Chapter 20- Torment

82 4 3
                                    

[Third Person’s POV]

Pumasok naman ang 4-A na parang walang nangyari nang sumunod na linggo. Tahimik silang umupo sa upuan nila at ni hindi man lang mapatingin sa harap ng classroom dahil naalala nila kung paano kitilin ni Daewon ang sarili niyang buhay sa mismong harap ng classroom nila.

“Morning”,bati ni Cynthia pero pansin niya na hindi okay ang mga classmates niya kaya napasinghap na lang siya.

Pumunta naman si Sahara kay Ria, Aron, Yssa at Stale na inaya niya papuntang cafeteria nang makasalubong nila si Xenon na napangisi kaagad.

“Ria!”,tinawag niya ito.

Humarap naman si Ria at tinignan siya kaya lalong napangiti nang napakalapad.

“Woah!”,sambit nito na parang namamangha.

“Ha? Bakit?”,tanong naman ni Ria.

Ngumisi siya,“I thought you’re an angel from heaven..”

Mistulang mas nawala sa mood sila Cynthia, Yssa, Aron, Stale at Ria habang tinitignan nang napakatalim si Xenon.

“If it’s okay..”,pinat niya ang ulo ni Ria,“Can I be your wings?”

“Magp-pick up line na nga lang, ang corny pa! Tara na nga,Demitria.”,sambit ni Yssa

“Nakakasira ng mood.”,asik naman ni Stale

Naglakad naman na sila palayo habang nakatingin sa kanila si Xenon na kaagad nag-iba ang ekspresyon habang inilabas ang isang folder.

“I trust you Demitria but why does it looks like I shouldn’t?”,bulong ni Xenon at napatungo na lang,“I guess I needed to use the contract against them. I won't let Dad win. I don’t want to lose this game..”

---
Dumating naman si Cindy para sa Physics class ng 4-A, habang nagtuturo siya, ikinagulat ang pagiging tahimik ng estyudante niya. Nasa isang gilid sina Yssa, Ria at Zephyr na kasalukuyan nililinis ang mga glass balls na nakadisplay.

“Sino dito ang nakakaalam ng ibig sabihin ng ‘hypnotherapy’?”,tanong niya habang binabasa ang nileleksyon niya.

Nakarinig naman sila ng pagkabasag ng isang bagay at pagtingin nila kay Ria, nahulog nito ang isa sa glass ball.

“Talagang ang lakas ng loob mong guluhin pa din ang klase ko,Ms. Gillermo.”,saad ni Ms
Cindy sa kanya,“At dahil d’yan.. explain what is ‘hypnotherapy’ to your fellow classmates.”

Nanginginig ang mga kamay ni Ria na napasinghap, agad naman ito napansin ni Zephyr at Mine.

“Ria, okay ka lang ba?”,tanong ni Mine sa kanya.

“Ms. Gillermo! I’m asking you what ‘hypnotherapy’ means!”,sigaw nito.

I...It is a therapy f..for patients t-to ease t-their stress or p-para pakalmahin a..ang mga patients using h...hypnosis.”,nauutal na sagot ni Ria habang hindi makatingin ng diretso sa isang lugar at nanginginig ang mga kamay.

“Oh, ba’t ka nauutal, Ms. Gillermo? Natatakot ka na ba sa akin?”,mapang-asar na tanong ng guro.

Nagulat sila nang tumakbo palabas ng classroom si Ria na agad sinundan ni Sabin, pupunta pa sana sila Stale nang mapailing si Yssa.

”That kid needs some time alone..”,saad ni Yssa.

Mine glared at Ms. Cindy,“It’s all your fault!”

The Class of the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon