Malalim ang iniisip ko ng madinig ang mga yabag papasok sa inuokupahan kong kubo. Mabilis kong kinuha ang baril, nang binuksan nito ang pintuan ay agad ko naman ito'ng tinutukan.
Napasinghap kami pareho, si Nico lang pala. At umiling pa ito ng ilang beses sa akin habang nakangiti.
"Gabi na, Nico. Ano'ng ginagawa mo rito?"
Umupo ito sa upuan at tinitigan niya ako,"Pumunta ako rito kagabi, pero wala ka. Saan ka pumunta kahapon?" dire-direcho nitong tanong sa akin.
"Ah. . .iyon ba? Naglakad-lakad lang ako kagabi, lumanghap ng sariwang hangin. Inaalala kung ano ba talaga ang nangyari sa akin bago ako nawalan ng memorya." pagsisinungaling kong tugon sa kanya.
Nakita kong nag-iba ang reaksiyon niya, mukhang naniwala agad sa palusot ko.
"Jane, h'wag mo munang piliting maka-alala. Baka mamaya ay sumakit na naman ang ulo mo." saad niya.
Ngumiti ako, talagang makasalanan na ako. Kapag nagpapalusot ako, iyon lagi ang sinasabi ko. Darating pa sa puntong kailangan kong umarteng sumasakit ang ulo ko sa kakapilit na alalahanin ang lahat. And they all believed it. Hindi ko alam kung naniniwala talaga si Nico sa akin o sinasakyan niya lang ang trip ko.
"Aalis na ako, pumunta lang talaga ako rito para tignan kung maayos ang lagay mo. Kapag may kailangan ka, andon lang ako sa kabila."
Ngumiti ito at tinapik ang balikat ko. Nginitian ko rin ito bilang tugon sa kanya. Kinaumagahan ay pinatawag ako ni Apo Lakay. Pagdating ko sa pagpupulungan namin ay nakita ko ang mga tao'ng nagtayo ng grupong 'to. Agad niya akong pina-upo katabi ni Martin na ngayon ay may malawak ng ngisi sa akin.
"Buti naman pina-unlakan mo na ang pagpupulong na ito, Jane."saad at ngiti ni Apo Lakay sa akin.
Nginitian ko ito,"Pasensiya na ho, Apo Lakay kung hindi ako dumadalo minsan. Medyo naninibago pa lamang po kasi."pagdadahilan kong tugon sa kanya.
Tumango ito,"Bueno, aalis tayo bukas ng madaling araw. May panauhin tayong susunduin."
Napakunot ang noo ko, hindi na muna ako nagsalita at nakinig lamang sa sasabihin pa nito.
"Bibisitahin tayo ng isa sa pinuno ng organisasyon natin. Kaya kailangan ko ang buong lakas at tulong niyo. Ayokong mapahiya sa kanila." sambit niya ulit.
Lumingon ito sa akin,"Bueno, Jane. Kayo ni Nico at ang iba pa ang kasama kong susundo sa kanila." saad na naman niya.
Hindi lang ako kumibo, no'ng una pa lang ay nagtataka ako kung anong organisasyon sila nabibilang. Pero nong makita si Kapitan Altarejos noong nakaraang araw, nabuo na sa utak ko na posibleng kasapi sila sa SINAE Organization. At kung may panauhin bukas, sigurado akong makikilala nila ako. Kailangan kong gumawa ng hakbang, ayokong magkanda-leche-leche ang plano ko.
Habang bumubuo sila nang plano, ay gumagawa na rin ako sa utak ko. Kailangan unahan ko sila bago pa lumabas ang buong katotohanan. Nang matapos ang pagpupulong ay agad akong dumiretso sa kubo ko at kinuha ang teleponong pinahiram sa akin.
Tinawagan ko ang numerong nag-iisang taong tumulong sa akin.
"Balita?" sambit nito sa kabilang linya.
Ngumisi ako,"Wala man lang, hello kumusta ka na?"
Dinig kong humalakhak ito," Don't worry, my phone wasn't bugged this time. You can talk what's bothering in your head."
I chuckled,"Mabuti na iyong nag-iingat, 'no. Well, anyways, ihanda mo iyong mga tropa mo bukas. Mukhang darating ang isa sa mga lider ng organisasyon ni Santos. Ayokong mapunta sa wala ang buong plano natin." sambit ko sa kanya.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...