"Jane, narito na ang pinapakuha mong baril."
Napalingon ako sa lalaking kapapasok lang sa kubo. Tinanguan ko ito, habang siya naman ay umupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.
"Nagka-usap na ba kayo ni Ka Rolly? Kanina ka pa hinahanap no'n." saad niya ulit sa akin.
Napataas ang kilay ko, malamang tungkol na naman iyon sa ipinipilit niya sa akin at no'ng nakaraan linggo pa ito. Akala niya ay madali lang gawin, at isa pa- hindi naman ako nasisiyahan patungkol roon.
"Si Nico pala, kanina ka pa hinahanap. Mukang may lalakarin kayo mamaya." sambit niya ulit sa akin.
Bumuntong hininga ako at pagkatapos ay nilinis ang baril na kinuha ko sa ibabaw ng lamesa.
"Nakikinig ka ba sa akin, Jane?"
"May tenga ako, Subas. Ibig sabihin narinig ko. May sasabihin ka pa ba?" padaskol kong tanong .
Natahimik ito at kapagkuwan ay tumayo,"Bueno, aalis na ako. 'Wag mong kalimutan ang pulong mamaya."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Pagak akong natawa ng mahina- naalala ang mga pangyayaring naganap sa akin sa nakalipas na limang buwan.
Hindi ko pa rin nakakalimutan!
Sariwa pa rin ang sakit at galit sa puso ko.
Dahil sa kanila kaya narito ako sa sitwasyong hindi ko pinangarap. Dahil sa mga hayop na 'yon, hindi ko na masilayan ang mga ngiti at tawa ng mga mahal ko sa buhay.
That day! I was lost and darn tired to survived. Hindi ko masasabing masuwerte ako, dahil napadpad ako sa mga taong halang din ang kaluluwa.
Masasabi ko lang talaga ngayon, buti na lang humihinga pa ako.
Hindi ako humihinga para lamang tumunganga, lahat pinaplano ko. Lahat planado mula sa dahon hanggang sa pinaka-ugat.
Lahat aalisin ko hangga't lupa na lang ang matitira. Sampo ng mga sugo ni Santos- wala akong ititira.
And I swear it to my life!
Bumuntong-hininga ako at napapikit, kumusta na kaya sila? Pinagluksa ba nila ako sa pagkawala ko sa buhay nila? Miss na ba nila ako? I wanted to go back where they are, tell them that I am alive. I survive! Pero, pinigilan ko ang sarili ko. Kapag nagpakita ako sa kanila, paniguradong mapapahamak lahat at papalpak lang ang pinaghirapan kong buuing plano.
Lumabas ako sa kubong tinutuluyan ko at nakita ko ang mga taong kumupkop sa akin. Kahit masamang tao sila, hindi pa rin nawawala iyong nature sa isang tao ang tumulong. At hindi lahat ng kasapi nila ay halang ang kaluluwa, bilang lang sa mga kamay ko ang mabubuti ang puso.
"Nandiyan ka lang pala, Jane. Kanina pa kita pinapahanap kay Nico. Nag-tanghalian ka na ba?"
Umiling ako kay Nay Rosa na siyang nag-alaga sa akin simula ng mapadpad ako ritong sugatan. Ipinangako ko sa aking sarili na kapag maayos na ang lahat, kukunin ko siya, kasama si Nico na anak nito.
"Naku! Ikaw talaga, wag na wag mong kakalimutang kumain. Iyon ang lakas natin." dagdag niya pang turan sa akin.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. Hinawakan nito ang pala-pulsuhan ko at iginaya sa sinisilungan nilang dalawa ni Nico. Ipinaghanda ako nito ng makakain at umupo ito paharap sa akin.
"Bakit ho, Nay?"
Ang lalim kasi ng titig nito sa akin, na para bang sinusuri niya ako.
"Nabasa ko ang diyaryo kahapon, galing kaming bayan. May nabasa akong balita na bibisita rito sa lugar natin ang Gobernador ng Isabela." saad niya sa akin.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...