[101115] Chapter 30- Madness Unleashed

93 4 0
                                    

[Murderer’s POV]

That’s the queue...

Oh gosh.

I can’t control myself right now. I’m so mad... I want to kill them..

Goddamn it..

Tumunog naman ang phone ko at agad kong sinagot ang tawag.

“Hello?”

[H-Hi.. K-Kuya.. natatakot na ko dito..]

Napayukom ako ng kamao, ang kapatid ko. Nandoon siya sa impyerno na ‘yon..

Onting tiis na lang,okay? Pagkatapos kong tapusin ang trabaho ko dito, kukunin kita d’yan. Kaunting tiis na lang.”,saad ko at napasinghal.

[K-Kuya... natatakot na ako..]

In-end ko na ang tawag ko. Ayoko na marinig pa ang iyak ng kapatid ko.. that kid had been through a lot. Mas impyerno kaysa sa akin.

That’s the reason why I adore Demitria.. parehas sila ng kapatid ko.. parehas na parehas.. pero si Demitria, malaya habang ang kapatid ko, nasa nakakatakot na lugar nayon.

Nanginginig ang kamay ko at nagpunta ako sa mismong rooftop. Walang bakas ng anuman.. parang walang tumalon dito para magpakamatay.

“I-Isa ka sa pumapatay?”

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Jedie na nakatingin sa akin. Namumugto ang mata niya at halatang umiyak siya..

Anong pakay mo?! Bakit mo kami pinapatay?”,sigaw niya habang nakayukom ang kamao.

Ngumisi na lang ako. At nagulat na lang siya nang agad ko siyang hampasin ng isang kahoy nang ubod nang lakas kaya nagdugo agad ang ulo niya at nawalan siya ng malay..

Wala akong interes na sagutin ang tanong mo.. ang masasabi ko lang ay nawa’y mabulok ka sa impyerno..”

Pinaghahampas ko siya ng kahoy kung saan-saan, rinig ang pagcrack ng buto niya at mga paghampas sa rooftop. Wala akong pakialam, naiinis ako ngayon. Patuloy ko siyang pinaghahampas, wala akong pake kung sa’n man siya tamaan ng mga paghampas ko. Pinagpatuloy ko lang ‘yon habang madaming bagay ang pumapasok sa utak ko.

The Class of the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon