, kaya tibayan mo ang loob mo."
Dahan-dahan akong tumango, wala rin namang mangyayari kapag nagmukmok ako. Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko at para na din kay Nico. Nakita ko ang papalapit na Kapitan sa direksiyon namin. Alam kong sa mga oras na ito, naghahanda na silang i-interrogate ako. Bumuntong-hininga ulit ako, parang hindi pa ako handa sa lahat. Parang hindi ko pa kaya ipaliwanag sa kanila. Agad na lumingon ako sa katabi ko, tumango ito sa akin. Hindi pa sa ngayon, hindi pa nila pwedeng malaman lahat. May tamang panahon para doon.
Natuon ang atensiyon ko sa babaeng umiiyak at pilit kumakawala sa lalaking humihila sa kaniya. Agad naming tinakbo ni Canna ang direksiyon nila, hindi ko na pinansin si Rashid na papalapit sa akin. Umusbong ang galit sa dibdib ko ng makitang sinasaktan ang babae. Nang makarating ay agad kong hinatak ang lalaki, si Canna naman ay inilayo ang babae.
"Ano ho ba'ng problema, kuya? Ba't niyo sinasaktan si ate?" tanong ni Canna habang kalong-kalo niya ang babae.
"Wag kang mangialam! Umalis na kayo! Wala akong panahon para sa drama niyo'ng 'to!" sigaw nito.
Dahil doon ay nagpanting ang mga tenga, sinipa ko ito dahilan nang pagkakatumba niya. Kinwelyuhan ko ito at matalim na tinitigan.
"Wag na wag mo kaming sisigawan at mas lalo ng wag na wag kang mananakit ng babae. Naiintindihan mo!" bulyaw ko sa lalaki.
Agad naman itong tumango, "G-gusto ko lang naman siyang sumama s-sa akin. H-hindi ko naman gustong saktan siya." nauutal at natatakot na paliwanag nito sa akin.
"Wag po kayong maniwala sa kaniya. Tulungan niyo po ako mga Ma'am. Parang awa niyo na po tulungan niyo po ako. H'wag niyo po akong ibibigay sa kaniya." saad naman ng babae.
Agad na tumayo ang lalaki kahit hawak ko ang kwelyo nito. Hinihila at pilit kinukuha ang babae. Nandilim na ang paningin ko at sinuntok ko ito. Hindi pa ako nakuntento, sinikmuraan ko pa siya. Sinipa at sinapak ulit. Natigil lamang ako ng may humawak na sa akin at nilalayo ako sa lalaki.
Minamasahe ko ang aking sentido, ngayon ay nahimasmasan na ako. Nasa isang silid kami ngayon, parang pribado ito. Napangiwi pa nga ako ng makita ang hitsura ng lalaki. Bugbog sarado, laking pasasalamat ko na lang talaga kay Wesley. Makukulong pa ata ako ng hindi sa oras kung hindi ako naawat ni Wesley. Hayssss.....
Napaangat ang tingin ko ng marinig ang boses ni Zandro. I look away, avoiding his stares.
"What's the problem here?" tanong nito, pero ramdam ko namang nakatingin siya sa akin.
Tumikhim si Canna,"Ito si kuya, mukang hobby nang upakan si ate, Sir." ngiting-ngiti na saad nito.
Agad kong itinuon ang atensiyon sa kaniya, nakita kong paano titigan ni Zandro si kuya. Napalunok ito ng ilang beses at umiwas ng tingin. I chuckled inwardly. Nakakatakot talaga siyang galitin.
Dinig naming lahat ang paghinga nito ng malalim, at sabay umupo sa upuan sa harapan namin.
"Why are you hitting her? Is she your girlfriend?" tanong nito.
Tumango naman ang lalaki,"Then, why are you hurting her? You supposed to love and take care of her." saad ulit nito.
Napalingon ako kay Canna, tumaas ang kilay nito at ngumisi. Hindi ako makapaniwalang sinabi ni Zandro iyon, narinig ko mismo sa bibig niya.
Ba't niya sasabihin iyon? E, pumalya nga siya sa akin.
I chuckled. . . .
"Magbati na kayo, at mangako ka lalaki na hindi mo na sasaktan girlfriend mo." turan ni Rashid.
Ngumisi ako, "Paano magbabati iyan, Kap.? E, takot na takot sa kaniya itong girlfriend niya." sagot ko sa sinabi ni Rashid.
"Ayoko pong sumama sa kaniya. Pilit niya po akong isinasama sa lahat ng transaksiyon niya." biglaang sabi ng babae.
Kanina pa kasi siya tahimik habang pasinghot singhot," Ano'ng. . . .ano'ng transaksiyon ba ang tinutukoy mo, Maam?" tanong ni Rashid.
" Gusto niya po akong sumama sa pangolekta ng mga babaeng dadalhin sa bar po. E, ayoko na po kasi nakokonsensiya ako. At ayoko pong sirain ang dignidad at pagkatao ng kapwa ko babae." paliwanag ng babae sa amin.
Mabilis pa sa alas kwatro na tinungo ni Canna ang kinauupuan ng lalaki at kinwelyuhan,"Gago ka ba, ha?! Gusto mo na bang mamamatay, ha!" bulyaw ni Canna.
Pilit naman siyang inaawat ni Brennan at inilalayo sa lalaki. "Tama na, Sarhento. Kapag nasaktan mo siya at magdemanda, suspendido ka." saad ni Rashid.
"Ano bang paki mo, ah! Mind your own fvcking business!" naiinis na sagot ni Canna kay Rashid.
Lalapit sana si Rashid dito pero pinigilan siya ni Wesley, nalipat tuloy ang atensiyon naming lahat sa kanilang dalawa.
"Ikaw na nga 'tong pinapa-alalahanan, ikaw pa galit. Ayos ka rin talaga, Canna." sarkastikong saad ni Rashid.
Pagak na natawa si Canna, "Wala akong paki, at mas lalong wala akong paki sayo!"
"Aba! Sumusobra ka na, ah! Hindi mo na ako ginagalang." tugon ulit ni Rashid sa kaniya.
Palipat lipat tuloy ang mga mata namin sa kanilang dalawa. Talagang nagbabangayan na sila. Pero etong si Kernel namin, tahimik lang at nakamasid sa kanila.
"Hindi talaga kita igagalang! Manloloko!"
"Aba't! Ako manloloko? E, ikaw sinungaling. User!" tugon na naman ni Rashid.
" Shut the fvck up!!!!!!" sigaw ni Kernel.
Natahimik tuloy ang lahat, napansin ko pa ang pag-irap nilang dalawa sa isa't-isa.
"Hindi na kayo nahiya! Dito pa talaga kayo nagbabangayan, parang hindi kayo mga propesyunal, parang hindi kayo mga sundalo!" dagdag pa nito.
"Hindi ako pumunta dito para saksihan lang iyang bangayan niyong dalawa! If you want, do it on the other day, not here, not this day. Do you all understand me?!"
"Sir, yes Sir!" sagot naming lahat.
Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat.
Agad itong lumabas at iniwan kaming lahat. Ganyan naman siya palagi, kapag nasa kalagitnaan na ng problema, aalis ng walang pasabi. Bumuntong-hininga na lamang ako at agad na dinaluhan ang babae. Mukhang kami pa ang sosolusyon sa problemang ito. Dinig ko pa ang reklamo ni Canna, dalawa sila ni Rashid na panay ang mura.
...
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...