Chapter 4

16 1 0
                                    

"Nico! Anak! Nico!" pagsisigaw ni Nanay Rosa habang inaalalayan ako.

Talagang hindi ako nag-iinarte lang. Sobrang sakit at hapdi, pinuruhan pa ata ako ng kasama ko kanina. Malabo na rin ang paningin ko, gayunpaman, nakita kong nagsilabasan lahat maging si Apo Lakay at ang mga tauhan nito.

"Ano'ng nangyayari dito?" dinig kong tanong ng pinuno nila.

"May tama si Jane, halika't tulungan mo ako rito, Nico." nangangambang tugon ni Nanay Rosa.

Hina'ng-hina ako, ramdam kong mawawalan ako ng malay sa tama ng bala sa kaliwang braso ko. Naramdaman kong binuhat ako ni Nico.

"Bilisan niyo ang mga kilos niyo!" dinig ko na namang sigaw ni Apo Lakay bago ako mawalan ng malay.









Nagising ako sa sobrang kirot ng kaliwang braso ko. I moaned harshly, mukhang hindi ata ako dinala sa ospital. Mas mabuti na rin iyon, delikado kapag nagkataon. Makikilala ako ng mga sundalong nasa paligid lamang. Hina'ng-hina akong sumandal sa unan para makaupo, huminga ng malalim at pumikit ng mariin.

"Jane. . .buti naman gising ka na. Pinag-alala mo ako 'nak." saad ni Nay Rosa.

Ngumiti ako rito,"Pasensiya na po, Nay. Hindi na po mauulit."

"Magpahinga ka muna, sobrang putla mo." sambit naman ni Nico.

Nginitian ko rin ito at tumango kalaunan.
"Hindi muna kita tatanungin kong anong nangyari sa'yo. Magpahinga ka muna para bumalik ang lakas mo." saad niya ulit.

Tumango ako, ginusto kong mabaril, pero bakit naman ganito kasakit? Talagang pinuruhan ako ng gaga kahapon. Bago ko pa ipikit ang mga mata, bigla na lamang pumasok si Martin.

"Buti naman gising ka na, masasagot mo na siguro ang mga tanong ko. Hindi ka kasama nila ng bumalik rito, saan ka galing, kung gano'n Jane?" matigas nitong tanong sa akin.

Napairap ako at ngumisi sa kanya,"Hindi ko obligasyong sagutin iyan. . .hindi ka naman si Apo Lakay para magpaliwanag ako."

Kumunot ang noo nito, siguradong hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko.

"Siguraduhin mo lang na wala kang hindi magandang ginagawa laban sa amin. Dahil kung may makita man ako. . .ako mismo papatay sa'yo!" singhal niya sa akin.

I chuckled,"Nakaka-bitter ba talaga kapag binasted?"

"Ano'ng sinabi mo?!" bulyaw niya sa akin.

"Tama na, Martin!"awat ni Nico sa kanya.

"Kailangan ni Jane ng pahinga. Hayaan mo muna siyang makapagpahinga."dagdag na saad ni Nico

Madilim itong nakatingin sa akin na nginingisihan ko lamang. Akala niya ay matatakot niya ako sa mga banta niya.

Agad itong umalis, tinanguan ako ni Nico at ngumiti ito. Lumabas ito kasama ni Nay Rosa.

Hinding-hindi ko hahayaang mahuli mo ako, Martin. Makukulong muna kayo, bago mangyari iyon.


Makalipas ang dalawang linggo ay nanumbalik na ang lakas ko. Ipinaliwang ko rin sa kanila ang buong nangyari na gawa-gawa ko lamang.

"Jane. . .sa susunod kapag may operasyon tayo ay huwag kang aalis sa tabi namin. Delikado at baka maulit muli." saad ni Apo Lakay.

Tumango ako sa kanya,"Pasensiya na po, Apo Lakay. Hindi ko lang po talaga alam ang gagawin. Natakot ho ako kaya nagtago ho ako, hindi ko naman po inaasahang may sumunod sa akin at napuruhan niya ako. Hindi po ako kasing galing niyong makipaglaban."saad ko.

Nakita ko ang mapanuring mga tingin ni Martin. Alam kong nagdududa talaga siya. Huwag mong subukan ang pasensiya ko Martin. Baka ikaw ang sumunod kay Domingo.

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now