Bago pa ako makapagpantasya, narinig ko ang mga sipol ni Rashid na ikinaasar ko ng sobra. Agad ko namang inilipat ang atensiyon sa iba. Baka mamaya may magsumbong pa sa fiancee nito, at ano pa isipin.
Ayoko ng gulo.
Malaki na nga ang gulo sa buhay ko, magdadagdag pa ako.
Nakakapagod iyon, at ayokong maging laman sa chismis ng iba'ng tao. Nakakahiya.
Teka, may hiya pa ba ako?
Ipinilig ko ng ilang beses ang aking ulo. Bwisit! Nababaliw na ata ako. Nasa gitna kami ng gyera, tapos eto pa iniisip ko.
Agad kong nilagay ang magazin sa baril na hawak ko. Malakas ang pintig ng puso ko, at hindi ko alam kung bakit. O baka napa-praning lang ako. Fvck!
Malalakas na sabog ang naririnig ko, at ulan ng mga bala ang nag-uumapaw sa buong kapaligiran. Lumakas ang loob ko ng makita ang reinforcement na bigay tulong sa akin ni Aling Selya. Ang grupong matagal ko nang binuo sa tulong niya.
I was shocked when I saw one of my men, operates the bazooka. Agad niyang itinutok ang bukana ng armas na ito sa direksiyon ng mga kaaway namin at pinasabog.
Maya't-maya pa ay tumahimik, maalikabok at hindi ko maaninag sa harapan. Mahigpit ang kapit ko sa aking baril, nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari.
Naramdaman ko na parang may tumatakbo, sinilip ko ito, nang maaninag ay nataranta at may halong pangamba ang naramdaman ko. Nanay Rosa is running away from them, she's crying while her lips are trembling.
Hindi ako mapakali sa kinalalagyan ko, bahala na! Agad akong tumayo at sasalubungin siya. Pero bago pa ako makatakbo ay narinig ko ang sigawan ng mga kasamahan ko. At dagdag pa ang malakas na putok ng mga baril. I was shocked, and my body froze in an instant.
Kahit pagpikit ko ng aking mga mata ay hindi ko magawa. Paunti-unting lumalabas ang dugo mula sa bibig ni Nanay Rosa. At doon ko lang napagtanto, she was shot, multiple times.
Fvck!
"No!!!!!"
Sigaw ko at pagtulo ng mga luha sa aking mata. Wala na akong pakialam, agad kong tinakbo ang pagitan naming dalawa, walang pakialam sa tawag ng mga kapwa ko sundalo. Nang makalapit ay agad kong inakay sa mga bisig ko si Nanay.
"Hindi. . . Hindi pwede! Nay! Please. . . hold on. Huwag ka pong bibitaw, please. K-kasama ko po si Nico, nasa kabila siya. . .kanina ka pa niya gusto makita at mayakap. . .Nay. . ."pagtangis ko at hikbi.
Ngumiti lamang si Nanay sa akin, dahan-dahang inangat ang mga kamay at hahaplusin sana nito ang pisngi ko, nang tuluyang bumagsak ang mga kamay niya at pagpikit ng mga mata nito.
"Hindi! Nay. . . Nay please. . .gumising ka! Please po. . .p-please. . ."hagulgol ko habang yakap ang katawan ni Nanay Rosa.
Hindi ko namalayan na nahatak pala ako ni Zandro kasabay ng pag-akay nila kay Nanay Rosa. Lahat sila nakapaligid sa amin, handang protektahan kami. And I know, it was fvcking useless to me. Nakatago kami ngayon sa malaking puno.
Nang mahismasan ay agad kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi at tumayo, kinasa ang baril.
"What are you going to do, Faustino?" dinig kong tanong ni Zandro.
"Don't stop me, Zandro! I will kill them. I need to!" nangagalaiti kong sagot sa kanya.
"It's too dangerous to go there by yourself! Let me come with you!" saad nya ulit
Umiling ako sa kaniya," This is my battle-"
"Tama na! Don't be too selfish, Sarhento. Ano? Ipapahamak mo iyang sarili mo? I am still your officer, so better do what I have said. Kaya nga kami narito para tulungan ka. Do you understand?!" He whined.
Kagat-labi akong tumango habang nakayuko, at hindi ko alam, bigla akong napaiyak sa sinabi niya. Sunod-sunod na hikbi ang lumabas sa bibig ko. At pakiramdam ko biglang gumaan ang ang bigat sa dibdib ko, na akala ko buong gyera ay ako lang ang lumalaban. Naramdaman ko ang malaking katawan ni Zandro na yumayakap sa akin. Hinahaplos ang aking likuran upang tumahan.
"Ehem!!!!!"
Bigla akong napabitaw sa yakap ni Zandro sa akin. Nang lingunin ko ito, nakangising Rashid ang nasa harapan naming dalawa.
"Hindi naman ako na-inform na kailangan may yakapan muna bago sumabak sa gyera." He then added and smirk.
Natahimik ako sa sinabi niya, nakakahiya at nakita niya pang ganoon ang sitwasyon namin.
So, unprofessional!
"Shut up, Venturino!" saway sa kaniya ni Zandro.
Ngingisi-ngisi lamang ito sa amin. Pagkatapos ay nagkibit-balikat ito at umakbay sa akin. Kapagkuwan ay hinatak ako sa tabi niya at malawak ang ngiti nito'ng tumingin kay Zandro.
"Don't cha worry, Bossing! It's under my control!" saad nito at nguso sa likod namin.
Dahan-dahan din akong lumingon, tahimik ang buo'ng paligid. Mas lalo ako'ng nagulat ng sapilitang pinapalakad ng mga kasamahan namin ang grupo nila Apo Lakay habang nakatutok ang mga baril nito sa likuran nila.
What happened? May nakaligtaan ba ako?
Lumingon ako kay Zandro, nagtataka.
He smirk, "Hindi lang ikaw ang may plano, Claire. I am still the boss."
After he said it, nauna na ito'ng naglakad. Confused. What the heck!
Bago pa ako magsinti at mag-isip ng kung ano-ano ay agad akong naglakad at inasikaso si Nanay Rosa. Nang makalapit sa amin si Nico, gulat na gulat ito'ng nakatingin kay Nanay, walang malay na akay ni Brennan. Tumulo ang mga luha sa aking pisngi nang makita ang paghagulgol nito.
Pinigilan ko ang paghikbi gamit ang mga kamay. Lagi na lang akong huli, lagi na lang nawawala ang mga importanteng tao sa buhay ko. Kay Nanay Rosa ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ina.
Marami akong pagsisisi at isa na do'n ay ang napabayaan ko siya. Kung sana ay isinama ko sila at itinakas, buhay pa sana siya ngayon. She could have been with us. Ikinuyom ko ang mga kamay at huminga ng malalim.
Tama na! Sobra na! Nakakapagod na iyong ganito!
Puno'ng-puno na ng bigat ang dibdib ko, puro problema at pasakit. Hindi dapat ganito. Ayokong makaramdam ng ganito.
Dahan-dahan akong lumapit kay Nico na ngayon ay yakap-yakap si Nanay. Nakarating na kami sa bulwagan, umupo ako at mahigpit na niyakap si Nico. His sobs are so painful. Tumatagos . At alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko mapapawi ang sakit na nararamdaman niya.
Hindi ako makapagsalita para pagaanin ang kaniyang kalooban, umuurong ang dila ko at parang pinipilipit ito. Kasalanan ko! Kasalanan ko ang lahat!
Kung hindi sana ako dumating sa buhay nila, buhay pa sana si Nanay ngayon. Hindi sana hahagulgol si Nico ngayon.
Damn! Nagkamali na naman ako. May buhay na namang nawala dahil sa kapalpakan ko.
Tama nga siguro si Zandro, palpak ako at pabigat sa kanila.
Bakit ba kailangan kong maramdaman ang ganito? Bakit napaka-unfair ng mundo?
Pwede ba'ng kahit sandali ay sumaya naman ako? Iparanas mo naman po sa akin iyon, Lord.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...