Naalimpungatan ako sa sobrang ingay sa buong silid ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata at laking gulat na lahat ng mga pinsan ko ay nasa harapan ko na. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko na sila ngayon. They are crying, while a small smile plastered on their faces.
Agad akong bumangon sa pagkakahiga at tinakbo ang pagitan namin, at yinakap sila nang mahigpit.
My family!
Malalakas na hikhi ang naririnig ko mula sa kanila. Pumalahaw ng iyak si Gia na ikinatawa ko. And on the right side, Rashid and Canna smiled to me. I smiled back. Alam kong sila ang nagpapunta sa mga ito.
Napaigtad ako ng malakas akong hampasin sa balikat ni Nathalia, nang lingunin ko ito. Nakataas na ang kilay at masungit na akong tinititigan.
"Bakit?" I asked, even I knew what's bothering on their head.
"Bakit hindi ka nagpakita sa amin agad? Hinayaan mo kaming magluksa sa maling tao." Nathalia spoke.
Mapait akong ngumiti,"I'm sorry. Ginawa ko iyon, para sa kapakanan niyo'ng lahat. Sa kaligtasan niyo. Alam kong mali, pero kung mangyayari ulit, gagawin ko para sa inyo. Sa lahat ng mga tao'ng importante sa buhay ko."
"Kaya namin ang mga sarili namin, san." Ed interjects.
Lumingon ako sa kaniya,"I know. Pero hindi naman sa minamaliit kita san. Hindi basta-basta ang mga kalaban namin. Malaking organisasyon. Maliit lang na bagay ang pumatay ng tao para sa kanila. Kaya kahit gusto ko mang bumalik at magpakita sa inyo, hindi ko ginawa. Ayokong madamay kayo sa gulo'ng ito. . .sa gulong pinasok ko."
Natahimik ito sa sagot ko sa kaniya, bumuntong-hininga ako,"Sundalo ako. . .at bilang isang sundalo. Responsibilidad at obligasyon kong hulihin ang mga kriminal."
"We are sorry for not seeing you're in pain and the heavy loads on your shoulder, san." Pau said.
Tumango ang iba ko pang pinsan," Nakakahiya na pinsan mo nga kami, pero hindi man lang namin natanong na okay ka ba sa mga oras na iyon. I'm sorry." Gia added.
"I'm sorry if I judge you easily. . .I'm sorry." Nathalia said and cry.
"Huwag mo nang pasanin ang kaligtasan namin, san. Kaya na namin. At kapag hindi na, tatawagan ka na lang namin," Ed jokingly said.
"Mahal na mahal ka namin. Kaya please. . .huwag mo ng gagawin ulit iyon. Kahit hindi mo idetalye ang mga ginawa mong hakbang, naiintindihan ka namin, kasi nga mahal ka namin. Pinsan ka namin, magkadugo tayo'ng lahat. Kahit ano'ng gawin mo pa, lagi kaming nakaalalay sa'yo. Susuportahan ka namin lagi. Iyan lagi ang tatandaan mo." mahabang paliwanag ni Gia habang umiiyak.
Umiiyak rin akong tumatango sa kanila. Niyakap ko sila isa-isa, sobrang higpit na yakap. Kapagkuwan ay hinarap ulit silang lahat.
"Hindi ba kayo nagalit sa akin?"
Pau smiled," Nagtampo. . .oo. . .pero ang magalit? Hindi kami nagalit, san. Dahil alam naming may rason ka sa lahat ng bagay, sa lahat ng ginagawa mo."
"And it's a shame that we thought you forgot us, knowing you protected us from the start. I'm sorry." Nathalia added.
Ngumiti ako sa kaniya,"Hindi mo kailangan mag-sorry. Ang importante ligtas kayong lahat."
Ngumiti ang mga ito sa akin,"Nasaan pala si Zandro?" Gia asked.
Hindi ako nakasagot agad. Kahit ang dalawa sa gilid ay umiwas ng mga tingin sa kanila.
"Oo nga, hindi ko siya nakita ngayon. Dapat, ay nandito siya. Nasa tabi mo. Busy ba?" Ed added to asked.
Hindi ako kumibo, mapait na ngumiti,"Ah. . .oo! Baka busy, hayaan niyo na."
"Really? We saw him, hugging another girl. Akala nga namin ikaw iyon." Nathalia said annoyingly,"May cheating issue ba?" habol niyang tanong.
"Nathalia!" saway ni Pau sa kaniya.
Umismid si Nathalia,"What? We're not tolerating cheaters here, san! Pinsan natin ang ginagago NA NAMAN!"
"Hindi porket nagtago at nagpanggap na patay itong pinsan natin ay babalewalin niya lang. Ano? Walang mata, ganun? Walang pakiramdam? Nagsakrapisyo itong pinsan natin, at alam naman nating lahat, kasama si Zandro do'n. Hindi lang tayo!" inis na saad ni Gia.
"Kalma nga lang kayo." Ed interjects, napakamot pa ito sa ulo niya.
"Tama si Gia, Pau. Bakit hindi niya makita iyong sakripisyo ng isang tao? Oo nga, nagluksa siya, nasaktan siya, pero natanong ba niya sa pinsan natin kung ano ang mga pinagdaanan nito? Mukhang hindi naman, eh. Masaya nga siya sa piling ng iba. Tangina!" Nathalia snorted.
"Bibig mo, Nathalia!" saway ulit ni Pau sa kaniya.
Nathalia just rolled her eyes and looked away.
"Kumalma kayo, pwede? Huwag nating pangunahan si Jem. Pwede ba 'yon?"Dahan-dahang tumango ang dalawa, habang si Ed ay sumipol lang.
"Kahit pinsan tayo, huwag nating pangunahan ang mga nararamdaman nila. Naiintindihan niyo ba? Kalma, pwede?" Pau said.
Tumikhim ako,"Pwede ba'ng huwag muna natin siyang pag-usapan?"
Nagulat ang mga ito sa sinabi ko, gayunpaman, dahan-dahang tumango ang mga ito. Dinig ko pa ang buntong hininga ni Gia. Sigurado'ng hindi na naman ito mapakali.
Nagkwentuhan lang kami buo'ng maghapon, nag-order pa ng pagkain si Rashid para sa amin. Nakisali na rin si Canna sa kulitan at asaran namin. Nabulabog lang nang biglang sumulpot si Brennan, hingal na hingal at agad hinanap ng mga mata si Rashid.
"Pre, emergency! Tawag ka ni Bossing."
Agad na tumayo si Rashid, kinabahan ako sa tono ni Brennan kaya sumunod agad ako sa kanila. Kasunod ko rin si Canna at ang mga pinsan. Pagkadating namin, hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. Kung maaawa ba ako o kung maiinis sa nakikita ko ngayon.
Zandro is holding his girl on his arms, and his fvcking worried. Worriness is fvcking visible on his face. I looked away, trying to calm my nerves. Nagseselos na naman ako. Duguan ang kaliwang braso nito, hula ko'y nabaril ito. Bakit hindi ako naaawa?
Hindi ako makakilos, hindi ba dapat tinutulungan ko sila? Aligaga ang mga kapwa sundalo ko, sumisigaw si Zandro ng tulong at habang ako, tinitignan ko lamang sila. Bakit para'ng nasisiyahan pa akong nangyari iyon sa babae? What the hell I am thinking?!
Naglakad ako papalapit sa kanila, kinuha ang panyo sa bulsa at tatalian sana ito ng tabigin ni Zandro ang kamay ko. Napaawang ang bibig ko.
"What the hell are you doing?"
Napakurap-kurap ako sa ginawa niya, para bang huminto ang oras. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. Namalayan ko na lamang na umalis na ito, kalong sa mga bisig niya ang babae. I was left dumbfounded. Hindi ko rin namalayan ang pagpatak ng isang butil na luha sa aking pisngi. Nabalik ako sa reyalidad ng tapikin ni Gia ang balikat ko.
Agad na pinunasan ang luha sa pisngi at pilit ngumiti sa kanila. Ang hirap. Dahan-dahang naglakad pabalik sa silid ko, habang dumadaloy ang mga luhang pinipigilan ko kanina. Para na akong tanga, punas at singhot. Ang hirap magpanggap na masaya, kahit hindi naman talaga.
<♡>
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...