[Zephyr's POV]
Nagtungo ako sa classroom and I saw Ria looked at me. Bakit? At absent 'to kahapon ah.
"Kuya..",he gave me a folder.
Pagtingin ko sa laman nito, nandito ang files tungkol kay Xenon at mga background niya. Just as usual, isa siyang honor student at multi-talented blah blah blah pero napatigil ako nang makita ko ang profile ni Sir Westville..
"Dating pasyente sa mental hospital si Sir Westville?",tanong ko sa kanya at tumango siya,"Saan mo ito nakuha?"
"Sa isa sa mga source ko kuya.. may posibilidad na si Xenon ang pumapatay. Maaaring nahawa din siya sa pagkabaliw ng tatay niya."saad ni Ria sa akin,"He's creepy as hell,Kuya Phyr. Natatakot na ako. Inaalam niya ang mga sikreto nating lahat! And he kept on annoying the hell out of me!"
I can sense that Ria had been awake all night yesterday. Para talaga siyang puyat.. halata ang dark circles eh.
"Bakit ka nga pala absent kahapon?",tanong ko.
Napasinghap siya,"Papasok sana ako nang hatakin ako ni Xenon papuntang mall. Kung anu-ano ang pinaggagawa niya, dapat may bago na akong maii-stalk na gwapong lalaki pero epal siya! Asar!"
Napachuckle na lang ako kasi para siyang batang hindi nabilhan ng candy. Yeah, I want a little sister but unfortunately, I'm the only child.
It seems that Xenon likes Ria too much that it bothers this kid a lot. Kawawang Demitria Gillermo. Bumalik naman ako sa upuan ko at binasa ang documents. Nothing special, to be very honest pero ang laking tulong no'ng binigay na files ni Ria. Galing ata sa Cross Mental Asylum ang files dahil iyon ang nasa taas ng mga files. Paano naman ito nakuha ni Ria?
"Ria, don't sleep in my class.",sita ni Ma'am Hani.
Napatingin naman kami kay Ria na nakaub-ob at tulog ata, nilapitan naman ito ni Ma'am Hani at napaatras.
"May lagnat siya ah.",saad ni Ma'am,"Pakidala siya sa clinic,dali. Ang init niya!"
"Tawagin natin si Xen-",saad ni Mine pero tinignan namin siya nang matalim. Mine naman eh, gamit-gamit din ng utak!
"Huwag. Baka biglang lumala ang sakit ng batang iyan.",saad naman ni Kuya Keiffer sa amin.
So hinayaan na lang muna ni Ma'am Hani na magpahinga si Ria sa klase. Ano ba kasi ang ginawa n'yan kahapon?
-----
Nagtungo ako sa library since wala naman ata si Ma'am Cindy ngayon. Natakot ata kay Terrence.. isa pa ang Terrence na iyon sa pinaghihinalaan ko.Pati si Xepher. Sila lang ang nakakapagtaka sa klaseng ito.
P'wede rin si Jefferson.. nag-uumpisa ang patayan everytime na may transfer student. At take note, may namatay simula nang lumipat siya. Wait, lumipat lang din si Xenon nang time na lumipat si Jefferson kaya malakas ang posibilidad na siya nga ang pumapatay!
"ID mo.",saad ng librarian sa akin at nang ipakita ko iyon ay napatingin siya sa akin,"4-A? Classmate mo si Ria di'ba?"
"Oo.",saad ko naman.
"Pakisabi sa kanya na uso ang matulog ha? I saw her left her house last night at nakabalik ata siya mga 3AM na ata.",sambit niya.
Napatingin ako sa kanya.. ano? Paano naman niya nalaman iyon? At.. umalis si Ria ng bahay niya kagabi? Saan siya pumunta?
"Kaano-ano mo siya?",tanong ko naman
"Kapitbahay at stalker ko ang batang 'yon.",bored na sambit ng librarian sa akin.
BINABASA MO ANG
The Class of the Damned
Mystery / Thriller❝If you thought that everything's over.. you're all wrong, there's still the ones who will perish you.❞