Chapter 6

17 1 0
                                    

Brennan Legazpi

Kinabukasan. . .

Inaasikaso naman agad ako ng military Doctor na kaibigan ni Bossing. Mariin itong nakatitig sa akin, buti pa si Canna ay easy lang at nakangisi lamang sa akin.

Nang matapos akong gamutin ay umalis na ang Doktor. Tumayo si Bossing at tinitigan ang mapa sa lamesa ng buong silid namin.

"Who helped you, Legazpi?"

"Ako ang tumulong sa kanya, Sir." Canna said with determination.

Tumaas ang kilay ni Bossing, "And you expect me to believed that, Castro?"

Napalunok kami pareho ni Canna. Tangina! Ito na nga ba sinasabi ko. Mabilis makaamoy si Bossing. Mabilis siyang makapick-up ng sitwasyon.

"Answer me honestly!" sigaw niya sa aming dalawa.

Hindi naman kumibo ang mga siraulo. Mataman rin kaming tinititigan. Holy mother of God, save us!

Bago pa ako, makapagsalita ay biglang pumasok ang mga tauhan ni Bossing. Hingal na hingal at takot na takot.

"What happened?"

Kuryuso akong nakatingin sa mga dumating.

"Sir. . .wala ho sa opisina niya si Kernel."anunsiyo ng isa.

Kumunot ang mga noo naming lahat.

"Ang hula ho namin ay may dumukot sa kanya. Pagkapasok namin sa opisina niya, gulong-gulo at nagkalat na mga papeles sa sahig." paliwanag ng isa.

Dahan-dahan akong napasulyap kay Canna. Nang magtagpo ang paningin namin, parang alam na namin kung sino ang may gawa.

"Fvck! Find him, quickly!"

Agad na sumaludo ang mga ito at umalis na. Lumingon si Bossing sa akin, maging kay Canna.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap,"lumingon ito kay Rashid at tumango, hinarap si Wesley,"Wesley, check the cctv footages."

Agad na lumabas si Wesley, nakahinga ako ng maluwag do'n ah.

Pabalik-balik ang lakad ni Bossing sa harap ko.

"Baka sindikato ang dumukot kay Kernel, Bossing." sambit ni Conrad.

Hindi kumibo si Bossing, seryoso itong nag-iisip ng biglang dumating si Wesley.

Ang bilis naman!

"What did you find?" agad na tanong ni Bossing.

Nilapag ni Wesley ang laptop na dala, tumayo ako at sumilip rin. Nanlaki ang mga mata kong klaro'ng-klaro ng buo kung sino ang nasa camera. Sa tindig, ayos at kilos. Hindi nga ako nagkakamali, si Jem nga. Pero bakit si Kernel ang kinuha niya? Hindi ba dapat ay ang kalaban namin. Mas lalong bumilog ang mga mata ko ng mapagtantong, baka kasapi nga si Kernel.

"Find that culprit, Wesley. As soon as possible!"komando ni Bossing.

Napaatras ako sa mga ideyang naglalaro sa utak ko. Holy shit! Kaya ba ayaw magpakita ni Jem, kasi nasa loob mismo ang totoong kalaban niya. Fvck!

"Sa tingin mo, Bossing? Sindikato ba?" tanong ni Rashid na dumating.

Umiling si Bossing. Kinakabahan na tuloy ako, talagang lagot kami ni Canna kapag nagkataon. Napalingon kaming lahat ng tumunog ang telepono malapit kay Conrad. Kinuha niya ito, agad na ibinigay kay Bossing. Konektado naman ito sa isang pc para ma-trace kung nasaan ang lokasyon ng caller.

"Who the fvck are you? Tell me!"

Napaigtad pa ako sa lakas ng sigaw ni Bossing. Galit na galit siya.

"What do you want? Kailangan ko munang makausap si Kernel kung totoo ngang nasa sayo siya." seryosong saad ni Bossing.

"Don't fvcking play with me, kapag nalaman ko kung sino ka. I will really kill you!" sigaw na naman niya.

Napaawang ang labi niya, kumurap-kurap ng mapagtantong wala na siyang kausap.

Lumingon ito sa gawi nila Conrad,"Nahanap niyo?"

Umiling ang dalawa,"Fvxk!" singhal ni Bossing.

"Nakatunog agad siya Bossing, mukhang alam niyang tine-trace natin ang location niya." saad ni Rashid.

Hindi na ulit kumibo si Bossing. Padarag itong umupo sa silya at hinilot ang sentido.

"Legazpi, you tell me what happened to you back, then!"

Akala ko saka na niya ako kakausapin patungkol roon. Lumunok ako ng ilang beses, at tumango sa kanya.

"Answer my damn question, who helped you to escape?"

Huminga ako ng malalim,"Isa sa mga tauhan na dumukot sa akin. Nico ang pangalan. . . "

Kumunot ang noo nito'ng tumingin sa akin, hindi na ito nagsalita pa. Agad siyang lumabas, kaya nakahinga ako ng maluwag.


Jemina Claire

Hindi na ako nakaalis nang makitang papasok sa headquarters si Kernel De Dios. Mukhang nailipat siya ng destino. Ngumisi ako, mukhang mapapaaga ang plano ko sa'yo. Agad kong inayos ang mga gamit, kinuha ang mask at isinukbit ang duffel bag na dala. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa isang sundalong nagbabantay sa gate. Nang makalapit ay agad ko itong pinatulog, kinaladkad papalabas, hinubaran ng uniporme at isinuot ko.

Dire-direcho kong hinanap sa loob ang opisina ni Kernel. At hindi naman ako nahirapan, agad kong pinasok ang loob nito. Buti na lamang ay hindi ako natagalang buksan ang pintuan. Ipinalibot ko ang buong paningin sa opisina nito. Nang makarinig ng mga yabag, agad na nagtago ako sa ilalim ng lamesang malapit sa lamesa din nito. Mukhang lamesa ito ng katiwala niya.

"How's Lieutenant Saragosa doing, Mortel?" saad nito pagkapasok pa lamang niya.

"Wala namang kahina-hinala, Sir. Mukhang sa ngayon ay inaasikaso niya ang isa sa tauhan niyabg sugatan."saad ng lalaki.

"Nakakapagtaka talaga na nabuhay pa iyon at nasagip. Mabuti pa ay gawin mo na ang ipinagagawa ko sayo."

"Yes, Sir!" tugon nito.

Nang marinig ang pagsara ng pinto, ngumisi ako. Kita kong umupo na ito sa kanyang silya at nakaharap sa bintana. Nakatalikod na sa akin. Dahan-dahan akong tumayo, ni-lock ang pintuan at lumapit sa kanya.

Agad kong tinutukan ng baril ang sentido nito. Ramdam ko ang pagkagulat niya at ang talot na bumalatay sa mukha nito.

"It's good to see you, Kernel! Masiyado na kitang na-miss." malamig kong sambit sa kanya.

"Sino ka? Ano'ng kailangan mo sa akin?"

I chuckled,"How's sad. . .you forgot me so easily."

"It's me, Kernel. You're obedient Sergeant."tugon ko sa kanya.

Natuod ito sa kinauupuan niya na lubos kong kinagalak. Dumagundong sa buong opisina niya ang halakhak ko.

"Naniningil na ako, Kernel. Tama na ang palugit na ibinigay ko sayo."

"F-faustino. . .paano'ng. . ."nauutal nitong saad.

"Paanong nabuhay ako? Well, hindi ko rin alam. Siguro'y binuhay pa ako ni Lord para parusahan ang mga may sala sa akin at sa mga mamamayan."

Nagitla ako ng sikuhin niya ako at pilit na inaagaw ang baril. Nagpagulong-gulong kami sa sahig, inambahan ako nito ng suntok, buti na lamang ay nasalag ko iyon. Agad ko siyang sinipa sa tiyan, nang makatayo, tinuhod ko ito sa kanyang panga, dahilan ng pagkakawalan nito ng malay.

"Weak!" I uttered.

Inakay ko ito, nag-iisip kung saan dadaan papaalis. Ibinaba ko muna ito, kinuha ang tranquilizer sa loob ng bag at agad na inihagis sa labas. Dinig ko naman ang sigawan at nagmamadaling mga sundalo papaalis. Nang makahanap ng tiyempo, agad kong inakay ang lalaki. Hingal na hingal akong ibinagsak sa loob ng sasakyan na ginamit ni Canna kanina si Kernel. Ang bigat, at hanggang ngayon ay tulog pa rin.

Agad kong pinaandar ang sasakyan at naghanap ng pagtataguan.

Humigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala lahat. This time, I ruled!

                                          <♡>

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now