Chapter 30:

8 0 0
                                    

Bago pa nito makuha ang baril ay agad kong binaril sa binti ang Boss nito. Dinig ko ang hiyaw nito sa sakit.

"Isang galaw pa, sisiguraduhin kong paglalamayan 'tong Boss niyo."

"Putangina! Ano pang inaantay niyo, pakawalan niyo sila?! Aantayin niyo pa bang mamatay ako!" singhal sa kanila ng Boss nila.

Naaligaga naman ang mga tauhan niya, agad na pinalabas ang mga biktima,  nagtakbuhan papalabas ang mga ito. Bitbit ng mga doktor at mga nurse ang mga batang pasyente, kasama na rin ang mga matatanda.

Ngayon ay anim na lang kaming natitira dito sa loob.

"Pakawalan mo na ako, ang usapan ay usapan." singit ng kumag.

"Lugi naman ako no'n, alam ko na ang mangyayari sa akin. Kapag pinakawalan kita, papatayin niyo ako. Kapag hawak pa kita, sunud-sunuran iyang mga tauhan mo na parang aso. Pero, dahil may isa akong salita, gagawin ko." ngisi kong saad sa kanila.

Agad ko siyang binitawan, iika-ika itong inalalayan ng mga tauhan niya. Tinutukan ako ng mga ito ng baril.

Ngumisi lamang ako sa kanila, at kahit kinakabahan ay nanalangin ako na sana ay dumating sila Rashid. Naiwala ko ang earpiece, siguro ay nalaglag iyon habang tumatakbo ako kanina.

Hindi na ako makaalma nang tutukan ako ng baril sa noo ng isang tauhan niya, ang isa naman ay itinali ang mga kamay ko at paa. Well, hindi naman ako takot mamatay, pero sisiguraduhin kong mauuna muna sila bago ako.

"Now tell me! Sino nag-utos sa inyo?"

Ngumisi iyong Boss nila, "Ngayon pa lang magdasal ka na. Dahil sa oras na makaalis kami dito, ikaw ang una naming papatayin."

I smirked inwardly, "Do you think I am scared? Think again, Mister. Sa dami ko nang pinagdaanan, sa dami ng kriminal na nahuli at napatay ko, wala pa 'to sa kalahating nangyari sa buhay ko. Kaya kung ako sa inyo, pakawalan niyo na ako bago pa ako ma-bored. Trust me, hindi niyo magugustuhan kapag ako ang na-boring dito." Babala ko sa mga ito.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang takot na lumukob sa kanilang lahat.

Humalakhak ako, pagkatapos ay masamang tumingin sa kanila, "If you want your body parts attach to your body, I suggest you better let me go."

Agad na lumapit sa direksiyon ko ang isa, at malakas akong sinampal. Namanhid ang pisngi ko sa ginawa niya, nalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng labi ko.

"Marami na akong pinatay at napatay, iyong iba tinadtad ko ng bala, pinugutan ko ng ulo, at iyong iba naman ay nilibing ko ng buhay. And the other one, I chopped his hands, legs, all of his body parts. At ipinakain ko iyon sa mga buwaya."

Nanlilisik na nakatingin na ngayon ang Boss nila. Hindi ito makagalaw dahil nilalagyan ng gaza ang binti nito ng isa niyang tauhan. And I am really enjoying this.

"So, let's negotiate." I authoritatively said.

Agad na umiling iyong Boss, itinuro nito sa tauhan niya ang megaphone sa lamesa at kinuha naman ng siraulo.

"Ibigay mo sa kaniya at pagsalitain mo."

Agad naman nitong sinunod iyong utos ng Boss niya.


Rashid Venturino

Kanina pa ako hindi mapakali, palakad-lakad na ako sa harap ni Wesley. Hindi pa rin namin makausap si Jem.

"Ano pre? Nakausap mo na ba?"

Umiling ito," She's not answering my goddamn questions! Fcvk! Ano nang gagawin natin, pre? Baka mapahamak si Jem!"

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now