Chapter 19

37 2 0
                                    

Nakangisi lamang ako sa nanghahamon na Tenyente. Mukhang nakainom- at this early hour, nakapag-inom pa siya. I smirk to him and I wonder what makes him to do this? Nabaling ang atensiyon ko sa lalaki ng mabilis itong naglakad palapit sa akin at kinwelyuhan ako. I didn't bat an eye and I even mocked his expressions. In that way, I could avenge myself even just a little.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Dahil sayo natanggal ako sa serbisyo!" sigaw niya sa mukha ko.

I surpressed a smirk and shrug," Tenyente, hindi ko na ho kasalanan kung masiyado kayong gahaman sa pera. Kung sana naging tapat at masunurin kayo sa batas, hindi na sana kayo nagkakaganito ngayon."

Mas lalo itong nagalit sa tinuran ko. What? I'm just stating the facts here, anyway.

"Tinuluyan na lang sana kita!"

Humigpit ang pagkakahawak nito sa uniporme kong suot. Nakatitig ako sa kaniya ng malalim. At hindi ko ipapakita sa kaniya na takot ako sa kaniya, na mas mataas siya sa akin. Frankly speaking, I am not really afraid of him.

Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang baritonong boses na matagal ko nang gustong marinig.

"Alcansore! What are you doing?! Let her go!" maawtoridad nitong saad.

I inhaled a large amount of air. Should I be happy that he is around now? Na pinigilan niya ang lalaking ito sa harapan ko? I gritted my teeth and composed myself. Why the hell am I nervous? I look up and surpress again a smile. I cannot tell if it's genuine or not. I just smiled to him and shook my head, saying I can handle this evil personified in front of me.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Tenyente at sinipa siya sa tiyan. I heard a loud gasps from them. What? Bago pa ba iyon sa kanila?

"Pasalamat ka Tenyente na may konting respeto pa akong natitira para sayo. Sa totoo lang, kaya'ng-kaya kong wakasan iyang buhay mo. But- I wouldn't do that. Hindi ko na babahiran pa ulit ang mga kamay ko para lang maipaghiganti ko ang lahat ng kahayupang ginawa niyo. Sana lang, magbago ka na. Hindi sa lahat ng pagkakataon nasa taas kayo. Hindi natutulog ang karma, Tenyente."madiin kong saad sa kanya.

Pagkatapos kong sabihin iyon, ay agad kong nilisan ang lugar na iyon. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makalayo-layo na ako sa kanila, lalo na sa kaniya. Para kasing nananariwa na naman, bumabalik lahat ng napag-usapan namin.












After that scandalous scene, Brigadier General gathered us in a meeting room. Katabi ko ngayon si Rashid sa kanan, at sa kaliwa ay si Canna. Natatawa na lang ako sa mga matatalim na tinginan nila sa isa't-isa. Grabe! Parang end of the world na iyong susunod. Nabalik lang ako sa huwisyo nang dumating na si General at umupo ito sa harapan namin. Nakakatakot naman itong biruin.

Pinag-usapan lang namin ang tungkol sa nangyari kay Tenyente Alcansore. For sure, may panibagong misyon na naman. I was caught off guard when General congratulated Zandro about his upcoming engagment party.

Natahimik ang buo'ng paligid, kapagkuwan ay tumikhim ng malakas si Rashid at ngumiti. Siraulo talaga! Alam kasi nilang lahat na nagkaroon kami ng relasyon ni Zandro. I groaned inwardly and heave a sigh. Ngumiti ako ng pilit at nilaro-laro ang ballpen sa kamay. Napalingon ako kay Canna nang tapikin nito ang balikat ko. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin. I nodded as my response.

Pangit talaga ka-bonding ni General!

"Congratulations in advance, Sir. Best wishes." segunda ng isang sundalo.

Hindi ba nila makitang nasa harapan nila ako. Sinasadya, ganun? Palihim kong hinilot ang aking sentido at bumuntong-hininga. Pinapamukha talaga!

"Swerte mo Tenyente kay Nesha, maganda na mabait pa." dagdag ng isa pa.

Nakita ko ang pagngisi ni Canna at ang pag-iling-iling ni Rashid at Brennan.

"Yeah. Indeed!" Zandro said and smiled.

Huminga ako ng malalim, pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo ako. Tutal tapos naman na ang meeting. Bakit pa ba ako nandito? Sumaludo ako kay General at ganoon din ang ginawa niya.

Pagkalabas ko sa silid ay malakas na hininga ang pinakawalan ko. Nababara ang lalamunan ko sa mga sinasabi nila.

Pilit kong pinapakalma ang sarili habang naglalakad ng dahan-dahan. Bakit parang masakit pa rin? Tang ina! Hindi na talaga tama 'to. Ako lang iyong nasasaktan eh.

"Sarhento!"

Napahinto ako bigla, nilingon ko ito- at napaawang ang labi ko ng makita ang babaeng mahal na mahal na ngayon ni Zandro.

Should I be civil?

Nesha Rincoln- she is indeed pretty, fair skin, rosy lips and almond eyes. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa ganda niya. Kaya inggit na inggit ako kapag naalala ko ang mukha niya dati, ngayon pa kaya na nasa harapan ko na siya.

Lumapit ito sa akin na malapad ang ngiti, nang makalapit ay inilahad nito ang kamay," Hi. I'm Nesha. . .Nesha Rincoln. It's so nice to finally meet you, Sergeant." she said.

Ngumiti ako pabalik at tinanggap ang kamay niya," Hi. Jemina. . .Jem na lang. Nice to meet you too." I answered nervously.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, hindi ba dapat ay siya iyong kabahan at mahiya.

"Ahmmm. . .Jem, I'm sorry."

My lips parted again of what I've heard from her. Sorry?

"Huh? For what, Nesha?"

She look to me with pity on her eyes," For loving your man. I'm sorry. Mahal na mahal ko si Zandro. Kahit ano'ng iwas at tulak niya sa akin papalayo. Mahal ko pa rin siya, kaya sorry. Alam kong mali ito'ng pakiusap ko sayo. Pero- pwede ba'ng lumayo ka na sa kanya kapag lalapit sya? Pwede ba'ng huwag mo na siyang papansinin kapag nagkita kayo?"


Bumilog ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Goodness! Is she that desperate to come over here and beg?

"I am begging you, Jem. Nararamdaman kong nagugustuhan niya na ako. Pero kapag nakikita ka niya, parang wala na ako sa harapan nya-"

"Teka! Mali ka! He loves you. Ano bang pinagsasasabi mo?" I said to cut her off.

Umiling ito at naluluha itong nakatingin sa akin," Mahal ka niya, Nesha. Hindi mo na kailangang magmakaawa sa akin."

" He doesn't love me anymore. Galit siya sa akin at ayaw na niya akong makita. He loathe me and that's the truth, Nesha."

Masakit pala talagang sabihin iyon. Na kahit anong pilit kong kalimutan iyon, bumabalik pa rin.

" Please, promise me. Promise me that you won't be with him, ever again."

Napaarko ang kilay ko," Nesha, kung ayaw sa akin ng tao, hindi ko ipagpipilitan iyon. Marami na akong problema sa mundo, ayoko ng dagdagan pa. Kung gusto mo, sa kaniya mo sabihin iyan. I'm really tired, please spare me with this."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong naglakad palayo sa kaniya at pinalis ang luhang pumatak sa pisngi ko. Anong akala nila sa akin? Hindi nasasaktan, ganoon ba iyon?


Bakit niya kailangang sabihin iyon sa akin? Nasa kaniya na nga iyong tao, eh. Bakit pa kailangang ipamukha at saktan ako ng ganito? This is really suffocating and tiring!

Bago pa ako makapasok sa silid namin ni Canna, nakita ko na si Zandro na nag-aantay sa labas ng pintuan. Anong ginagawa niya rito?

Lumapit ako rito at tinignan siya, " Anong ginagawa mo rito?"

Napalingon agad ito sa akin, seryoso ang mga mata at walang halong biro. Nakatitig lamang ito ng malalim sa akin at hindi man lang kumukurap.

Mas lalo akong nagulat sa ginawa niya. . .

<♡>

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now