"Ano? Magpapakamatay ka ba?" sigaw sa akin ni Canna ng sabihin ko sa kaniya ang buo'ng plano ko.
I decided to not answer her, I remain silent. Hindi dapat siya masali sa gulo ko.
"Iyan na naman, Jem. Superhero stunt ka na naman! Tapos ang ending, walang napuntahan. Wala lang naman para kay Tenyente lahat ng sakripisyo mo. Nakikita mo ba, uh?! Wala na siyang pakialam sa'yo. Kaya please, please lang. Wag kang magpadalos-dalos. Sabihin na natin 'to sa kanila. They can help you-"
"Tama na, Canna! Ginagawa ko 'to para maligtas ang tao'ng nag-alaga, nag-aruga, at nagmahal sa akin, hindi para magpapansin kay Zandro. I'm doing this for Nico and his mother." I said with determination.
Umiling-iling ang babae at palakad-lakad sa harapan ko,"Baliw ka ba? Madi-dismiss ka kapag hindi mo ipinaalam sa mga opisyales natin. You're doomed! Pwede ka pa'ng matanggal sa serbisyo sa ginagawa mong 'yan." saad niya sa akin.
I didn't respond, no one, no one can change my plans, my mind.
"Fvck! Fine. . .I'll help!"
Napangiti ako, napasabunot pa ito mismo sa sarili niyang buhok na ikinatawa ko. Hindi niya talaga ako hahayaang mag-isa.
"Make sure na hindi tayo papalpak, ayokong madismiss o matanggal sa serbisyo-"
"I am sure! Magtiwala ka sa plano ko." I said and smiled.
"Ano'ng plano?"
"Tangina naman!" sigaw ko.
Napalundag pa ako sa aking kinauupuan ng marinig ang boses ni Rashid. Agad itong pumasok sa silid namin at mariin akong sinusuri, maging si Canna. Palipat-lipat pa ang mga tingin nito sa amin.
"So, ano nga 'yong plano? Bakit hindi ako na-inform? Ano ba 'yon?"
Napataas ang kilay ko, kapag sinabi ko, alam kong ibabalita niya agad sa Bossing niya. Napaka-loyal ng damuho kay Zandro.
"Wala 'yon. Ano palang ginagawa mo rito?"
He look to me seriously,"Don't change the topic, Jem. And please, don't take me for a fool. I am still higher than you, so , better answer my question truthfully. What plans are you both talking about?"
Napalunok ako ng sariling laway sa sobrang seryoso ni Rashid. Hindi ko nababakas ang pagbibiro nito.
Hindi ako nagsalita agad, naghahanap ng mga salitang sasabihin sa kaniya.
"Tungkol ba sa manliligaw mo?" he asked again.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Seryoso'ng-seryoso ito.
"How long he've been courting you? Mukang hindi mabait." sambit nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa prangka nito'ng magsalita, ngayon ko pa lang narinig iyon mula sa kaniya. At ulit, hindi pa rin ako kumibo.
"Bakit hindi mo ako sinasagot? Sino ba talaga iyon? Upon seeing your reactions, it seemed that he's very important to you. Very important. Kaya nakalimutan mo na si Bossing." he said abruptly.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, tinitigan ko lamang siya. Para kaming nasa staring contest, teka- meron ba'ng gano'n?
"Wala na ba talaga para sa'yo si Bossing, Jem? Matindi ang pinagdaanan niya simula ng nawala ka, simula nang magpanggap ka'ng patay. He was broke, he was hurt and up until now,"
"Tama na!" pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"Hurt? Up until now, you mean? Kung totoo talaga iyang sinasabi mo, bakit may girlfriend siya? Kung totoo talagang nasaktan siya, bakit hinahayaan niya lang na magkaganito kami. I tried to reach him, I tried to explain- but, did he listen? Di ba hindi naman! So, what are you insinuating here that I forgot what we have! He's always in my mind, hindi ko siya kinalimutan. Dumaan ang araw, linggo at buwan, hindi ko nakakalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pero, ano bang magagawa ko kung masaya na siya sa iba? Ano'ng magagawa ko, Rashid?" bulyaw ko sa kaniya.
"Kahit kailan hindi ipinipilit ang nararamdaman sa tao'ng may ayaw." mababa kong pahayag.
Natahimik ito,"Lagi siyang laman ng isip ko, gusto kong bumalik kami dati. Pero hindi ko magawa. Marami akong kasalanan, at kapag nakikita ko siya, nilalamon ako ng konsensiya. Naisip ko talagang hindi ko siya deserve. May pinatay ako, Rashid. Naiintindihan mo ba, ha! Pinatay ko sa sarili kong mga kamay. I am a criminal! Naiintindihan mo ba!"sigaw ko sa kaniya.
Napaupo ako sa sobrang inis at galit sa puso ko. Nagsimula na namang pumatak ang mga kuha sa pisngi ko."At isa pa, sa tuwing nakikita ko sila ng girlfriend niya, masaya ako. . .masaya ako para sa kaniya. He deserved to be happy. . ." humikbi ako, "Pero, tangina! Hindi naman iyon ang nararamdaman ko, eh! Naiinggit ako! Ako dapat 'yon! Ako dapat iyong kayakap at kausap niya! Ako dapat iyong nginingitian niya. Alam mo ba iyong sakit, ha! Sobrang sakit, Rashid! Puno'ng-puno ng inggit at galit sa puso ko. Nakakapagod. . . pilit kong nilalaban, pero, sa huli. . . .talo pa rin ako." mababa kong pahayag, humihikbi habang nakakuyom ang mga kamay.
Naramdaman ko ang yakap nito sa akin,"I'm. . .i'm sorry, Jem. . .sorry." turan niya.
Umiiyak lamang ako habang yakap niya. Ilang minuto ang nagdaan bago ako mahimasmasan galing sa pag-iyak. Agad akong tumayo at bumitaw sa pagkakayakap niya. Pinalis ang mga luha.
"Ire-rescue namin ang Nanay ni Nico sa kamay ng mga rebelde. . .iyon di ba ang gusto mong malaman? Sige na, maaari ka ng makaalis at i-report mo na iyan kay Bossing mo." matigas kong saad sa kaniya.
"Jem. . ."
Umiling ako ng ilang beses,"Okay lang, naiintindihan ko naman, eh. Pare-pareho lang tayo'ng sundalo. Ang pinagkaiba nga lang, nagsakripisyo ako pero napunta lang sa wala, nasayang lang iyong uniporme at chapa ko, masakit. . .pero, kaya naman." saad at mapakla akong natawa," Pagkatapos nito, ako na mismo ang lalapit kay General para sumuko."
Huminga ako ng malalim at mapait na ngumiti,"Naiintindihan kita, hindi ako galit sayo. . .nagpapasalamat pa nga ako kasi hindi mo pinaramdam sa akin na balewala lang ako. . .I'm sorry kung huli na. I'm sorry kung ginawa ko kayo'ng tanga. . .I'm sorry. . .k-kung hanggang ngayon hindi. . .hindi pa rin ako makapag-paliwanag sa inyo ng maayos. . .I'm. . .so-sorry. . .kasi. . ."saad ko habang humihikbi na naman.
Hindi ko na naituloy ang sasabihin pang iba ng ambahan ako ng yakap. . .mahigpit na yakap ni Rashid. Umiiyak din ito, ramdam ko, dahil umaalog ang balikat ko.
"Please, don't Jem. . .I'll do anything with my power to prove that your innocent. Sa pagkakataong ito, tutulungan at poprotektahan kita, laban sa kanila. . . kaya huwag ka nang umiyak. Nandito lang ako, hindi kita iiwan, bilang Captain at kaibigan mo."
Mas lalo akong napahikbi sa mga sinabi niya. Sana lang, totohanin niya. Alam kong importante sa kaniya ang trabaho at ang pagkakaibigan nila ni Zandro.
<♡>
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...