Chapter 27- Interrogation

76 3 0
                                    

[Xenon's POV]

I was waiting for Demitria in front of 4-A's classroom but.. I guess she's absent. Kakamatay lang kahapon no'ng Jota, I guess? At sabi ng guard, 4-A na lang daw ang natitira noon sa school. So that explains it all..

Kakausapin na namin sila Sabin at Demitria ngayon ni Hani. Gusto ko na din kasi malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa paligid.

Napangisi na lang ako nang makita kong naglalakad sina Demitria at Sabin, pero.. bakit hindi sila papasok ng classroom nila? Pasimple ko silang sinundan at pumasok sila sa principal's office.

Ano ang kailangan nila kay Dad? Triny kong itapat ang tenga ko sa pinto para mapakinggan ang usapan nila pero ang tanga ko. Soundproof ang principal's office.

And bihira lang may pumunta sa principal's office, kasi sa side kung saan nandoon ang principal's office, may dalawang matangkad na maskuladong guards na nagbabantay at tangi lang nitong pinapapasok ang mga nagl-lead ng bawat faculties dito sa school, siyempre ako at-





....mga magd-drop out ng paaralan na ito...

Agad naman na bumukas ang pinto kaya nakita kong napatingin sa akin si Demitria na napaiwas kaagad ng tingin pati si Sabin, tumingin naman sa akin si Dad at lumapit.

"Paano ba 'yan,Xenon? Aalis na sila sa paaralan na ito. Gusto mo bang tulungan kita,anak? Ayaw mong umalis si Demitria di'ba?",bulong niya sabay napangisi.

Aalis? Si Ria? Hindi p'wede 'to! Pipigilan ko siya! Oo! Hindi 'to p'wede.. agad naman akong tumakbo papunta sa kanila habang tinawagan ko si Hani

[Ano ba,Xenon? May klase pa a-]

I cut her off,"Listen, I don't care if you're going to do whatever you want but go in my office, immediately."

In-end ko nanan ang tawag at agad kong hinawakan ang braso ni Demitria para mapatingin siya sa akin

"Aalis ka na?",tanong ko.

Tumango siya

"Bakit?"

Napayuko lang siya kaya agad ko sila hinigit ni Sabin papunta sa kotse ko.

"Saan mo kami dadalhin,dude?!",singhap ni Sabin.

"Bago kayo umalis sa paaralan na 'to, may mga itatanong pa ako sa inyo!",sambit ko.

"Magd-drop out nga kami sa paaralan pero nagt-trabaho pa din naman kami sa inyo so p'wede naman siguro na next time na lang? Kukunin pa namin ang gamit namin.",saad ni Sabin

"Gusto ko ngayon na!",I whined at pina-andar na ang kotse.

Medyo malayo nga lang dito sa Westville High ang company ni Dad, which takes up two hours of driving dahil sa traffic at sa layo para makarating doon. Darn it, ang layo nga kasi eh!

Pagdating ko doon, nauna na pala si Hani at napatingin sa mga kasamahan ko.

"Magd-drop out na sila.",saad ko.

She gasped,"Bakit!?"

"That's what I wanted to know,too.",saad ko naman.

Tinignan naman sila ni Hani at napasinghap.

"S-Seriously, we need to go home. Aalagaan ko pa din si R-Rinon,please.",saad ni Demitria.

Umiling ako at dinala sila sa office ko, nandoon naman si Hani sa labas at nag-aantay. Nasa harap ko ang dalawang ito, ano ba kasi ang tinatago nila?

"Umamin na kayo,please?",sambit ko sa kanila.

"Wala naman dapat kaming aminin sa iyo",sabi ni Sabin sa akin.

Suminghap si Demitria,"Wala talaga,seryoso."

Tinapik ko ang balikat ni Ria,"Ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan ko,Demitria. Please don't do this to me, huwag kayong maglihim kasi maaaring iyon ang ikapahamak ninyo."

Tinignan nila ako na parang ayaw nilang maniwala sa akin, bakit ba?!

"Please, gusto namin umalis ng Westville High nang payapa.",sabi naman ni Sabin at napatingin sa ibang direksyon,"Umaalis na nga kami, ginugulo niyo pa din ang buhay namin. Please lang."

Napasinghap ako pero bigla na lang namatay ang ilaw at nagkaroon ng sigawan sa buong building at bumukas pero bigla akong nakaramdam ng sakit kaya napahiga ako sa sahig.. a-ano ang nangyayari?

"S-Sorry."

[End of POV]

[Hani's POV]

Hindi ko mabuksan ang opisina ni Xenon, nagkaroon ata ng black out sa buong building. Patuloy ko lang sinipa at sinipa ang pintuan but it's no use, seriously! Agad naman ako tumakbo mula sa malayo para dambahin ang pintuan at bumukas ito pero napatigil ako sa nakita ko..

Demitria was knocked out..

Sabin was a bit injured..

Xenon was unconcious..

And there was blood everywhere..

Ano ang nangyari!? Napatingin ako sa nakasulat sa dingding gamit ang dugo.. oo,dugo.. totoong dugo ito...


'Walang makakatakas ni isa sa inyo...'

Napatingin ako kay Sabin na nanghihina na din kaya inalalayan ko siya.

"Ano ang nangyari dito?",tanong ko.

He coughed,"Noong namatay ang ilaw, biglang may mga nanghampas ata sa amin. Buti n-na lang at nakailag ako, unfortunately, nakaalis na din ata."

I looked at him with disbelief. We were at the second floor of the building, how is that even possible!? Pero pagtingin ko sa bintana, oo nga. Basag ang mga ito...

ANO ANG NANGYARI!?

[End of POV]

The Class of the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon