[150604] Chapter 15- Celebrations

86 4 5
                                    

[Stale's POV]

Nakakainis. Walang forever. Nakakaselos si Kuya Zephyr, nakakadamoves kay Ate Mine. Crush ko pa naman si Ate Mine! Habang ang mga baliw kong kaibigan, ayun! Baliw pa din, mas malala nga ata ngayon eh. Sumasayaw silang apat ng spooky at weird dance steps, takas mental ata ang mga 'to. But still.. they're my friends. At hindi ko sila kayang iwan, buti na lang at iniwan ako ni Mom at Dad dito. They told me that having a friendship like this with these runaway mental asylum patients is like gold. At nagpapasalamat ako sa kanila.

It's been two weeks since that incident, pure drama ang nangyari eh. Pero seriously, sana walang nakapagvideo kung paano gumulong-gulong sa sahig sila Aron habang hawak ang tuhod ko. That would be too embarassing at baka maging viral pa sa SNS. Urgh.

"Si Stale, ang lalim ng iniisip. Selos kasi kanila Zephyr at Mine!",saad naman bigla ni Yssa sa akin.

"Hindi ah!",sambit ko naman at nagsitawanan sila.

"In denial pa ang mokong!",pang-aasar ni Aron sa akin.

"Hanap ka na nga lang kasi ng iba!",sambit naman ni Demitria este Ria for short pala since short lang din siya.

"Ewan ko sa inyo.",inubob ko ang ulo ko sa desk at tumunog na ang school bell.

Oo nga pala, since may iba't ibang weird na celebrations sa paaralan na ito, ngayon ang school festival na hanggang sa susunod na dalawang araw, since hindi naman kasali ang 4-A sa activities, we're here having lessons while the others are having fun. Saya eh 'no? Note my sarcasm.

"Kakain pa ba kayo or maghaharutan?",tanong ko kanila Ate Mine at Kuya Zephyr pero nakaheadphones pala sila at lumabas na ng classroom

"Thank you sa pagsenpaizoned sa akin ha!",I cried out loud.

Inakbayan naman ako ni Ria at Aron na tawa nang tawa.

"Don't worry, andito kami para sa'yo! Tiny trio for the win!",sigaw ni Aron at nagfistbump sa hangin.

Umakbay naman kay Ria si Yssa habang sa kabila naman ni Aron ay si Mayu. Napailing na lang ako, who needs lovelife anyway? Might as well give up on Ate Mine. She have Zephyr anyway.

"Ria~ Yoohoo~",rinig naming pagtawag ni Xenon kay Ria

Halos mawalan na naman ng kulay si Ria na naghahanap ng mapagtataguan niya at pagtingin niya sa isang cabinet dito sa classroom ay hindi nagdalawang isip na pumasok dito kahit madumi pa iyon. Dumating naman si Xenon..

"Nasaan si Ria?",tanong niya sa amin

"Mukha ba kaming information booth?",asik ni Yssa sa kanya.

"Nasaan kasi siya?",tanong muli ni Xenon

"Nasa earth.",saad ni Mayu.

"Nasa Philippines.",saad naman ni Aron

"Sa Westville High din.",sambit ni Yssa

Ang titino ng mga sagot ng mga ito eh 'no? Hay naku.

"Ano ba kasi ang kailangan mo sa kanya?",tanong ko.

"Dadalhin ko siya sa marriage booth, wala akong kapartner.",saad niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Yssa,"Ba't hindi mo na lang piliin si Ma'am Hani? Di'ba girlfriend mo siya?"

"Eh sa gusto ko si Ria eh",sambit naman ulit ni Xenon

The Class of the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon