Chapter 25:

9 1 1
                                    

Naabutan ko sa labas ang naninigarilyong tenyente koronel. Malalim ang iniisip nito, siguro'y hindi niya ako naramdamang nakatitig sa kaniya mula sa likuran. Nakita ko ang malalim na buntong-hininga nito at ang paghithit niya ng sigarilyo. Mukhang malaki ang problema nito. Tumikhim ako para maagaw ang atensiyon niya. Lumingon naman ito sa akin, at pagkatapos ay ibinalik lang ang tingin sa kawalan. Lumapit ako ng tuluyan sa kaniya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, Sir , ah. May problema ho ba?"

Pilit itong ngumiti, "I'm just trying to find peace. Tapos, sumunod ka pa dito." tugon niya sa akin.

Natawa ako,"Naabutan lang kitang ganiyan paglabas ko, malalim ang iniisip, kaya akala ko marami kang problemang iniisip dahil sa pagbuntong-hininga mo diyan ng malalim."

Ngumiti ito, at himala iyon, "Wala naman, dahil alam kong kahit may problema, nasosolusyunan ko agad." saad na pagmamalaki nito.

Napangisi ako, "Yabang, ah! Sana nga'y hanggang dulo ganiyan ka, Sir."

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa, pinapakiramdaman ang isa't-isa. Naalala ko tuloy iyong sa aming dalawa. Iyong ganitong katahimikan ay pinapaalala sa akin iyong magagandang nakaraan ko sa kaniya. Kaya nga gusto ko iyong may nakakausap ako, na hindi ko nahahayaan ang sarili na mag-isa at tahimik. Nasasaktan lang ako, bumabalik iyong hindi na dapat ibalik.

"Sarhento/Sir" sabay pa naming tawag sa isa't-isa.

Ngumiti ako, "Sige ho Sir, mauna na po kayo. Ano po bang sasabihin niyo?"

Tumitig ito sa akin, malalim at nakakatunawa na tingin. Tumikhim ako, "Ah. . .ano ho iyong sasabihin niyo, Sir?"

Tumikhim din ito, napakamot pa sa ulo niya,"Jem, ano. . .ahmmm. . .gusto ko sanang-"

"Babe!!!!!"

Sabay pa kaming napalingon sa sumigaw, nakangiting Nesha ang kumakaway sa kaniya. Tumakbo ito sa direksiyon namin at agad na niyakap si Zandro. Pilit akong ngumiti, at kapagkuwan ay nagpaalam na sa kanila. Nasasaktan pa rin ako, totoo'ng nasasaktan pa ako. Sino ba namang hindi? Mayroon pa ring konting kirot, dahil alam kong hanggang ngayon may konti pa rin akong pagmamahal para sa kaniya.

Pumasok ako sa loob at tumabi kay Nico,"Kumain ka na ba?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"Jem. . .masama ba akong anak?" malungkot nitong tanong sa akin.

Agad akong umiling,"Nico. . .hindi ka masamang anak. Ang totoo niyan, napakabuti mong anak kay Nanay Rosa. Maswerte si Nanay ikaw iyong anak niya. Ginawa mo ang lahat para sa kaniya."

"Pero. . .masama akong anak dahil hindi ko man lang siya nailigtas." mababa nitong tugon sa akin.

Huminga ako ng malalim,"Nico, hindi mo kasalanan ang lahat. Hindi mo kasalanan iyon. Hindi magugustuhan ni Nanay Rosa na sisisihin mo iyang sarili mo sa mga nangyari. Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. Kaya please, tama na iyong pag-ako ng kasalanang hindi mo ginawa." paliwanag ko sa kaniya.

He then, covered his face and sobs. Agad ko itong dinaluhan at niyakap. Iyong hikbi niya ay sobrang nakakadurog, nasasaktan ako.

"Mahal na m-mahal ko s-si Nanay, Jem. . .b-bakit? B-bakit?" saad niya at pumipiyok pa ang boses nito.

Naluluha akong nakayakap sa kaniya, dahil kahit ako walang maisagot sa katanungang iyan. Bakit?

Ilang minuto lang ay nahimasmasan ito at tumigil sa pag-iyak, pinunasan ang mga luha sa pisngi. Pagkatapos ay liningon ako, "Salamat, nandiyan ka palagi sa akin."sabi nito at ngumiti.

"Walang anuman, Nico. Nandito lang ako palagi para sa'yo." sinsero kong pahayag sa kaniya at nginitian siya.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa, maya't-maya pa ay tumabi si Canna sa akin.

"Jem, ano'ng ginagawa no'ng Nesha dito?" agad niyang tanong pagka- upo na pagka-upo niya.

Lumingon kaming dalawa sa kaniya, "malay ko." kibit-balikat ko sa kaniya.

"Narinig ko kasing nagagalit kay Kernel, bakit daw nandito ka." dagdag niya pa.

Natawa si Nico sa sinabi ni Canna, "Libing ni Nanay, Sarhento. Kaya nandito si Jem."

Umiling na lang ako sa mga sinabi ni Canna,"Wag mo nang pansinin, Canna. Mababaliw ka lang kakaisip." sabay tawa ko.

Nagtawanan kaming tatlo, nabulabog iyong katahimikan sa lamay nang marinig namin ang pagwawala ni Nesha. Agad kaming tumayong tatlo. Lumabas ng chapel, nadatnan namin ang umiiyak na Nesha at ang mga tao'ng nagtataka sa nangyayari. Nakatanga lang din sila Rashid sa pag-iiyak ng babae sa harap ni Tenyente Koronel.

"S-siya na lang palagi, Zandro. . .ako," turo pa niya sa sarili niya,"ako palagi ang k-ksama mo, ako ang nandiyang sa tabi mo. . .naiiisip mo ba ang nararamdaman ko, ha!" sigaw niya habang umiiyak.

"Nesha, calm down, please! Mag-usap tayo ng tayo lang. Nakakahiya iyang ginagawa mo." mahinahong sabi ni Zandro.

Umiling lang iyong babae sa kaniya, maya't- maya pa ay nagpalinga-linga ito na parang may hinahanap siya. Nang napunta sa akin ang paningin niya, masama itong tumingin sa akin.

"Masaya ka na ba? Masaya ka na ba na nakikita mo kaming nag-aaway dahil sayo?" saad niya habang nakatingin sa akin.

Nagulat ako sa mga sinabi niya, ano na naman bang kasalanan ko? Hindi ko siya sinagot.

"Inaagaw mo sa akin si Zandro! Hindi mo ba mailugar iyang kakatihan mo, ha!" sigaw niya.

Dinig ko ang bulungan ng mga tao, kahit ang iba pang mga sundalo na nakapalibot sa kanilang dalawa ni Zandro.

Napapikit ako sa inis, idadamay na naman ako sa walang kwentang bagay. Hindi talaga matahimik 'tong buhay ko.

"Wala akong alam sa mga sinasabi mo, Nesha." mahinahon kong tugon sa kaniya.

Sumama ang tingin nito sa akin, kapagkuwan ay lumapit ito. Buti na lang nahawakan ni Zandro, nagpupumiglas sa hawak niya.

"Malandi ka! Malandi! Naki-usap ako sayo, di ba! Na lumayo ka sa kaniya, na wag mo siyang aagawin sa akin. Pero,tang ina ka! Kati'ng-kati ka na ba,ha!? Wala na bang pumapatol sa'yo! Na pati fiancee ko, aahasin mo!" sigaw nito ng malakas.

Mabilis pa sa alas kwatro na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Nanginginig ako sa inis sa mga sinabi nito.

"Siraulo ka ba?!" tugon ko sa kaniya.

Walang may pumipigil sa akin, dahil alam nila kung paano ako magalit.

"Hindi ko nilalandi iyang fiancee mo! At kahit kailan hindi ako lumandi sa kahit na sino. Aahasin? Tang ina ka pala, eh! Una pa lang, ikaw ang nang-ahas."

Natameme ito sa sinabi ko, mukhang natakot sa sinabi ko, napangisi ako, "Oh, bakit? Natahimik ka? Alam ko na, hindi nila siguro alam na sa ating dalawa ikaw ang unang nang-ahas. Sa ating dalawa ikaw ang lumandi, ikaw ang nang-agaw. Zandro is mine, but since you came, you flirted him. Siniksik mo iyang sarili mo sa tao'ng committed na. At para sa kaalaman mo, ako iyon. AKO!!!!" sigaw ko sa kaniya.

Dinig ko ang mahihinang tawa ni Canna at Nico sa gilid ko.

Umiling-iling ito, "Hindi. . .hindi totoo iyan. Ako! Ako ang mahal ni Zandro." paghehesterikal niya pa.

Ngumisi ako, "Oh, edi sayo! Saksak mo sa baga mo. Iyan ka naman, eh. Mahilig mangolekta ng mga pinaglumaan ko na. Sayo'ng-sayo na,  kahit lunukin mo pa!" saad ko at agad na umalis.

Punyemas! Gagalitin pa ako!

...

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now