Chapter 8

17 1 0
                                    

Rashid Venturino

Napahikab ako habang nag-aantay sa iba pang mga opisyales. Napagkasunduang magkakaroon ng pag-pupulong tungkol nga sa nangyari kahapon kay Colonel De Dios. Lahat kami napagalitan ng Brigadier General, walang maibigay na konkretong  ebidensiya kung sino ang dumukot kay Kernel. Pala-isipan sa akin, lalo na kay Bossing. Nasa tabi ko ito, malalim na nag-iisip at nakakunot ang noo.

Kung sino man ang gumawa no'n kay Kernel, ang angas niya. Nalagasan kami ng isang taong espesyal sa buhay namin. Nakakulong na ngayon si Kernel sa kustodiya ng main headquarters namin.

Nabigla ako ng bumukas ang pinto, at iniluwa roon ang Brigadier General ng hukbong sandatahan ng mga nagwa-gwapuhan- at ako ang pinaka-gwapo syempre. Agad rin kaming tumayo ni Bossing, sumaludo sa opisyal naming lahat.

"Take a seat, gentleman!" maawtoridad nitong pahayag.

Agad itong pumunta sa podium, isinuot ang eyeglasses nito, at dumapo ang mga tingin sa papel na nakalatag sa podium.

"Reports about crimes committed in your area, and military involvement in a big syndicate are very alarming. You are hereby ordered to utilize all necessary elements to clean your ranks. We are expecting of immediate reports. Signed, Chief of Staff of the Armed Forces," dumapo ang tingin nito kay Bossing,"What can you say about this, Lieutenant Colonel Saragosa?"

Lahat tuloy ng naroon na mga opisyales ay dumako ang tingin sa katabi ko. Bumuntong-hininga si Bossing at agad na tumingin kay General.

"As of now, Sir , we're doing our best to neutralized this big syndicates. We're conducting a patrol again early morning tomorrow. So as Colonel De dios, we're really trying our best to gather evidences and very thorough investigation." mahinahong pahayag ni Bossing.

"As much as possible Lt.Cl., hindi natin kailangang patayin ang wala ng labang mga rebelde. Pwedeng gamitin ito ng pamahalaan para mapalitaw ang ugat ng kriminalidad sa lalawigan na ito. Ni wala tayong testigo sa pagkakadakip ng dalawang opisyales dito, ni Captain Altarejos at Kernel De Dios. Aba! Mas lalo tayong katawa-tawa nito sa bagal at labo ng imbestigasyon. Hihintayin pa ba nating tirahin tayo ng media?" Tinanggal nito ang eyeglasses sa mga mata niya,"Bibigyan ka namin ng sapat na panahon Lieutenant Colonel Saragosa, pero kapag walang nangyari, mapipilitan kaming palitan ka at ilipat sa ibang command. Is that clear?"

"Yes, Sir!" agad na tugon ni Bossing.

Nakaalis na't lahat-lahat, narito pa rin kami sa meeting room. Nakakuyom ang mga kamay ni Bossing. Marahas na bumubuntong-hininga.

"Bossing. . ." tawag ko sa kanya.

"Did you do what I asked?"

Agad na tumango ako,"Wala akong nakita Bossing. Mukhang hindi naman nagsisinungaling si Brennan."

Lumingon ito sa akin,"How about your girl?"

Umismid ako sa tanong niya, "Hindi kami, nagbago na isip ko."

"Tsk!" he replied.

"May pupuntahan ako-"

"Honey!"

Matinis na sigaw ng babae, nagtatatakbo pa ito patungo kay Bossing. Napailing na lang ako. Iba talaga karisma ng isang Tenyente Koronel.

"Hi Rashid!"magiliw na bati niya sa akin.

"Oyy Nesha! Naparito ka?"

Nakakunot na naman ang noo ni Bossing. Bad trip na'to panigurado.

"I just came here to visit Zandro. He seldom replied my messages kasi, e." matinis nitong tugon sa akin.

Peke akong napangiti sa kanya, kung siguro nandito lang si Jem, kanina niya pa 'to binanatan.

Ngumisi ako at kapagkuwan ay humarap kay Bossing,"Permission to leave, Sir." saad ko at sumaludo sa kanya.

Tumango ito, pagkatapos ay agad akong naglakad papaalis. Lumitaw ang babaeng iyon simula ng mawala sa buhay namin si Jem. At hindi ko alam kung bakit hindi naaalibadbaran si Bossing sa babae'ng iyon. Napailing na lamang ako ng ilang beses.

Dumirecho ako sa kampo namin, whistling and feeling the vibes when someone caught my attention. She's talking and laughing with the other soldiers. Umirap ako sa kawalan, naglakad paalis- huminto ulit. . .at marahas na bumuntong hininga. Mabilis akong naglakad sa direksiyon nila, hinaklit ang braso nito at kinaladkad sa pribadong lugar.

Nang magtama ang mga mata namin, galit ang namumutawi sa kanya. Aba! Ako dapat ang nagagalit sa aming dalawa. Bago pa ako makapagsalita ay malakas na tumunog ang cellphone nito sa bulsa.

Hindi man lang ito natinag, mariin pa rin ako nitong tinititigan. Ang ginawa ko ay sapilitang kinuha ang telepono sa bulsa ng suot niya. Nagpumiglas pa ito at matalim akong tinignan.

"Give it back to me!" singhal niya sa akin.

Hindi ko ito pinansin, napadako ang tingin ko sa tumatawag sa kanya. What the fvcking hell! Who's love is this? What the hell!

Nag-init ang ulo ko kaya masama ko siyang tinignan,"Who the fvck is this? Bago mong lolokohin?"

She rolled her eyes and instantly grab her phone in my hand,"Ano naman sayo? Mind your fvcking business, jerk!" bulyaw niya ulit sa akin at tumakbo papaalis.

What the hell actually happened? Baka isipin no'n, nagseselos ako.

'Di nga ba, Rashid?

Shattap Author! No way! Bakit ako magseselos sa manloloko? Did she just found her new love? Motherfvcking hell!

Ginulo ko ang buhok at inis na inis na nagmartsa papaalis. Bwisit!




Wesley Mondrino

"Ano, pre? Nakakuha ka na ng impormasyon?" bungad ni Conrad sa akin pagkapasok ko pa lang sa headquarters namin.

I heave a long deep sigh and shook my head,"None. Ang galing niya maglinis ng kalat, bud. Halos hindi na nga ako matulog para lang ulit-ulitin ang footages. Masiyadong tago ang hitsura niya at nakakapagtaka lang kung bakit hindi niya tinuluyan si Kernel."

Hindi nagsalita si Conrad sa tugon ko sa kanya. Umupo ako at agad na nilabas ang laptop na dala.

"Kung mga rebelde iyon, wala silang ititirang buhay. Papatayin agad iyon. Doon ako nagtataka, at saka dagdag pa na hindi sila nanghingi ng ransom o kung anomang kapalit. Ikaw ba? May ideya ka na ba kung sino?" saad at lingon ko sa kanya.

Bumuntong-hininga ito at tumingin sa akin at umiling," Ang napansin ko lang, payat ang pangangatawan niya kumpara sa katawan ng mga lalaki. At kung pagmamasdan mong maigi, ang liit ng mga kamay niya. Kaya talagang hula ko ay babae iyan." desididong saad nito.

Napaisip ako sa mga sinabi niya- posible iyon. Agad kong pinanuod ulit ang footages sa laptop at sinuri ito ng mabuti.

Simula umpisa hanggang dulo, pinipindot ko pa iyong pause para makita ng maigi at zino-zoom para matignan kung tama ba hula ni Conrad.

And fcck! He is right! Paanong? Naisahan kami- ang malala pa, babae ang nakagawa ng lahat ng ito.

Pinagmasdan ko ito ng maigi, the way she stand and walk, very familiar. Kinilabutan ako sa naisip, imposible!

                                          <♡>

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now