Chapter 35- Before the final battle

57 2 0
                                    

[Stale's POV]

Napamulat ako, my head hurts. Pero napasinghap ako nang marealize ko ang nangyari. Darn it, ngayon ko lang napagtanto na nakatali ako at nakabusal ang bibig. Okay, now.. what should I do?

'Yong blade sa bulsa ko!! Agad ko naman triny na galawin ang mga braso ko at kinuha iyon. Matatagalan ako maputol ang tali na ito. Patuloy naman ako sa paghiwa ng tali pero napapamura ako sa hapdi dahil hindi na tali ang natatamaan ng blade kundi mismong balat ko. Wow, magmumukha akong naglaslas nito. How great. Patuloy naman ako sa paghiwa hanggang sa makawala ako doon.

"Oh shit.",singhap ko nang makita ko ang kamay ko.

Puno ng mga hiwa at nagdurugo nang sobra-sobra, agad ko naman hiniwa ang onting tela mula sa puti kong jacket at wrinap as bandage sa dalawa kong wrists. Napatingin ako sa paligid kung nasaan ako, isang puting kwarto. Puro puti lang, walang kadesign-design. Tangina naman oh. Ano ako? Tagamental lang?

Kinuha ko naman ang hairpin na nasa bulsa ko rin at triny na buksan ang pinto and I did it. Narealize ko kasi na talagang kukunin ng salarin ang mga gamit namin so talagang binulsa ko ang blade, pocket knife at hairpins na dapat nasa bag ko. Nasa sapatos ko naman ang isang tazer at isang swiss knife. 'Yong flashdrive a.k.a USB ko, di talaga siya gano'n, kutsilyo ito na maliit. See? Naging paranoid ako nang sobra kaya napabili ako ng mga iyan. I want to survive and save my friends.

Napansin ko naman na walang tao sa paligid pero may mga CCTV Cameras, ay shit. Bwisit! Paano ako ne'to makakatakas? Napasinghap naman ako.. oo nga! Pumunta ako doon sa mga route na wala akong nakikita na CCTV cameras para iwas peligro. At napakatahimik pa ng lugar, kinikilabutan ako. Hanapin ko kaya ang iba sa kanila?

Napatingin ako sa bawat kwarto at nakita ko sina Xenon, Hani, at Sabin na sigaw nang sigaw sabay pinakawalan ko sila kaagad.

"Kuya Sabin, bakit ka nandito?",tanong ko naman.

"Kidnapped. Bwisit, may inaasikaso ako eh.",naiinis na saad ni Sabin.

Napasinghal ako,"Kuya Sabin, alam mo bang buhay pa si Demitria?"

"Obviously yes. The two of us made her fake death.",saad ni Sabin sa akin at nanlaki ang mata namin,"We took a corpse from the asylum, dressed it up like what Demitria was wearing and let it fall along with some other stuff. Pretty great,right?"

Naiinis ako kay Kuya Sabin. Pero he did that to be safe along with Demitria. Hindi naman kasi sila kasing-yaman namin, may mga pamilya sila na talagang hindi mayaman. Bigla naman kinuwelyuhan ni Xenon si Sabin sabay napangisi ito

"What are you going to do? Sasakalin mo ko? Go ahead.",bored na sambit ni Sabin,"Guess what,Xenon? The fucking murderer had killed my whole family. Then kidnapped me here. Pretty fucked up,right?"

"What the.. Xenon,stop!",singhap ni Ma'am Hani.

Agad naman na binitawan siya ni Xenon at mistulang walang buhay si Kuya Sabin. Halatang umiyak siya nang umiyak.. he had been through a lot.

"Gusto kong gumanti but I know that I'll end up dead. Akala ko labas na kami d'yan ni Demitria.",saad ni Sabin at napasinghal,"Karma's a bitch, kinakarma kami.."

"Let's go find the others na lang.",pags-suggest ko.

Napatingin naman kami sa iba pang kwarto, nang makita ko si Aerial, nakahiga siya sa isang hospital bed at andaming nakakabit sa kanya na kung anu-ano.

"Aerial's suffering from asthma, kapag kinukulang siya sa hininga, aatakihin siya at.. sadly, baka ikamatay niya.",saad ni Ma'am Hani.

Pero nagulat na lang kami nang biglang napamulat si Aerial at nagpumiglas ngunit mistulang nauubusan siya ng hininga, triny ni Xenon na may pindutin sa makina kaso wala itong epekto. Nag-iiba na ang kulay ni Aerial, sign na nawawalan na siya ng hininga. Pero nang tumunog ang patuloy na 'beep', nawalan na kami ng pag-asa.

The Class of the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon