Chapter 10

22 2 0
                                    

Malalim ang iniisip ko ng tapikin ako ni Canna sa balikat, napalingon agad ako sa kanya. Nagtataka kung bakit at ano ang mayroon. Nginuso nito ang nasa likod ko, nilingon ko naman ito, at hindi ko na lang sana ginawa.

Zandro and his girl are talking sweetly, at heto na naman iyong sakit. Parang nadudurog ang puso ko. Nakabalik na ako sa serbisyo at marami ang bumati sa akin at lahat ay nag-alala. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako hinuhuli sa mga ginawa kong kasalanan na batid kong malaki.

"You okay?"

Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ang boses ulit ni Canna. Mapait akong ngumiti, pinipigilan ang mga luhang handa nang dumaloy sa pisngi ko.

Tumango ako sa kaniya at yumuko, ginalaw-galaw ko ang pagkain sa plato, napakagat-labi dahil nanginginig ito dahil sa sakit at kirot ng puso ko.

Hanggang ngayon hindi pa niya ako kinakausap. Ni pagsulyap hindi ko makita.

I let out a painful smile, he's really mad. I can tell.

Napaangat ako ng tingin ng makita sa sahig ang dalawang pares ng combat shoes. Inangat ko ang paningin at ganun na lamang ang pangitngit ng galit sa dibdib ko at pagkuyom ng mga kamay.

"Kumusta ka na, Sarhento?"

Agad akong tumayo at sinapak ito sa mukha, naaligaga ang lahat na naroon sa canteen. Nagkagulo at lahat pumunta sa direksiyon namin habang pinipigilan ako ni Canna.

Rashid came out of nowhere and block me infront of Lieutenant Alcansore.

"Hayop ka! Pagbabayaran mo lahat! Bitiwan mo ako, Canna! Umalis ka sa harapan ko, Captain Venturino!"I shouted.

"Ako na nga 'tong nag-aalala sa'yo, ako pa ang masama, Sarhento. Muka'ng may problema ka na sa pag-iisip. Subukan mo'ng ipakonsulta iyan." ngisi nito sa akin.

At mas lalo akong nagwawala sa sinabi niya,"Tandaan mo Tenyente! Habang nabubuhay ako, hindi ka magiging masaya. Simulan mo nang magdasal!" Sigaw ko ulit.

Nagpupumiglas ako sa hawak ni Canna sa akin nang maramdaman ang isang kamay at hinawakan ako sa pala-pulsuhan, hinatak papaalis.

Nakarating kami sa opisina niya, hinihingal ako at habang siya ay napahawak sa sentido niya. Kapagkuwan ay umupo at matalim akong tinitigan.

"Hindi ka pa ba nakuntento na nagsinungaling ka sa amin? Kulang pa ba?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya, nakita ko ang pagkuyom ng kaliwang kamay nito.

"Bigyan mo naman ako kahit kaunting kahihiyan, Sarhento!"sigaw niya sa akin dahilan ng pag-awang ng mga labi ko.

Napaatras ako sa sigaw nito at hindi makapaniwalang narinig iyon mula sa kaniya.

Huminga ako ng malalim, nanlalabo na ang mga mata ko sa luhang namumuo.

"You. . .you never ask, Zandro. You never listen. Punang-puna mo ang kamalian ko samantalang hindi mo makita iyong ginawa kong pagsasakripisyo. Okay lang, naiintindihan ko ang galit mo. Pero, huwag mo naman akong sigawan."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad kong nilisan ang opisina niya
I am suffocated. Seeing how mad he was at me, my knees are shakin and up until now.

Talagang tama ata ang mga sinabi ni Chelsea. Pinandidirihan na ako ni Zandro.

Hindi na ako nagpakita pa pagkatapos mangyari iyon. Nagkulong lang ako sa silid pagdating ng gabi at hindi na lumabas pa.

Nabaling ang atensiyon ko ng makitang nagliwanag ang cellphone na bagong bigay ulit ni Canna.

Saan ka? Dito kami sa kanto tres sa sitio. Bilisan mo! I-celebrate natin pagkabuhay mo'ng muli hahahaha

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now