Chapter 31:

48 2 1
                                    

Danger! Danger! Mr. Lover!

Nakamove on na ba talaga ako? Paulit-ulit iyon sumasagi sa isip ko. Ba't kasi dumating pa iyon? Akala ko ba nasa ibang planeta siya, bakit nakauwi agad ? Haysssss. . .pahamak talaga ang megaphone kanina.

Ni hindi ko na inalintana na bihag pala ako, maraming pumapasok sa aking utak, kung ano ano na lang. Napabuntong-hininga ako, hindi tamang sinabi ko pa iyon, baka isipin pa niya na hanggang ngayon mahal ko pa siya.

Hindi nga ba?

Agad kong pinilig ang aking ulo, pati ba naman utak ko hindi nakikisama sa akin! Ginayuma siguro ako ng Saragosang iyon. Maling-mali talaga, ako nasasaktan habang siya nagsasaya.

My senses got back when the leader of the goons cleared his fvcking throat.

"Kung may ubo ka, h'wag dito, makakahawa ka pa!" singhal ko sa kaniya.

Ngumisi ito sa akin, "Dati mo palang karelasyon ang Saragosang iyon?!"

I rolled my eyes, "So? Hindi ko alam na may lahi kang tsismoso."

Tumawa ito, "Matutuwa siguro si Boss kapag sinama ka namin. Mukhang magagamit ka niya laban sa Tenyenteng iyon!"

Umiling ako, "Na-ah! Wrong! Imposible, hindi na ako mahal no'n. Alam mo bang muntikan na akong ipakulong no'n. Iyong mga titig pa lang niya nakakatakot na. What more kung magsalita pa siya? Nginig talaga buo'ng pagkatao mo." pananakot kong saad sa kaniya.

I smiled inwardly, behind their eyes, somehow they are scared. They are frightened to know Lieutenant Colonel more. His name screams scary, authoritative, and brave. Shoud I tell them more?

Bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano may narinig na akong papalapit na helicopter sa rooftop. Iyon na siguro ang hinihiling ng mga 'to.

"Mukhang makaka-alis na kayo, ah. Siguro naman pwede niyo na akong pakawalan."

Ngumisi iyong isa, pero iyong ngisi niya kakaiba. May masamang binabalak siguro 'to. On second thought, kailan ba naging mabuti ang binabalak nila. At habang busy sila at hindi na ako pinapansin, ay agaran kong simulang tanggalin ang lubid sa aking mga kamay. Ang higpit naman, pucha! Akala siguro ng mga 'to sa akin ay kalabaw. Bwisit!


"Dala ko na ang isang bilyon na hinihingi niyo."

Dinig kong salita ni Zandro. Nakita ko ang unti-unting pagngiti ng lalaking Boss daw nila. Agad itong nagsalita.

"Dalhin mo dito, siguraduhin mo lang na wala kang dalang kahit na ano bukod sa pera. Kapag hindi mo sinunod ang sinabi ko, papatayin ko itong ex mo."

Nanlaki ang mga mata ko, talagang sinabi niya. Pinandilatan ko siya, tumatawa namang ang pangit na 'to.






Maya't-maya pa ay nakita ko ang papalapit na bulto ni Zandro. Nagulat pa ako na Qqqqànaka-tuxedo pa siya. Kagagaling lang siguro sa byahe. I've noticed- his clean cut hair, kissable lips, masculine and handsome face. Wait. . . ba't ko pinupuri ang ex ko?

Lumapit ito at agad binuksan ang suit case niya'ng dala. Ipinakita sa kanila, "Pakawalan niyo muna si Sarhento bago ko ibigay sa'yo 'to."

"Paano naman ako makakasiguro na ibibigay mo iyan at hindi mo kami papatayin?"

Nanigurado pa ang kulugo!

"I have my word. Tumutupad ako sa usapan." saad ni Zandro habang nakatingin sa akin.

Umiwas ako sa tingin niya, parang nilulunod ako nito.

"Mag-kaliwaan tayo."

Napatingin ako kay Zandro, tumango ito. Hinawakan ako ng dalawa at magkaharap na kami ngayon ni Saragosa. Agad niyang binigay ang pera at hinawakan ako sa braso, hinila at napasubsob pa sa dibdib niya. Ang bango naman!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now