[Terrence's POV]
"Hey,wait!",sigaw ko at nilapitan ang pinakahinihinalaan kong killer sa generation na ito.
"Oh, y-you're here. Why?",tanong naman niya.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?",tanong ko pero nag'sssh' sign siya at malaspy na naglakad papunta sa bushes
How ironic, I'm a spy from the government itself pero natatawa ako kung paano umakto itong babae na 'to. Pagtingin ko... uhh. Is it too cliche to stalk on guys? Okay, now she's creepy.
"Why are you stalking Xepher Park?",tanong ko.
Kumukuha naman siya ng mga litrato palihim at parang kinikilig pa. Girls.. they are indeed weird creatures. Tch.
Pinag-isipan ko naman muna kung aalis ba ako o hindi. Pero may nakita akong nakahood na tao na nakatingin sa aming dalawa. Agad ko naman ihinanda ang tinatago kong kutsilyo rito. Magsumbong kaya muna ako sa pulisya.
No.. ayoko nga. Masyado silang paepal, baka mamaya may kasabwat sina Sir Westville sa kanila. Based sa observation ko, parang walang alam ang anak niyang si Xenon sa kademonyohan na pinaggagawa niya sa mga estyudante. Sabagay, takas ba naman sa mental ang demonyong 'yon. Nakipagtitigan naman ako sa taong nakahood hanggang sa umalis na lang siya bago ko iwan ang stalker na babaeng ito.
Sabagay, wala akong pakialam kung mamatay silang lahat. Ang mahalaga ngayon, maaccomplish ko ang misyon ko.
Alam ko ang pakiramdam ng makapatay, 'yon nga lang, sapilitan lang. Isa din dapat sa magiging demonyo ang pinatay ko.. isa din dapat siya pero dinispatsya ko na siya at dahil doon, nakulong ako sa juvenile ng ilang buwan. Umamin naman ako na ako ang nakapatay eh, buti na lang at walang pamilya ang Wyvern Leano na iyon.
Pero may mga konektado sa kanya na dalawang tao... ang bestfriend niya at ang stalker niya. Oo, sina Aron Yang at Ria Gillermo ito. Sila rin ang pinaghihinalaan ko na kasabwat niya. Sigurado akong gagawa sila ng isang laro ulit na magdadahilan ng pagkamatay ng marami. Pero hindi ko hahayaan iyon.
[End of POV]
[Third Person's POV]
"Thunder!",napatingin naman siya nang makita niya si Sahara.
"Oh, nasaan ang mga kaibigan mo?",tanong niya sa dalaga.
"May aasikasuhin daw sila e.",sambit naman ni Sahara,"Si Cynthia, pupunta sa parents niya tapos si Abrylle, nasa sementeryo while si Zephyr, kasama na naman si Mine kaya solo flight ako ngayon!"
"Mag-ingat ka sa daan, baka mapahamak ka dito.",saad ni Thunder,"Madami rin na manyak dito."
"Ikaw ang dapat na mag-ingat."saad naman ni Sahara kaya napakunot ng noo si Thunder.
"Bakit naman?"
"Baka kasi mapaaway ka naman ngayon, pa'no na lang 'yan! Baka magwala sina Daewon niyan!",saad ni Sahara.
"Bayaan mo ang hilaw na koreanong 'yon! Baka ando'n iyon kasama ni Aerial, nagbabaklaan na naman or nangc-chicks.",saad ni Thunder.
"Okay! sige. Doon na sa kabilang street ang bus station, uuwi na ako. Bye!",pagpaalam ni Sahara.
Maggagabi na noon at naglalakad si Thunder sa isang madilim na eskinita na shortcut papunta sa subdivision na tinitirhan niya nang makaramdam siya na mayroong sumusunod sa kanya. Tama nga ang hinala niya, may taong nakasuot ng hood ang sumusunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Class of the Damned
Misteri / Thriller❝If you thought that everything's over.. you're all wrong, there's still the ones who will perish you.❞