Chapter 28:

9 0 0
                                    

Pagkagising ko ay nakita ko sa harapan ko si Canna, mugto ang mga mata. Ngumiti ako sa kaniya, siya naman ay niyakap ako ng mahigpit.

"Saglit. . .are you okay, Canna? Teka. . ."

Hinarap ko ito sa akin, pinunasan ang mga luha nito sa mata, "I'm sorry, hindi ko alam na gano'n pala ang nangyari sayo. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Ngumiti ako, "I'm okay now, Canna. Nalagpasan ko na ang madilim na pagsubok na iyon sa buhay ko. Kaya huwag ka nang umiyak diyan." Pangungumbinsi ko pa sa kaniya.

Umiling pa ito, "It's a shame to call me as your friend, knowing you have been through a lot." humihikbi niya pa ring saad.

I genuinely smiled, "I'm okay now. Maayos na ako, natanggap ko na iyon sa sarili ko."

Niyakap lang ako nito ng mahigpit, habang hinahagod ko ang likuran nito para pakalmahin.






Makalipas ang ilang araw hindi na muli kami nagkita ni Aling Selya, at hindi ko alam kung anong ginawa ni Zandro sa kaniya. Hindi ko din naka-usap si Tenyente, iniiwasan ko ito. Nahihiya pa din akong kausapin sila, lalo na si Zandro. Madumi akong tao, I was a raped woman. Kahit ako, diring-diri pa din sa sarili ko. Pero, wala na akong magagawa dahil nangyari na ang nangyari.

Bumuntong-hininga ako, kapagkuwan ay tumingala sa kalangitan. Wala man lang akong makitang mga bituin, mukhang uulan pa ata ah. Naramdaman kong may biglang tumabi sa akin, huli na para tumayo, dahil hinawakan nito ang pala-pulsuhan ko.

"I'm sorry."

Rashid spoke out of nowhere, "Bakit ka naman nagso-sorry?"

He look to me directly, "I'm sorry if I judged you so easily. I'm sorry kung hindi agad kita napatawad. I'm sorry kung hindi kita agad inintindi. I'm so selfish. I'm sorry, Jem. I'm sorry."

Tinapik ko ang balikat nito, "Don't be sorry, Kap. Okay na ako ngayon, maayos na ako. Wala kang dapat ihingi ng tawad. Hindi mo kasalanan 'yon." saad ko at ngumiti sa kaniya.

Umiling ito, "Still, wala akong kwentang kaibigan. Hindi kita inintindi, hindi ko nilawakan ang pang-unawa ko sayo."

Umiling din ako, "No. It's not your fault. Don't blame yourself. Kasalanan ko iyon, kasalanan ko kung bakit hindi ko agad sinabi sa inyo."

Bumuntong-hininga ako, "Hindi ko agad sinabi kasi nahihiya ako, madumi na ang buo kong pagkatao, Rashid. Nanliliit ako sa sarili ko," namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ko, " k-kapag tumitingin ako sa salamin, nakikita ko ang sarili ko no'ng mga panahong. . . .g-ginahasa nila ako. . .maraming pasa, maduming-madumi. Kung tutuusin, mapalad pa rin ako kasi nabuhay ako."

Agad ako nitong niyakap, "You survived because you are brave. You are the inspiration of everybody, Jem. Matapang mong hinarap silang lahat kahit mag-isa ka lang. And that's what makes you different from other people, from us. Hindi ka nagdalawang isip na sumuong sa laban na walang kasiguraduhan. You are brave, always remember that."








***

Nagulat ako nang may inilapag sa lamesa si Wesley. Kulay ginto ang papel, hindi ko iyon pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ano iyan?" dinig kong tanong ni Rashid.

"Kadiri ka pre! Lunukin mo nga muna iyang kinakain mo bago ka magsalita diyan." sermon ni Wesley.

"Ikaw na masaya!" kontra ni Rashid at tumawa pa.

Wesley scoffed, "wedding invitation iyan galing kina Bossing."

Natigilan ako sa pagnguya, kapagkuwan ay ipinagpatuloy ang pagkain. Tuloy pa rin pala ang kasal. Oo nga pala, sino ba naman ako para sa kaniya? Diri'ng- diri siguro siya kapag nakikita ako. I sighed defeatedly.

Bago pa makapag-react si Rashid sa tabi ko ay narinig namin ang malakas na tunog. Emergency code.

Mabilis pa sa alas kwatro ang kilos namin, lahat ng mga tao sa canteen ay nagtakbuhan at nagmamadaling inasikaso ang mga dapat asikasuhin. Pagkatapos, lulan kami ngayon sa sasakyan, kasama ang buo'ng miyembro ng jaguar team. Kita ko ang seryosong mga mukha ng mga kasama ko. Hindi ko makitaan ang biro sa kanila. Mabilis ang takbo ng sasakyang sinasakyan namin, halos paliparin na nga ni Conrad.

Pagkadating na pagkadating namin, ay agad lumapit si Rashid sa mga pulis na naka-antabay sa labas ng ospital.

"Sir, ano'ng nangyayari dito?"

"Hostage taking, Sir.  Marami silang hostage na mga bata." nangangambang tugon ng isang pulis.

Kumunot ang noo ni Rashid, kapagkuwan ay lumapit ng tuluyan sa amin.

"Wesley, coordinate to the headquarters immediately. Kailangan natin ng go signal nila bago tayo kumilos," agad na kumilos si Wesley.

Sa ganitong sitwasyon ko lang makikitang seryoso si Rashid.

"Plans?"

Lumingon sa akin si Rashid, "kung ako lang ang magdedesisyon, pinasok ko na iyang ospital. Pero, hindi pwede. Maraming mga inosenteng tao ang madadamay. We need a solid plan, Jem. Kapag pumalpak tayo dito, lahat ng sisi ng mga tao, sa ating ibubuntong." Saad niya at bumuntong-hininga.

And definitely he's right.

Pinaliwanag naman agad ni Wesley kay Rashid ang sinabi ng Commander Officer namin. Execute hostage taker if they insist and save innocent people.

Agad na nagplano si Rashid, nakikinig lamang ako sa kaniya. Kayang-kaya niyang pamunuan ang hukbo kahit wala si Zandro. And his Bossing trained him very well.

"Coordinate with them," agad niyang lingon sa mga pulis, "unahin ang mga tao sa loob, iyon ang priority natin. Fujimoto, go to the east building, with the sniper team. Legaspi and Castro to the West. Find a perfect place for you to aim a good shot. And the rest, will be with me. Is that clear?"

"Sir, yes Sir!" tugon naming lahat at sumaludo sa kaniya.

Nang makaalis ang iba ay tinapik ko ang balikat nito, "Hahayaan mo talaga na umalis si Canna?"

Ngumisi ito sa akin, "Kahit ano namang galit ko sa ginawa niya noon, hindi pa rin naman mawawala sa akin ang pag-aalala sa kaniya. Isa pa, sundalo siya, bubungangaan lang ako no'n kapag dinisplay ko lang siya dito. As much as I want her to be by my side, I can't. She needs to learn and grow."

Napangiti ako sa sinabi niya, at habang sinasabi niya ito ay ngumingiti pa siya. Halatang in love na in love kay Canna.

"Grabeng pagmamahal iyan." Biro ko pa sa kaniya.

Tumawa pa siya, "Cheesy ba? Magtrabaho na tayo, mahal na reyna. Baka masita pa tayo dito."

Ngumisi ako, "right back at ya, my cheesy friend!"

....

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now