Chapter 34: Knock Out

43 3 0
                                    

[Xenon's POV]

I HAVE TO SOLVE THIS.

Demitria's life is in danger. And I won't let anyone hurt her. I've done a lot of bad things to her...this is my payback.

"Fuck.",singhap ko.

I want to cry nonstop. Bigla ko siyang nakalimutan.. kaya pala.. para akong nababaliw these past few days. Acting like that.. at kay Hani pa! Tangina Xenon Westville, you're an idiot! A fucking idiot!

"Stop crying.",walang buhay na asik ni Stale,"You shouldn't cry. Gago ka eh. But I can't blame you too, Demitria hypnotized you. She's too desperate to get you out of the game. Para sa ikabubuti mo rin kasi kung makakalimutan mo iyon. Well, wala akong pakialam."

Napatingin ako kay Rinon, may mga dugo mula sa kuko at ngipin niya, siguro niligtas niya si Demitria. This loyal dog..

"Rinon..",bulong ko at hinaplos ang ulo niya,"Thank you.. siguro tinulungan mo si Demitria. Sorry kung nakalimutan ko kayo... promise, gagawin ko ang lahat para mailigtas si Demitria. I'm so sorry."

Napatingin ako kay Stale na nasa loob na ng kotse ko. How infuriating.

"Well, Mr. Student Council President. Let's head back to the school, kailangan kong sabihin ito sa mga kaklase ko nang matapos na ang kahibangan na ito. Nakakapagod na. Ginugulo ng mga sira ulo na iyon ang buhay namin!"

Agad naman akong pumasok ng kotse at agad kaming bumalik sa Westville High, iniwan ako ni Stale para ipahayag ang mga detalye sa mga kaklase niya. Napatingin ako sa paligid.. napakadaya. Sobrang napakadaya. Ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon, kinuha ko ang pocket knife ko at naglakad patungo sa principal's office. Bawat hakbang, mas lalong nagiging mahirap para sa akin ang kumalma. Gusto kong malaman ang lahat.

"Mr. Westville! Bibisitahin ninyo si sir?",tanong ng guard ni Papa na nakaharang sa isang malagate na kailangan daanan para makapunta sa principal's office.

Tinignan ko naman siya at napaatras siya, napangisi naman ako bago ko siya ginilitan ng leeg, tumilamsik ang dugo sa paligid at humalandusay ang nangingisay pa na bangkay ng malaking guwardya na ito pero wala akong pakialam, inapakan ko pa ang bangkay niya para makadaan. I just killed someone..

Pagbukas ko ng opisina ay napatingin siya sa akin at pansin ko na nakangiti siya nang napakalapad.

"The blood looks good on you,Xenon.",saad niya sa akin.

"Shut up.",asik ko.

"Calm down,kid. Don't do things that you'll regret.",saad niya sa akin at ngumiti,"It looks like you've just commited your first murder. So.. how was it? How are you feeling?"

Napayukom ako ng kamao,"Yes,I did. It was nothing. Your no good for nothing guard was useless,anyway. I'm here to know everything and.. to kill you."

"My..my..",singhap niya at napatingin sa akin,"My son had grown up like a psycho I want him to."

"I'm not a psycho.",malamig na utas ko.

Humalakhak naman siya ng ubod nang lakas at ngumisi nang mas malapad. Nakakainis.

"Well, if you aren't a psycho. You should've felt remorse at the person you've just killed. I was watching.. you know the CCTV cameras are everywhere and you slit that creature's throat like it was nothing and walked at it!",sambit niya,"A normal person would panic if that happens to them but you.. no. And it was destined,Xenon. Embrace the insanity and let it succumb you!"

The Class of the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon