Pagkatapos ng pangyayari'ng iyon, mahigpit na ang seguridad sa buo'ng headquarters. Hindi ko na rin pinatagal ang mga pinsan ko at agad na silang pinauwi. Delikado.
Malayo ang iniisip ko ng marinig ang sigaw ni Zandro. Nang magtama ang paningin namin, galit ito'ng nakatitig sa akin.
"Are you with us? Ano ba iyang iniisip mo at lagi kang lutang sa meeting natin?!" singhal niya.
"Pasensiya na. . ."tugon ko.
"Focus, Faustino! Unahin mo muna iyang pagiging sundalo mo, kaysa ang kalandian sa katawan. Pwede ba iyon?!" bulyaw niya.
Napapikit ako sa sakit niyang magsalita, pero hindi ako kumibo. Lumunok ako ng sariling laway at tumango sa kaniya.
"Bossing. . ."dinig kong tawag sa kaniya ni Rashid.
"What?" padaskol na tanong ng boss namin.
"Mas magandang. . .sa ano. . . sa norte tayo dumaan." panimula ni Rashid.
All eyes on me, with pity on their eyes. Pasimple kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. Malalim akong huminga.
"I can't. . ."
Lahat na naman sila ay napatingin sa akin. Taas-noo akong tumayo at ibinigay ang folder sa kaniya. Nilapag ko ito sa harapan niya.
"Reports about rebels, Sir. . .may inosente silang hostage ngayon. . .kailangan kong iligtas ang tao'ng iyon. Nire-report ko sayo kasi opisyal pa rin kita, pero, humihingi na ako ng tawad ngayon dahil hindi ako makakasama sa operasyon niyo. Mas kailangan ako ng tao'ng hawak ng mga rebelde ngayon." paliwanag ko.
Narinig ko ang malalakas na singhapan sa loob ng meeting room. Kinakabahan man, ay buo pa rin ang pasya ko.
"No! This operation is very important. You will come with us. May ibang pupunta roon para iligtas iyong taong sinasabi mo. That's an order!" matigas nito'ng pahayag.
Sabi ko na nga ba, huminga ako ng malalim. Tumingin sa kaniya, at mapait na ngumiti. Agad kong kinuha ang baril,"Kung hindi ako ang pupunta roon, siguro, hindi na nararapat sa akin ito," agad kong nilapag ang 45 caliber gun sa harap niya,"I'm resigning, Sir."
Mas lalong umugong ang bulungan ng mga tao sa loob. Nakita ko pang napatayo si Canna at Rashid, lahat pala sila.
Tumalikod na ako, at sa pagtalikod ko, kitang-kita ko ang gulat na gulat na mga reaksiyon ng mga kaibigan. Nakatingin sa akin si Canna, nagtatanong ang mga mata nito. Nginitian ko lamang siya kahit durog na durog na ako sa loob. Siguro nga, hindi para sa akin ang pagsusundalo.
"Magre-resign ka para lang sa walang kwentang bagay?!" sigaw na naman niya.
Napatigil ako sa paglalakad papabalas, hindi ako kumibo,"Mas importante pa ba iyon, ha?!"
Napakuyom ako ng mga kamay,"Bakit hindi ka makasagot? Sagutin mo ang tanong ko! Mas importante pa ba iyon na kailangan ikaw pa ang pupunta? Bakit? Kasi kasama mo ang lalaki mo?! Ganoon ba?" sigaw na naman niya.
"Oo!" sigaw ko rin sa kaniya.
Hindi na ako nakapagpigil pa sa sobrang galit at inis ko,"Oo! Mas importante siya, importante sa lahat ng bagay. Hinihiling ko lang sayo na ako ang hahawak sa kaso'ng iyan. Mahirap po ba iyon ibigay sa akin, Sir? Kailan ho ba kayo makikinig sa akin? Kailan niyo po balak paniwalaan ako? Naiintindihan ko naman, eh. Pero huwag mo namang ipagkait sa akin na iligtas ang tao'ng tumulong sa akin. Kaya nga ho ako bibitaw sa serbisyo kasi hindi ko magampanan ng maayos ang katungkulan ko. Iyon naman po ang iniisip mo sa akin. Kung pagod na po kayo sa akin Sir. . .mas pagod po ako. Pagod na pagod na ako sa lahat!"
Dire-direcho akong naglakad papalabas, walang lingon. Namamalisbis ang mga luha sa aking pisngi. Bago ko pa maihakbang ang aking mga paa. Umalingawngaw ang nakakakilabot na boses ni Zandro.
"Stop! I said STOP RIGHT THERE! SARHENTO!!!!!"
Pawis na pawis at hingal na hingal akong nagising sa pagkakatulog. Pucha! Para'ng totoo ang panaginip ko. Napahilamos ako ng mukha at pagkatapos ay huminga ng malalim.
Mabilis akong tumayo at pumasok sa banyo. Naghilamos ng ilang beses at mariing nakatitig sa salamin. Napakuyom ako ng mga kamay nang maalala ang nangyari kahapon, at hanggang ngayon hindi ko pa nakikita sa Zandro. That woman is very important to her. At mas lalo akong nasasaktan na wala na akong puwang sa puso niya.
Pagkalabas ko galing banyo ay nagulat pa ako ng makita na nakatunganga si Canna sa isang tabi. Napaigtad pa ito ng tapikin ko balikat niya.
"Problema? May nangyari ba?"
Ngumiti ito, pero alam ko namang pili lang. Hinayaan ko lamang siya at umupo sa bakanteng silya habang sinusulyapan ito. Problemado talaga siya!
"Jem. . .inutusan akong huwag sabihin ito sa'yo, pero ayokong ikagalit mo kapag nalaman mo sa iba." wika niya.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya,"Nasa interrigation room si Nico, nando'n na rin ang buong bravo team."
Napatayo ako sa sinabi nito, dumagundong ng kaba ang puso ko. Mabilis akong lumabas at kumaripas ng takbo papunta roon. Hindi ko na inalam kung sumunod si Canna. Pagkarating ko sa loob, agad akong hinarangan ni Brennan. Matalim ko itong tinignan. Hindi man lang natinag sa akin. Malakas ko itong tinulak at tumakbo sa direksiyon ng pintuan. Huli na para mahawakan at mapigilan ako ni Wesley. Pinihit ko agad ang seradura, at sa pagpasok ko, putok ang kaliwang mata ni Nico at maging ang labi. Napalingon ang tatlong tao sa akin. Wala na akong pakialam at agad na nilapitan si Nico.
"What are you doing here? Hindi ka pwede rito!" Sigaw ng Tenyente Koronel.
Hindi ko ito pinakinggan at agad na hinawakan ang pala-pulsuhan ni Nico.
Akmang lalabas na ako ng harangin ako ni Zandro. Napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"You're going against the law, para lang sa tao'ng iyan!" matigas nito'ng pahayag sa akin.
Ngumisi ako,"Bakit hindi ko alam 'to?" mariin kong tanong sa kanya.
"Kailangan ba'ng alam mo lahat? I do what I want. At hindi ko na kailangan pa'ng sabihin sa'yo iyon." maanghang niyang tugon sa akin.
Ngumisi ulit ako kahit nasaktan ako sa mga sinabi niya,"Oo nga pala. Sorry, Sir. . .nakalimutan kong opisyal kita at wala namang dahilan para sabihin mo sa akin ang buo mong plano. I am not part of your team."
"Umalis ka na at marami pa akong itatanong sa lalaking iyan!"
Umiling ako,"Pasensiya na Sir, hindi ko masusunod iyang utos mo."
Matalim ako nitong tinitigan,"Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Faustino! Be professional!"sigaw niya.
"Huwag mong isama sa trabaho iyang galit mo sa akin, Sarhento. Kung naiinis kang may kasama ako'ng iba at hindi na ikaw, hindi ko naman kasalanan iyon. Ikaw naman ang gumawa ng daan para maging ganito ako-"
Malakas na tawa ang pinakawalan ko sa buong silid,"You've said. . . be professional. Pero bakit parang ikaw ito'ng hindi?"
"Let's get over this. Ano ba ang pakay niyo sa kaniya?" dagdag kong sambit.
"Matagal na siyang hinahanap, wanted , hindi mo ba alam iyon? Kung kani-kanino ka sumama pero ni hindi mo man lang inalam ang pagkatao niyan. Isa siyang rebelde!" singhal ni Zandro sa akin.
I let out a painful smile,"And I am. . ."
Rashid and Zandro look to me shockingly. "Kung ikukulong niyo siya, isama niyo na ako."
Walang may nagsasalita sa kanilang dalawa. Kailangan kong protektahan ang tao'ng tumulong sa akin. Dahil alam kong siya na lang ang kakampi ko sa laban ko.
<♡>
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...