Sinipa ko iyong maliliit na mga bato sa likod ng chapel, napamura ako ng malakas sa nangyari kanina. Ako pa talaga ang may kasalanan, ako na nga 'tong iniwan sa ere, ako pa ang mang-aagaw. Siraulo pala 'yon, eh!
Gusto ko nang katahimikan sa buhay tapos bigla siyang dadating, dadagdag pa sa mga problema ko. Bwisit!
Napahilamos ako sa mukha, naiinis na naman ako. At alam kong masama sa akin ang mainis. I inhale and exhale, collecting my inner thoughts. Baka sakaling, kumalma ako.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
Napaigtad pa ako sa nagsalita sa likod ko, nang lingunin ko, nakangising Rashid kasama ang taong matagal ko nang hindi nakikita. Nanlaki ang mga mata ko, nang makabawi ay agad ko itong dinambahan ng yakap.
"Tang ina! Ano'ng ginawaga mo dito, Calem?" natutuwa kong tanong sa kaniya.
Ngumiti ito, "Namura pa ako," tawa niya, "Binibisita ka, nalaman ko kay Gia na buhay ka. Actually, last week pa sana, kaso iyong Misis ko nag-iinarte pa, kaya sinuyo ko pa ng sinuyo. Well, anyways, how are you young lady?"
Ngumiti ako, "Humihinga pa naman."
"Pasensiya ka na at late ako lagi sa mga nangyayari sa'yo." dagdag niya pa.
Ngumiti ako, "Naku! Wala iyon, ang laki ng naitulong mo sa akin noon, Calem. Hindi pa nga ako nakapag pasalamat sayo ng maayos, eh. Kaya. . . .salamat, salamat ng marami." ngiti ko sa kaniya.
Tumango ito, "Walang anuman. Ikaw pa ba. E, ang lakas mo sa akin, eh. Basta para sa ikakasaya mo."
Niyakap ko ulit ito at nginitian, isa si Calem na tumulong sa akin noon. Nakakatuwa lang na hindi niya ako nakalimutan.
Nagkayayaan kumain sa isang resto malapit sa chapel ang mga kupal. Katabi ko ngayon sa kanan si Canna at sa kaliwa ay si Calem.
"Tang ina, pre! Nag asawa ka lang kumukulubot na iyang mukha mo." biro ni Conrad kay Calem.
"Tanga! Sa gwapo kong 'to, eh , asawa ko nga patay na patay sa akin." saad ni Calem.
Tumawa naman ang mga kupal maliban kay Zandro na malalim ang iniisip, hindi pa nga niya nagagawang kainin iyong pagkain sa plato niya. Tumikhim si Calem, napansin siguro niya'ng wala sa mood ang Bossing nila.
"Ahmm. . .bossing. . .may problema ba?"
Nagulat pa si Zandro ng tanungin siya ni Calem, umiling ito at pinag-tuunan ang pagkain sa plato.
"So, Jem , ano palang nangyari sa'yo sa limang buwan na wala ka sa headquarters? Ikwento mo naman sa akin." Saad nito at ngumiting nakatingin sa akin.
Nagkatinginan kami ni Canna, biglang tumahimik ang paligid namin. Na para bang inaantay nila akong magsalita. Umiling lang ako, hindi ako nakasagot.
"Ikaw pre, kwento mo naman iyong buhay may asawa." hirit ni Brennan.
Alam kong nakuha niya ang pagtahimik ko bigla. Ayoko pa. Ayoko pa'ng sabihin sa kanila, si Canna naman sa paligid ay tumahimik din.
Tuloy-tuloy lang magkwento si Calem, siguro nga'y hindi pa sinabi sa kaniya na naging rebelde ako. Baka ang alam niya lang ay nakaligtas ako at may kumukupkop sa akin.
"Aling Selya. . ."
Natuod ako sa aking kinauupuan, namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Zandro. Kahit si Canna ay hindi maka-imik.
"Sino si Aling Selya, bossing?" agad na tanong ni Wesley.
Dumapo ang tingin ni Zandro sa akin, malamig at nakakamatay na tingin. Nakakalusaw.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe went head over heels to fight for what is right. Killing means tearing her soul, however, it's the best way to end all criminals who had no guilt and pity to others. Sergeant Jemina Claire is back! Vengeance took over her soul to end the existen...