[150531] Chapter 12-

90 6 5
                                    

[Hani's POV]

Yes! Walang Xenon para sa dalawang linggo! Walang Xenon! Yehey! Nyetang bata iyon, ginawa pa akong fake girlfriend. Ang sarap hambalusin, buti sana kung kasing gwapo ni Adam Levine 'yan eh, eh hindi. Tch.

Hindi ko alam pero may mali sa paligid na ito eh, alam kong may hindi tama dito. Simula pa lang nang makaapak ako sa loob ng paaralan na ito, gano'n na ang nangyayari.

Sobrang takot ang mga estyudante na ilipat sa 4-A kapag magf-fourth year sila dahil cursed section ata ito kaya ang mga nasa 1-A, 2-A at 3-A, todo aral para 'pag 4th year na sila ay hindi sila mapapunta dito. Halata din ang pang-aapi at pang-aalipusta nila sa mga estyudante at pati guro. Mga hayop. Demonyo lang ang magp-plano ng ganitong kalala.. at ang demonyo na iyon ay si Sir Westville. May pinagmanahan nga si Xenon.

"Hey cupid has shot my heart! Turn around and shot my heart!",rinig kong pagkanta naman nila Mayu at Yssa habang sumasayaw sa gilid.

Nagkakatuwaan naman sila nila Stale at Aron, habang nasa isang tabi lang si Ria at nakatingin kay Xepher. Magkadaldalan sina Zephyr at Mine tapos magkakasama sina Abrylle, Sahara at Cynthia. Pero pansin ko na may kulang pa sa klase ko...

"Ma'am! Pumunta kayo ng 4-A sa auditorium! Urgent po!",biglang sigaw ng estyudante.

Tumango ako at dinala ko silang lahat sa auditorium pero laking gulat ko nang makita ko na isa pala itong video at..

"Thunder!",sigaw naman ni Jasper na nanlamig sa takot.

Kinukuryente at pinapahirapan si Thunder. Parang sobra itong pinahihirapan..

"Any last words?"

"Y..You only live once.. Y..Yolo."

Halos umiyak na si Jasper sa mga nakikita niya at trinatry na kumalma nilang lahat pero hindi, mukhang close silang lahat for a short period of time. Umiiyak 'yong iba at tahimik lang iyong iba hanggang sa matapos ang video.

"Kaya pala tumawag ang mommy mo kanina sa akin na hindi pa daw umuuwi ang baby boy niya. Nag-aalala pa siya dahil baka basa ang likod mo at wala kang sapin sa likod. Baka amoy mandirigma ka daw at naiwan mo daw ang cologne mo. Baka nagpakasparta ka at nakipagbugbugan kagabi. Hayop naman eh. Sino bang putangina ang gumawa niyan sa iyo!?",naiinis na sigaw ni Jota na naiyak na lang sa inis.

"Damn! Damn!",sigaw naman ni Daewon,"Paano na 'to!? Paano a ang YOLO!? Hayop naman bossing eh! Paano na ang sipaan portion natin with matching takbuhan at tulakan pa papunta dito sa Westville dahil ang mahuli ay mukhang goby fish? Paano na ito?"

The Class of the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon