Chapter 2

15 1 0
                                    

Kahit madilim ang buo'ng paligid ay matiyaga akong nag-antay kay Kapitan. Alam kong ito'ng ruta na ito ang dadaanan niya pauwi. Hindi ako Santo para hayaan na lang siya'ng umalis. Hindi rin ako mabait na tao para hayaan pa siya'ng magsaya sa labas ng selda.

Nagtago ako sa malaking puno nang marinig ang mga yabag nila. Sigurado ako'ng sila na nga ito. Tago ang buo kong pagkatao dahil ayaw kong malaman niya'ng buhay pa ako. Who would have thought that I survived? Sa lalim ng ilog at malakas na ragasa ng daloy ng tubig, idagdag pang marami akong sugat. Alam kong kampante silang wala na ako.

"Sinigurado mo bang hindi tayo mahahalata ni Saragosa, Sarhento?"

Dinig kong tanong ni Altarejos sa tauhan niya."Oho, Sir. H'wag ho kayong mag-alala patungkol roon."

"Mabuti naman. Malapit na ring mabuo ang plano ni Apo Lakay. . .at sigurado akong mananalo tayo sa pagkakataong ito."

Humigpit ang hawak ko sa duffel bag sa likod ng katawan ko. Sumidhi ang galit sa puso ko. Sundalo laban sa kapwa sundalo, paano na lang ang gobyerno nito kung ganito ang nangyayari sa loob ng militar?

Dahan-dahan ako'ng naglakad sa likuran nila, mahigpit na tinakpan ng isa kong kamay ang bibig ng nasa hulihang sundalo at hinampas ito ng baril sa batok niya, sanhi ng pagkawalan nito ng malay.

Lima sila'ng naglalakad kasama ang Kapitan papauwi. . .pinatulog ko na ang isa. Three more to go, pang-huli ka Altarejos.

Lakad. . .

Tago. . .

Nang makahanap ng tiyempo ay agad ako'ng lumitaw sa harapan nila. Sinigurado kong walang makakakilala sa akin.

"Sino ka? Ano'ng kailangan mo sa amin?"

I smirk behind my mask and look at them sharply. Hindi na ako nag-abalang magsalita.

Useless!

Agad kong binato ng survival knife ang isa sa kanan at binaril ang nasa kaliwa. Nakaawang lang ang bibig ng dalawa habang ginawa ko iyon. Kita'ng-kita ko ang takot na umuusbong sa mata ng Kapitan ngayon.

He should be afraid!

"Ano'ng kailangan mo sa amin?" tanong ng Sarhento sa akin.

Sa pagkakataong ito, nakakatutok na ang baril niyang dala sa akin. And again, I smirked behind my mask.

"Pwede naman nating pag-usapan ito. . .bibigyan kita ng maraming pera. Magkano. . . Magkano ba gusto mo?"

Huminga ako ng malalim, dahan-dahang itinutok sa kanila ang baril ko."Hindi ikaw ang kailangan ko Sarhento, iyang Boss mo ang may atraso sa akin." malalim at malamig kong saad sa kanya.

"Kung gusto mo pa mabuhay, umalis ka na. Bibigyan pa kita ng pagkakataong magbago. If you don't. . .then your graveyard is waiting, Sergeant." saad ko sa Sarhento.

Kita ko ang paglunok nito ng ilang beses habang nanginginig ang mga kamay. Ang mali niya lang ay natakot agad siya sa banta ko. He can shoot me while he has a time.

Tsk!

"Kapag patuloy kang gagawa ng masama. . .dalawa kayo ng Boss mo ang matutulog sa rehas. Iyon ay kung magiging mabait kayo sa akin. . .kung hindi naman, naghihintay na ang mga uod sa lupa sa inyo."

"Sino ka ba talaga? Ano'ng kailangan mo sa akin?" sigaw ni Kapitan.

"You don't have to know. I'm waiting for this moment, Altarejos. Nagsisimula pa lang ako," lumingon ako kay Sarhento,"Leave if you want to be alive."

Agad itong kumaripas ng takbo habang sumisigaw naman ang Kapitan,"Punyeta, Sarhento! Bumalik ka rito! Sarhento!"

Ngumisi ako, at naglakad palapit sa kanya. Sinipa ko ito sa tiyan ng malakas dahilan ng pagkakapaluhod niya.

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now