Kanina pa kami nag-aantay, at wala pa kaming nakikita o nadidinig na nanghihingi ng ransom o kahit ano pa man. This is not good. Hindi ako mapakali.
"Cap! Wala pa rin ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Kagagaling lang kasi nito sa pwesto ng mga kapulisan, hula ko'y nagtanong din ito. Umiling ito, at bumuntong-hininga.
"Imposible! Nakikipag-palitan na sana sila ngayon. Bakit hanggang ngayon wala pa rin? This is so wrong in so many ways. You think?"
Dumapo ang paningin nito sa akin, "Nangangamba rin ako, Jem. Sisimulan ko na iyong plano."
Tumango ako sa kaniya, agad naman nitong kinuha ang megaphone, naglikha pa ito ng matinis na tunog kaya agaran kong tinakpan ang mga tenga ko.
"Magandang hapon mga kababayan!"
Agad kong sinipa paa niya, nadinig ko pa ang mga hagikgikan sa gilid namin. Nakuha niya pang magbiro sa ganitong sitwasyon.
"What do you want, people of the Philippines?" he added again.
Napailing na lamang ako, siguro'y defense mechanism niya ito para hindi kabaan ng sobra.
"Gusto ko lang malaman kung may kailangan kayo?" dagdag niya ulit.
Pero wala kaming narinig na tugon sa mga ito. Napabuntong-hininga na naman si Rashid.
"Hindi namin kailangan ng pera o kahit na ano!" galit at malakas na sabi ng lalaki.
Napa-angat ang tingin ko sa ospital. Ano bang problema ng mga 'to?
"Tang ina pre! Mukhang mayaman pa ang siraulo, ah!" dinig kong turan ni Conrad sa earpiece na suot ko.
"Uutangan ko iyan mamaya, ipaalala niyo sa akin." dagdag pa nito.
Napangisi ako, umatake na naman pagiging mapagbiro nito.
"Captain Rashid?!" Brennan said.
"Inangyan! Wag mo nga akong tawaging ganyan, kinikilabutan ako."
Nakikita ko pang diring-diri ang pagmumukha ni Rashid sa tabi ko. Tumawa namang ang mga kulugo sa kabila.
"Ano na pre?! Kanina pa kami nakatambay dito. Kulang nalang ay magdasal kami." Brenna added again.
Napahot ng sentido si Rashid, at kahit ako ay hindi makasagot.
" Pre kahit magdasal ka pa ng ilang beses diyan o maglakad ng nakaluhod, hindi ka pakikinggan ni Lord. Diyablo ka kasi." biro ni Conrad.
Natawa ako, "Nahiya ako sayo, siraulo!"
"Calm down, everyone. As of now, nahihirapan si Kapitang gago mag-isip." dagdag na biro ko.
Matalim na tumingin sa akin si Rashid, dinig ko din ang tawanan ng mga iba pang mga sundalo.
" Tenyente Koronel Zandro Saragosa! Siya! Siya ang kailangan namin, kapalit ng mga tao dito sa loob!"
Naging alerto kami sa sigaw ng lalaki sa loob. Nagkatinginan kami ngayon ni Rashid. Napakunot-noo ako, saan naman namin hahanapin si Zandro ngayon?
Agad na lumapit si Wesley, hawak nito ang laptop.
"Pre, wala dito sa bansa si Bossing. Nakatanggap ako ng tawag galing sa headquarters. Nakalimutan ko lang sabihin sayo." alinlangang ngiti ni Wesley.
Hindi makapaniwala ang mukha ngayon ni Rashid, napasabunot pa ito sa sariling buhok.
"Fuck!" Iyon lang ang nasabi niya.
Malalim akong nag-isip, think Jemina. Huminga ako ng malalim.
"Wes, shut down the camera, lahat ng camera sa labas ng ospital. Alam kong minomonitor nila ang galaw at kilos natin." saad ko.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...